36 ~ Baseball Game PT. 1

1.5K 23 0
                                    

Kaironielle's POV

Alam mo yung sinasabi kong dapat hindi nalang ako nag punta sa park? Well parang binabawi ko na. I'm having too much fun like I've never had this feeling before since when I was a kid. Masakit man ang totoo pero wala talaga akong childhood na natanggap kaya siguro binabawi ko nalang dito sa pag lalaro.

Ngayon, andito ako sa swing at si Jared naman ang nagtutulak sa likod ko. Same din si Seryoso, tinutulak din siya ni Kaycee.

Nakikita ko naman si Seryoso na naka ngiti. Isang linggo pa naman kami nag kakakilala eh pero bakit parang siya ang nag babago sa akin?

I mean, hindi naman talaga ako mabait eh. Wala akong kaibigan dahil sa pag ka suplado ko na ewan tapos hindi naman ako namamansin ng babae at wala naman akong mga pakielam sa kanila.

Parang nag babago ako ng unting unti na ewan. Ka-- kasi hindi ko naman ito naramdaman dati eh.

Tsk! Ang drama ko na, ayaw ko na to. Nakak hiya muka akong bading na ewan -_-

"Daddy! Mommy! Nagugutom ako!" Pasigaw na sabi ni Kaycee sa amin.

Agad naman na tumayo si Seryoso at nag lakad papunta kay Kaycee.

"San tayo kakain eh wala namang restaurant dito?" Patanong na sabi ni Seryoso.

"Hindi! Gusto ko nun!" Pasigaw na sabi ni Kaycee at tinuro niya yung nag titinda na may mga ewan.

Nangintab agad ang mga mata ni Seryoso at agad siyang tumakbo papunta duon sa may nag titinda na ewan.

"Daddy! Sundan natin si Mommy!" Pasigaw na sabi ni Kaycee at pinasan ko siya sa likod ko habang naka hawak naman sa akin si Jared.

Nun makapunta na kami duon,

"Gusto mo?" Tanong sa akin ni Seryoso. Tumingin ako sa pag kain at parang yung binili niya dati iyon! Yung orange na kulay na may itlog na ewan!

"Eh--- Hi-- Ayaw ko." Sabi ko sa kanya at inirapan ako. Tsk.

"Manong, akin nalang lahat yan, magkano?" Nagulat naman kami lahat sa tinatong ni Seryoso duon sa matanda. At talagang napaka seryoso talaga ang tanong nito.

"Lahat ng tinda ko iha?" Tanong ni Manong sa kanya.

"Opo." Seryosong sambit nito. "Magkano po lahat?" Tanong ni Seryoso sa kanya.

"Ah, dalawang daan naning. Piso lang naman isa eh." Sabi ni Manong at binigyan siya ni Seryoso ng isang libo.

"Hala, wala akong panbalik." Sabi ni Manong.

"Hayaan niyo na po, ipangbili niyo nalang po ng marami para sa susunod na bibili ako madami na." Naka ngiting sagot ni Seryoso sa kanya at sinalok na si Manong yung mga biniling street foods ni Seryoso sa plastik.

Binigyan din ni Manong si Seryoso ng bowl para sa lalagyan ng mga sawsawan. Ang dami naman nitong binili niya.

Nung makatapos ng ma iplastik ang lahat, bumalik na kami duon sa upuan namin at binuksan na ni Seryoso yung plastik. Hala, masusuka ata ako ah.

Kinandong ko si Kaycee at naka kandong naman si Jared sa kanya at mag ka harap kami ngayon at sinusubuan niya si Kaycee at si Jared.

"Daddy? Ayaw mo ba talaga ng kwek kwek? Ang sarap kaya." Sabi pa ni Jared sa akin habang sabay niyang kinakain yung scramble niya.

Bilib din ako kay Seryoso eh, ang yaman yaman tapos ganito ang hilig niya. Ako nga nandidiri eh pero weh.

Nagulat nalang ako ng nilapat ni Seryoso yung tinidor sa akin habang naka tingin ito ng seryoso sa akin.

"Kain." Seryosong sambit nito sa akin. Umiling naman ako ka agad sa kanya.

"Pag hindi ka kumain, may gagawin ako sayo that you're not going to like it." Is she scaring me like this? Tsk.

"Kumain kana Daddy, wag pong maarte." Sabi ni Kaycee sa akin.

"My arms are getting tired." Angal ni Seryoso. So wala naman akong choice kundi kainin nalang yung sinusubo niya sa akin.

Pag ka kain ko.. *U*

"Yan pa kasi, ang arte." Sabi ni Seryoso at nag tawanan yung dalawa.

"Diba Daddy masarap? Ahhaha!" Sabi ni Jared sa akin at ngumiti naman ako sa kanya.

So nag kainan kamin apat at as usuall, lahat ng tingin ay nasa amin. Pero wala naman kaming pakielam. Some of them namamangha, at most of them gustong gumaya at sana daw ganito yun lovelife nila.

Somehow, nakakatuwa at masaya silang kasama. Para ngang totoong anak ko na sila. Wahahahha, ang arte ko much, di bagay.

-A/N: Ayaw pa aminin eh. Ayieee, baka sabihin mo inlove kana ah? Matagal pa yung chapter na yun. HAHAHAH!! XD

Ewan ko sayo author, palibhasa wala kang lovelife. Anyways, it took us like thirty minutes to eat the whole thing. Its actually good alright? Huh.

"Tara! Laro tayo ng baseball! May laban duon mamaya!" Pasigaw na sabi ni Seryoso sa akin.

"Tayong dalawa?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, madaming manonood, at kailangan ko ng team. Pupunta yung mga kaibigan ko dito at isa pang tao ang kailangan. Ikaw." Seryosong sabi nito sa akin.

"Huh? Baseball?"

"CL! Andito na kami!" Napalingon naman sa likod si Seryoso at naka kita ako ng tatlong lalaki. Lahat gwapo pero mas gwapo ako malamang. Tsk.

Lumapit naman yung tatlo sa amin at paran nag tataka sa mga nakikita nila.

"CL? Sino tu?" Tanong nung isang blonde ang buhok.

"Ah, Suplad-- I mean Kai. Just call him Kai." Seryosong sabi ni Seryoso sa kanya.

"Yow! Pakilala naman jan!" Pasigaw na sabi nung isa.

"Kai, this is KP, OP, at si KL." Huh? Ano-?

"Ah, OP nalang tawag mo sa akin, medyo pambabae kasi name ko eh." Sabi ni OP.

"Kristan nalang." Sabi nung isa.

"Ken nalang para wagas." Sabi nung isa.

"Ahhh.. O-- okay." Sabi ko sa kanila.

"Sino to Chevi?" Tanong ni Ken.

Hinawakan naman ni Seryoso yung kamay nilang tatlo at pumunta sila sa gilid at parang may pinag uusapan pa sila.

Naka tingin lang ako sa kanila at nakita ko yung Ken na nanglaki ang mata pero wala akong alam kung ano bang pinag uusapan nila.

Bumubuka yung bibig nila tapos tumatawa naman yung dalawa pero ano kayang pinag uusapan nila? Tsk. Kakainis.

Lumapit naman yung tatlo sa amin.

"Hello asawa---" bigla namang tinakpan ni Ken yung bunganga ni OP at ngumiti nalang si Ken sa akin. They acting weird.

"Tara! Punta na tayo sa baseball ground, mag sisimula na." Sabi ni Kristan at tumango naman kami.

Nag lakad kami papunta duon, naka pasan parin si Kaycee sa akin eh. Pumasok kami sa loob ng field pero naka upo si Jared sa upuan kasama si Kaycee sa labas ng harang.

"Stay there okay? Lalaro lang kami!" Pasigaw na sabi ni Seryoso sa kanya.

"Okay Mommy! Galingan mo Daddy!" Pasigaw na sabi ni Kaycee at ni Jared.

Nag tatawanan naman yung tatlo sa likod at parang binabantaan na ni Chevi sila dahil tumigil ito bigla.

Maya maya lang ay may pumunta ng malalaking limang tao sa field. Hala, malalaki sila. Kaya ba namin to? Tsk!!

Baseball ba pag lalabanan namin? Hay nako. Si Chevi walang emosyon at yung tatlo naman ay ganun din. Ano na namang problema?

Si Seryoso at Si Supladito [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon