Kabanata 46

1.1M 30.8K 20.7K
                                    

Kabanata 46

Selos

Pagkatapos ng araw na iyon ay sumama ako kina RJ papunta sa studio nina Kira para sa fitting. Kasama ko rin si Billy at JV na parehong kasama dun sa ramp na sasalihan ko. Noon kasi, hindi ako masyadong pinapasali ni Clark sa mga ramp. Ang gusto niya lang ay yung mga nasa fashion at teen magazine kung saan siya ang mag pho-photograph tapos ako ang bibihisan.

"Francesca!" Nagbeso si Kira sakin sabay ngisi.

Tumango din ang mga dati kong kakilala sa studio nang dumating ako. Ang mga male models ay nagbabatian samantalang kitang kita ko ang female models na nagsusukatan ng gowns.

"Ni liitan ko yung mga sukat mo kasi kitang kita ko na medyo pumayat ka. Pero sexy parin naman." Ngiting ngiti si Kira sakin habang sinasabi yun.

Tumango ako at iginiya niya ako sa isang table na punong puno ng designs ng mga damit.

"Ito yung susootin mo." Sabay turo niya sa isang puting gown.

"Mahirap sootin yan." Utas ko nang nakita ang disenyo.

Puting gown pero ang daming mga nag i-ekis na tela. Kitang kita ang pusod, tiyan, at likod ko sa oras na sosootin ko ito. May sobrang habang slit pa doon at nakikini kinita ko nang mahirap maglakad sa gown na yun.

"Oo. Kasi yan yung featured gown at alam kong kaya mong sootin yan!"

Napalunok ako at tumango.

"Well, narinig ko rin nga pala yung sinabi ni RJ." Nilingon niya si RJ at bumaling agad sakin. "Na gusto mo dawng sumabak sa FHM. Pwede, Chesca, sa GF or The Month ka muna bago tuluyang pumasok. Malaking break yan para say-"

"Hindi siya sasali sa FHM." Pareho kaming napalingon ni Kira sa nagsalita sa likod.

Nakita kong makisig na nakatayo si Hector habang mukhang galit na tinitingnan si Kira. Ginapangan ako ng kakaibang kaba. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? At bakit niya ako pinapangunahan? Ayan na naman ang pagiging control freak niya.

Nilingon ko ang iilang mga female models na halos lumuwa ang mga mata sa kakatingin kay Hector. Sanay sila sa nag gugwapuhang lalaki pero iba talaga ang dating ni Hector. May kung ano sa kanyang bago sa paningin at masyadong lalaki. I know, people. Naakit din ako sa kanya dahil diyan.

"OHH! Hector!" Halos mag beso rin si Kira sa kanya pero inilagan siya ni Hector. "Nandito ka ba dahil nag bago ang isip mo? Mag momodel ka na ba?"

"Hindi. Nandito ako para bantayan si Chesca."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tumikhim ako lalo na nang nakita ko ang pag linga linga ni Kira saming dalawa. May kung anong kumislap sa mga mata niya nang napagtanto ang sinabi ni Hector.

"Oh! Okay... Okay..." Ngumisi ngisi na parang baliw si Kira.

Umiling na lang ako at umirap.

"May pamalit ka na pala kay Clark. At di ko maipagkakailang, shit, mas masarap yata yan, Chesca." Bulong ni Kira sakin. "Ah!" Nilakasan niya ang boses niya para marinig ni Hector. "Sigurado ka bang ayaw mong mag modelo?"

Umiling si Hector at tinitigan ako.

Ano ba? Pwedeng tama na ang paninitig?

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon