KABANATA XXII

8.1K 172 1
                                    

          Nakaupo si Sheira sa sala habang nagbuburda ng damit ng magiging baby niya ng may tumawag sa kaniyang cellphone na nakalapag lang sa lamesa.

Ibinababa niya sa kaniyang tabi ang ginagawa para tignan kung sino ang tumatawag. Bumilis ang tibok ng puso niya ng mapagsino iyon. Hindi niya alam kung sasagutin ba iyon o hindi dahil rinig na rinig niya ang mabilis at dumadagundong na tibok ng kaniyang puso. Pero sa huli ay mas pinili pa rin niyang damputin iyon kahit nanginginig na ang kaniyang kamay sa kaba.

"Hello."

"Sheira! Anak kumusta?"

Panandaliang napigil niya ang hininga nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Kamusta na nga ba siya? Ano ba ang dapat niyang sabihin rito?

"Ma."

"Bakit? May problem ba anak?" nahihimigan niya roon ang pag-aalala.

"Ha? Wala naman Ma." Pinasigla niya ang tinig, hindi pa siya handang sabihin rito ang lahat.

"Sigurado ka?'

"Opo Ma! Eh kayo Ma, kumusta kayo ni Papa?" pag-iiba niya sa topic.

"Eto namimiss ka na ng papa mo, umuwi ka na raw dito."

"Sino ‘yan?" rinig niyang tanong ng kaniyang ama sa kabilang linya.
Napangiti siya ng marinig niya ang boses nito. Namimiss niya na rin ito. Ngayon ay nakokonsensya siya dahil hindi niya masabi sa ama kung ano ang nangyayari sa kaniya lalo pat malapit sila sa isat isa.

"Si Sheira!" tugon naman ng kaniyang ina.

"Sheira? Anak?"

"Pa, ayos lang ako pa, ikaw pa? Maayos na ba ang pakiramdam mo? Nagpapahinga ba kayo tulad nang bilin sa inyo ng doktor?" kababakasan ng pag-aalala ang tono niya.

"Naku! Oo naman anak. Pero nga pala, kakauwi lang namin ng nanay mo galing sa Pangasinan."

Napasinghap siya sa binanggit nitong lugar, agad siyang kinabahan ng maisip na sa panahong iyon ay maaari silang magkita.

"Pangasinan? Anong ginagawa niyo rito?" kinakabahan niyang tanong.

"Dinaanan lang namin yung kumadre ng Mama mo."

Nakahinga naman siya ng maluwag dahil sa sinabi nito.

"Gusto ka nga sana namin dalawin anak kaso hindi ka namin makontak." dugtong pa nito.

"Naka-airplane mode kasi yung cp ko Pa."

"Ganoon ba, pero sa susunod kontakin mo naman kami ng mama mo dahil nag-aalala kami sayo."

"Opo pa."

"O siya, dahil nakontak ka na namin, ibababa na namin itong tawag at aalis na kami ni mama mo para magpacheck-up."

"Sigo po Pa, mag iingat po kayo.
Ikaw ang mag ingat diyan anak. Dalasan mo ang pagtawag ha?"

"Opo pa."

Nang maibaba na ang cellphone ay nakatingin lang siya roon. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang itago ang kalagayan at higit sa lahat hindi pa niya nasasabi kay Marco na wala pang alam ang magulang niya sa nangyayari sa kaniya.

Kailangan niya itong makausap tungkol sa bagay na iyon.

NASA loob naman ng office ni Math si Marco para pagmeetingan nila kung anong project ang kailangan nilang i-implement para mag gain ng profit.

Why don't we change the design in every room? I mean, for example, Room no.1 will be a Science Room in which the design is all about science. Most of the books in the shelves are science related then lets put a board game para kapag na bore sila they can play while studying." Suggestion niya kay Math.

"Oo nga." Sang-ayon naman ni Blue.  "If we have a different design in every room then our target market will be students who wants to study pero walang lugar na matutuluyan. Alam niyo naman ang mga youngster ngayon, they want new."

Tumango-tango naman si Jeilon. "Kung ako pa ang nag-aaral at wala tayong matutuluyan, Im willing to rent a room which full of books about Math and things for measuring. Other than that, the wall was painted of different equations and ofcoures has a good ventilation. Aircon sa loob, may sofa at tv na rin then carpeted ang sahig kung saan puwede tayong umupo."

"So ang ibig niyong sabihin ay parang iisang room lang without any division? Parang sala set lang kung titignan but at the same time, a mini library?" tanong ni Math.

"Yes, pero yong sofa may futon sa loob kung sakaling gustong mag overnight ng magbabarkada para matapos ang project nila. But ofcourse may banyo na ring kasama." turan niya.

"So, kung ganoon lets have a presentation for this week. But we only have a limited budget, to invest."

"Then if thats the case lets lower our cost by looking for some suppliers who can give us a high class standard materials but has a cheaper cost." Sabat naman ni Zero.

Hindi pa niya ito nakakausap simula ng huli nilang engkwentro. Balak niya itong kausapin mamaya bago puntahan si Sheira sa bahay ng kaibigan nito.

Tumango-tango naman si Math at tila natutuwa matapos marinig ang kanilang suggestions.

"Ikaw Marco, i-present mo sa akin ang design mo at Zero magcanvass ka kung saan tayo makakabili ng murang materyales pero mataas ang quality."

"At ikaw Blue, Jeilon, lets look for some investors for our project especially Mr. Quevas. Kug mapapayag natin siyang mag-invest sa atin, it would be a big help for us."

“Okay." sabay na sagot ng dalawa, "If thats clear to you, meeting adjourned." Agad naman siyang tumayo pagkasabing iyon ni Math at nilapitan si Zero.

Zero. Tinignan siya nito habang nakapamulsa ang dalawa nitong kamay, "Lets talk."

"Okay." Sagot nito saka tumayo at naglakad na palabas ng pinto. Lets just talk at the rooftop, sabi nito bago isinara ang pinto.

Nasa huling hakbang na siya paakyat ng roof top ay tanaw na niya si Zero.
Nakaharap ito sa kaniya habang nakasandal sa railing ng roof top.

"Anong nang pag-uusapan natin?" panimula nito nang makalapit na siya rito.

______

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!

She Changed Me [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon