30 ~ Si Tomboy at Si Bakla

1.5K 28 0
                                    

Chiro Jake's POV

Ano ba itong lalaking to! I mean si KP! Lasing na kasi kaya dal-dal na ng dal-dal eh! Sino ba yung mga lasing dito? Hmmm.. SI Ken, naka tulog na sa lap ni Sunny, Si Sunny naman, natutulog na din sa ulo ni Ken. Tapos si Koa kinukulit si Christine, tapos si Christine inis na inis, tapos si OP, nag seselos sa kanilang dalawa. Tapos si Chevi, kausap yung kababata niya na si Dazel, well 16 years old palang si Dazel at 17 na si Chevi kaya sila lang ang pinaka bata dito.

Since wala namang pumapansin sa akin, nabaling ang tingin ko kay Tiffany. And that, nahuli ko na siyang naka tingin sa akin kaso tumingin ito ng ibang direksyon. Oh come on! Bakit ba siya iwas ng iwas sa akin?! Tsk, kaiinis naman tung babaeng to! Ngayon na nga lang kami nag kita tapos yan pa?! Ang tomboy tomboy kasi!

Nakita kong tumayo siya bigla na may bote pa siyang hawak at nakita ko siyang nag lakad sa taas ng Manderin Bar.

-A/N: Si Tiffany po yung nasa gilid. HAHA! Cute talaga niya :3

"San punta nun?" Napatanong na sabi ni Dazel kay Chevi. Tumingin naman kaagad sa akin si Chevi at pinandilatan ako.

"Sundan mo bakla ka talaga." She mouthed, ang nakita ko lang sa bunga nga niya ay sundan mo, pero yung ibang sinabi niya di ko nahalata kasi medyo madilim dito kasi yung mga lights. Tumayo ako sa kinauupuan ko at sumunod ako kay Tiffany na nasa roof top ata or nasa terace lang. Di ko sure.

Nag lakad na ako papuntang taas at nakita ko siya duon sa tarace na nag - iisa. Nakakainis naman yung tomboy na toh, baka mapahamak pa dito eh, ang daming mga lalaki dito tapos nag iisa pa siya? Tsk.

Nag lakad ako papunta sa kanya at tumabi sa tabi niya, nagulat naman ito ka agad at agad niya akong pinanlakihan ng mata.

"Anong ginagawa mo dito?" Masungit na tanong niya sa akin.

"Bakit? Sayo ba itong bar na to at hindi ako pwedeng pumunta dito sa taas?" Pag babasag ko sa kanya at halata namang nainis ito sa akin dahil inirapan niya ako.

"SO? Nagiging babae ka na rin, kelan kapa natutong umirap?" Biro kong tanong sa kanya.

"Ewan ko sayo, layuan mo nga akong bakala ka baka matulad ako sa kalandian mo eh." Sabi nito sa akin at inirapan na naman ako bigla! Tsk! Kung hindi lang ako lalaki baka sinabunutan ko na itong tomboy na to! pero jokes hind nuh.

"Ano bang ginawa ko sayo at ang grumpy mo ah?" Tanong ko sa kanya.

"Ewan ko sayo. Dun ka nga, gusto kong mapag isa." Sabi nito sa akin at tumingin directly sa himpapawid.

"Yan ka na naman, after one year ganyan ka parin." Sabi ko sa kanya.

"May nag bago sa akin, ikaw wala parin." Pag tatama nito sa akin.

"Anong gusto mong baguhin sa sarili ko eh ako to?" Tanong ko sa kanya.

"Tsk! Kung nambabara kapa jan, pwede ba dun ka nalang, may iniisip pa ako tapos ginugulo mo pa ako." Sabi nito sa akin at tumayo siya at nag lakad papunta sa labas. Tsk! KainiS naman!

So wala akong choice kundi sundan na naman siya sa labas. Putakteng tomboy naman ito oh! Nung pag ka labas ko, natagpuan ko siya na naka upo sa damuhan tapos umiinom ng alak. Tumakbo ako papunta sa kanya at tinabig ko ang alak na iniinom niya. Nagulat naman ito sa inacto ko at tinignan ako ng masama.

"Problema mo ba ha!?" Pasigaw na sambit nito sa akin.

"Wala akong problema! Ikaw yun duh!" Pasigwa ko ding sabi sa kanya.

"Umasta ka nga sa gender mo pag ka lalaki mong tao arte arte mo." Sabi nito at inirapan ako.

"Hoy! Purkit alam mo ng umirap di na kita papatulan jan!" Pasigaw kong sabi sa kanya.

Si Seryoso at Si Supladito [Finished]Where stories live. Discover now