Chapter 6 - White Dress

68 4 7
                                    

Matthew's POV

Umaga na! Christmas party na mamaya! Sinadya ko gumising ng maaga. 5am. Di naman ako excited no? Hahaha! Magreready kasi ako. Mag-aayos ng gifts para sa mga Friends and Teachers. Heto na ata yung last gift na ibibigay ko sa kanila. Pero syempre except kay Ayumi. :) Special yung gift ko sa kanya! Necklace lang naman na nakalagay "Ayumi <3" Pinagawa ko yun. Kaya nga mamaya kukunin ko na sa pinagawan ko eh. Buti 6am nagbubukas yun. 

Nag-ayos na ako ng gamit. Naligo at nagbihis, bumaba na ako para kumain, si Mama nauna ng umalis, may trabaho pa kasi yung iba ko namang kuya tulog pa ata. Dito na natulog yung tatlo kong kuya kasama mga asawa nila. Yung panganay pala namin may anak na. Lalaki, ang cute nga eh ^^ pangalan niya Dwiecan. Dwie-wie ang nickname. Ang cute no :D

"Sir, nagluto na po ako ng breakfast niyo, favorite niyo po. Ham and Bacon" sabi nung katulong namin

"Okay, thank you" sabi ko na lang

6am na nung matapos ako kumain, Paalis na ako, syempre, pupuntanhan ko muna yung pinagawan ko ng kwintas. Iniisip ko kung susunduin ko pa ba si Ayumi tutal maaga pa naman.

Nagpa-music na lang ako sa loob ng kotse ko para hindi tahimik. kanta ng mga f(x) plinay ko. Unang kanta is "Toy" sinabayan ko ang pag kanta ang cute talaga ng boses ni Sulli babes :D Hahaha! 

Nakarating na ako sa dapat kong puntahan, nakita kong nakabukas na ito so pumasok na ako.

Tinanong ko kung tapos na ba yung pinagawa ko. At yes, tapos na, ang cute nga eh, Gold siya, Tapos naka cursive. Binayaran ko na ito at nagpasalamat at umalis. Susunduin ko na lang si Ayumi for sure madaming dala yun. Mag represent ba naman na siya ang gagawa ng Baked Macaroni! Eh, ang dami dami namin.

Nandito na ako sa bahay nila. Well, heto na nga kakatok na eh. Hahaha.

*TOK TOK TOK* 

--------

Ayumi's POV

Nandito ako ngayon sa kusina. Nagluluto ng Baked Macaroni. Nagrepresent ako eh. Kaya gagawa ako :D Sana masarap 'to hehe :D Narinig kong may kumatok sa pintuan namin. 6:30am pa lang may bisita na? Ang dungis-dungis ko pa. Punong-puno yung t-shirt ko ng sauce. Bahala na!

Pumunta ako sa may pintuan at binuksan ko ito. Nakita ko si Matthew na bigla na lang nandiri yung mukha sakin.

"Ano ba 'yan ayumi! kadiri suot mo!" sabi niya sakin sabay pasok sa loob ng bahay

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya sabay cross ng arms

"Susunduin ka" sabi niya

"At kelan mo ako naging girlfriend?" tanong ko ulit sa kanya

"Pag sinundo girlfriend agad?" pilosopong sagot niya tapos tumatawa

Hindi na ako sumagot, pumunta na akong kusina para tapusin yung ginagawa ko, Cheese na lang din naman ang kulang. Tapos ko na nilagay yung cheese, matutunaw naman din yun, mainit pa kasi yung baked mac. 

"Wow, ang dami naman ata niyan" sabi ni matthew, pumasok agad sa kusina

"Hindi lang naman para sa school 'to eh, dito rin samin no" sabi ko sa kanya sabay talikod

Maghuhugas muna ako ng mga gamit dito, para makaligo na din ako.

"Ako na jan, maligo ka na" sabi ni Matthew, ayan nanaman yung panlalaking boses niya. Grabee

"Paano yung damit mo?" tanong ko sa kanya

"Baka may apron?" pilosopong sagot niya ulit

"Bahala ka nga jan! Maliligo na ako" sabi ko sa kanya

Tumakbo na agad ako papuntang kwarto, 7:30am kasi start ng Christmas Party. Mag 7am na, mag-aayos pa ako ng sarili ko, kailangan maganda ako ngayon! Maganda naman ako araw-araw eh. Hehehe 

Nagmadali na lang ako maligo. 15 minutes. Saglit lang yun diba? Hahaha. Natapos na ako maligo, nag hanap na ako ng damit, mag ddress na lang ako. Yung white, maganda yun :D Sinuot ko na yung White dress then konting make-up. Ayoko ng madami, ang kati kaya sa mukha! Nakakainis T^T Naglagay na lang ako ng liquid eyeliner, tapos lipstick tapos blush-on hihihi. 

"I'm readyyyy!~" sigaw kong sabi habang bumababa ng hagdan, may narinig akong kalampag kaya binilisan ko na ang paglakad ko nakita ko si Matthew na nakaupo sa sahig habang sapo-sapo yung balikat niya

"Ano nangyari sayo?" tanong ko sa kanya sabay inalalayan

"A-ah, nalaglag ako, sumigaw ka kasi eh" sabi niya, 

"Ang ganda mo ngayon bakla" dugtong niya, namula naman ako, naramdaman ko syempre! uminit mukha ko eh. 

"Araw-araw naman ako maganda ah" sabi ko sa kanya sabay tawa

"Oo na, ikaw na maganda! Dinaig mo na beauty ko!" Sabi niya habang tumatawa din

"So, let's go?" Aya niya. Tinulungan niya ako sa mga dadalhin ko, Yung Baked Mac at yung bag na puno ng gifts, Hindi lang naman para sa friends ko yun, syempre may teachers din. 

---

Nakarating na kami sa School, ang konti pa lang namin so nag-ayos ayos na lang kami. Wala pa namang 7:30am mga nasa 7:15am pa lang ata. Nilagay na ni Matthew yung ginawa kong Baked Mac sa table. Naalala ko hindi pa pala ako nagbreakfast. Gusto ko na kumain T^T

"Gutom ka na ba?" nagulat ako sa nagtanong. si Matthew lang pala

"Oo eh, naalala ko di ako nag breakfast" sabi ko sa kanya

"Tara, Mcdo na muna tayo, nagugutom na din ako eh" aya niya sakin

"Eh, 7:30am ang start" sabi ko sa kanya, ayoko ma-late no

"8am kaya, 7:30am sa teachers, nakikinig ka ba?" sabi niya, 8am ba? Sorry naman, excited siguro ako haha

"Okay, basta libre mo ha" sabi ko sa kanya, sory siya, pamasahe lang dala ko eh. Hahaha!

"Ok, sabi mo eh" Haha sabi niya, mahilig manlibre yan! Ewan ko, ako lang ata nililibre XD

-----

Nakapunta na kaming Mcdo, Ang inorder ko lang naman ay Big Mac, Large Fries at Coffee Float. Hahaha. Konti lang yan ah. :)) Naghanap na ako ng mauupuan at may nakita akong bakante, 4 seats siya. Wala kasing dalawahan. Umupo na ako doon at hinintay si Matthew, after 3 minutes, nandito na yung order ko I mean namin hehe. Kain here Kain there~ Gutom talaga ako T^T

"Ayumi, may bibigay pala ako sayo mamaya" sabi niya sakin ni Matthew

"Ano yun?" tanong ko habang ngumunguya pa

"Basta" maikling sagot niya

"Ako din may ibibigay" sabi ko, may ibibigay talaga ako, bracelet siya, Letter M nakalagay, meron din ako, Letter A. Hihi, 

"Okay" maiksing sagot niya, kumakain kasi siya

-------------------

A/N: Hellooooo~ After ilang days naka pag update din! HAHA Hindi ko pa tapos yung sa A.P namin T__T Wala kasi akong libro. May pasok na bukas :( <//3 Vote and Comment po :DDD

Ang Boyfriend Kong Bading [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon