KABANATA IX

11.8K 253 1
                                    

          Maraming katanungan ang umiikot sa isip ngayon ni Marco habang hindi magkamayaw sa paglagok ng alak.

Handa na ba siyang maging ama? Handa na ba siyang harapin ang lahat? Can he bear all the responsibilities? Magiging mabuting magulang ba siya? Ayaw man niyang aminin pero natatakot siyang harapin ang lahat. Natatakot siyang maging katulad ng kaniyang walang kuwentang ama na pinabayaan lang sila at iniwan para sa ibang babae.

Habang napako siya sa kaniyang kinauupuan at tuluyan nang nawala sa kaniyang paningin ang babaeng ginulo ang kaniyang sistema, sa isang iglap lang ay nagawa nitong iparamdam sa kaniya ang halo-halong emosyon. Takot, galit, pagkalito at saya.

Pero nang matauhan ay hinabol niya ito, ngunit para siyang tinadyakan sa sikmura nang makita niya itong yakap-yakap ng ibang lalaki. Gusto niya itong haklitin at ilayo sa lalaking nakayakap dito. Parang sasabog ang kaniyang ulo sa nakitang eksena.

Ngunit wala siyang magawa sakabila ng lahat ng gusto niyang gawin. Nakatanaw lang siya sa dalawa at hindi makakilos sa kinatatayuan.
Nakatingin lang siya rito habang inaalalayan nito si Sheira sa pagpasok sa sasakyan. Para siyang tuod na nakatingin lang sa dalawa. Umandar ang kaniyang instinct, may gusto ito sa babae base sa mga emosyong nabasa niya sa mga mata nito nang magkasalubong ang paningin nila. Gusto niya itong sapakin pero wala siyang karapatan. Sino ba siya kumpara rito?

"Pare!"

Isang suntok sa kaniyang panga ang nagpabalik sa kaniya sa katinuan. Nalaglag siya sa kinauupuan. Tinignan niya kung sino ang gumawa sa kaniya niyon.

"Zero." Nanlilisik ang mata nito habang nakatingin sa kaniya.

"Ano?! Tutunganga ka na lang ba diyan?!" Bulyaw nito sa kaniya.
Naguguluhan siya sa mga sinasabi nito.

"Goddammit Marco!" Lumapit ito sa kaniya at kwinelyuhan siya.

"May usapan tayo hindi ba? Wala ka man lang bang gagawin?!" mahina ngunit galit na galit nitong wika.

"Pare, relax." Awat naman ni Blue na hindi nila alam na nakasunod pala.

"How can I relax kung nakikita ko kung anong pinaggagawa ng tarantado nating kaibigan!"

Masakit ang pagkakasuntok nito sa kaniya ngunit hindi niya iyon ininda. Naiinis na rin siya sa pagsugod nito ng pabigla-bigla pero kailangan niyang kumalma. Alam niya ang sinasabi nito. Nakarating na rin pala rito ang balita.

"Pare, not like this. Let's talk. Let me explain."

Tinignan siya nito ng masama pero medyo kumalma na ito nang matauhan sa ginawa.

Nilibot nito ng tingin ang paligid, nakatingin na ang halos lahat ng tao roon sa kanila.

Pagkuwan ay ibinalik nito ang tingin sa kaniya.

"You better talk and make sense Marco." At binitawan nito ang kuwelyo niya at umalis sa pagkakadagan sa kaniya. Tinulungan naman siya ni Blue na makatayo.

"Ano nang balak mong gawin?" si Zero.

"I honestly don't know."

"Hindi mo alam? Eh kung hindi ka ba naman kasi gago, edi sana hindi mangyayari ‘to." Sabat naman ni Blue.

"I need time to think. Masyado akong nabibigla sa nangyayari."

"At sa palagay mo? Kami hindi? Bakit ba naman sa lahat ng puwede mong buntisin, eh ang kinakapatid pa ni-" Hindi na natapos ni Blue ang sasabihin nang ibagsak ni Zero ang kopita.

Napatingin silang dalawa rito ngunit diretso lang ang tanaw nito at tumungga muli.

"Two weeks...."

"I'll give you two weeks Marco. You better made up your mind, or else..." at sinalubong nito ang kaniyang tingin.

"Magkalimutan na tayo."

Matapos nitong sabihin iyon ay tumayo na ito at umalis. Ngayon niya lang ito nakitang galit na galit.

Naiintindihan niya ito, dahil mahigpit nitong ipinagbabawal ang pakikipaglapit niya sa mga malapit rito lalo na ang babae. Dahil batid nito ang karakas niya sa babae. Hindi niya kayang magseryoso.

Naipikit niya ang mata sanhi ng frustration.

NAGBUBURDA ng panyo si Sheira sa sala nang makarinig siya nang katok sa pinto. Wala siyang inaasahan na bisita ngayon, pero baka ang kaibigang si Brent ay may inaasahan.

Umalis kasi ito upang mamili kasama ang kapatid nito.

Inilapag niya ang ginagawa at tumayo upang pagbuksan ang sinumang tao sa labas.

"Sandali-" hindi niya natapos ang sasabihin dahil sa mukhang bumungad sa kaniya.

Napasinghap siya sa nakita at umawang ang bibig sa pagkabigla. Hindi niya inakalang makikita pa niya ito.

Wala sa sariling hinawakan niya ang nakaumbok niyang tiyan.

Sinundan naman ng tingin nito ang kaniyang kamay. Nakatitig lang ito roon. Pero ilang sandali lang ay ibinalik nito ang tingin sa kaniya at sinalubong ang kaniyang nagtatanong na mata.

"Hi!" bati nito.

Hindi niya alam ang sasabihin. Ibang-ibang ito ngayon. Nanlalalim ang mata at mukhang nakaligtaan na ring magpagupit ng buhok. Mahaba na rin ang tumutubo nitong balbas at bigote.

"Ma-Marco..."

______

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!

Zodiac Mugs
Available @ our shopee store!❣️

Primitibo Printing Services
https://shp.ee/t2c4k23

100 Pesos- Virgo

100 Pesos- Virgo

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
She Changed Me [Complete]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang