3

18K 462 161
                                    


3

ZAK

"Meron ka bang idea Zak kung sinong may pakana nun?" tanong ni Tuck. Naglalakad kami ngayon pabalik sa school para hanapin ang g*gong nanakit kay aswang.


"Wala naman tayong nakakaaway! Wala akong alam kung sinong gagawa nun." Sagot ko sa kanya habang gigil na gigil na ako at gusto ko nang manakit.

"Ano? Hindi mo alam kung sino? Eh sinong pupuntahan natin sa school?" tanong ni Trav at napatigil kaming lahat sa paglalakad at nagkatinginan. "Uhmm nagtatanong lang ako dude. Sige na! Tara na at hanapin ang hindi natin kilala!!!" Nanlaki ang mga mata nya at naunang maglakad.

"Hindi ka talaga nakikinig kay Lex no Trav?!! Sabi na nga nyang si Val ang nabugbog kaya sya nadamay." Epal naman 'tong si Luke.

"Uy g*go anong ako?!! Wala akong alam dyan no!!" Sumagot si Val at sumunod kay Trav pero tumigil din sila sa paglakad.

"Bobo 'tong si Luke! Ang hina ng memory! Hindi Val kundi – " nagisip pa ulit si Rich, " – uhm Dal – uhmmm Daldal? Oo Daldal yung pangalan! Bobo ka!!" Pinagdiinan pa nitong si Rich yung pangalan. Napaisip tuloy ako kung ano nga palang pangalan nung nabugbog. Kasi hindi namin malalaman kung sinong may gawa nun kung hindi namin kilala kaya dapat namin mahanap muna kung sino man yun. Tsk! Wala atang tatama sa'min sa pangalan.

"Maka-bobo ka akala mo naman tama ka!! Tatamaan ka sa'kin kapag mali ka rin!!!" hinambaan ng suntok ni Luke si Rich.

"Tama na nga. Dale daw yung pangalan. Tinext ko na si Maxi." Sabi ni Tuck. Wala man lang nakaisip sa'ming itext si aswang dahil ayaw naming magworry sya.

"Tingnan mo bobo ka rin!! Daldal daw! Dale! Dale!! Yung Maxi mo sinusulot na ni Tuck kasi bobo ka!!!!" sigaw ni Luke kay Rich pero nagbibiruan lang naman sila.

"Totoo nga, Tuck? Type mo yung babaeng yun?" seryosong tanong ni Rich pero hindi sya pinansin ni Tuck.

"Ang tanong paano natin hahanapin yang Dale na yan. Nandito pa kaya yun sa school?" sabi ni Tuck at nauna na syang pumasok sa loob.

"Kung ipa-page kaya natin sabihin natin humanda na sya?" suggestion ni Trav at inakbayan naman sya ni Val.

"Parang sinabi mo na ring makick out tayo sa school no? Ang cute cute mo talaga! Ang sarap mong saktan!" Ginulo nya ang buhok ni Trav.

"Ano ba daw itsura nung Dale na yun? Buwisit! Kapag nakita kong gwapo yun mauuna ko syang bubugin! Bakit ba sya lalapit kay aswang!! Humanda sa'kin yan!!" Humarang ako ng grupo ng babae. "Hoy kayo!!! Wag nga kayong ngumiti ang papanget nyo naman!!! Kilala nyo ba si Dale?!!!" Halatang natakot sila pero nagpapacute ang iba sa mga kaibigan ko.

"Dale who?" sagot ng nasa unahan.

"Ayun Zak may apelyido na tayo. Dale Who daw!! Ayos!!" sabi ni Trav at napatingin kaming lahat sa kanya. Tinakpan ni Luke ang bibig ni Trav at sumenyas sa'kin na ituloy ko na ang ginagawa ko.

"Alam nyo miss kapag naituro nyo sa'kin kung sino si Dale – " tumingin ako sa mga kaibigan ko, " – makakapili kayo ng isa sa mga yan at pwede nyong halikan!!" nagtilian ang mga babae. "Ano kilala nyo ba?" bigla silang tumigil.

"Hindi eh." Mahina nilang sagot.

"Wag na kayong umasang makahalik ng mga tulad namin!!!! Mga walang silbi!!! Tara na!!" naglakad na ulit kami ng may nagsalita sa tabihan.

"Anong kailangan nyo kay Dale?" napatigil kaming lahat at lumingon. Nakita namin ang isang lalaki na mukha ng mummy dahil sa mga nakabalot. May black eye pa. Makakausap pa kaya 'to ng matino?

Perfect Haters Book 3: Imperfectly In BetweenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora