three

3.2K 180 23
                                    

Umaga na at may pasok ka na. Iyan ang mga salitang ayoko mapakinig tuwing umaga. Lumabas ako ng bahay at sumakay ng kotse para pumunta sa school.


"Iha!" pinapaandar ko na ang kotse ko nang kinatok katok ni Manang yung bintana.


"oh, bakit Manang Dors?"


"heto yung baon mo" inabot nya sa'kin yung lunch box ko tapos may smiley face pa na nakadikit doon.


"Manang, sinabi ko na naman na sa school na ako kakain eh"


"hayaan mo na, para makatipid ka rin at may maibayad ka na sa mga yaya mo rito" panloloko nya.


"hahaha! sige, salamat" sinara ko na ang bintana ng kotse ko at pinaandar na ito.


Nakatira ako sa Golden Street, tsaka iilan palang ang mga nakatira dito kaya napaka tahimik. Nga pala, yung katabi ng bahay ko walang tao doon kaya parang hunted house. Pero ngayon parang may bumili na ata noong bahay na yun kasi may sasakyang pula na naka park.


Nang makarating ako sa parking area sumalubong sa'kin ang sobrang dami ng mga babaeng nagkakagulo. Bumaba ako ng kotse at kinuha ko ang bag ko.


"may nagra-rally nanaman ba?" tanong ko doon sa babaeng mukhang nerd.


"hindi" tapos binalik nya yung focus sa pagbabasa.


"ah, okie" naglakad ako palapit doon sa mga babaeng tumpukan at nagsisigawan.


"Oh my god! ang hot mo talaga!"


Tumiad ako para tingnan kung sino ba yung sinisigawan nila.


"I love you Hakuryu!"


Nakita ko ang apat na lalaking naka ordinary palang.


"new students?"


"isa lang sa kanila ang new student" sagot noong babaeng nasa tapat ko.


"sino?"


"kita mo ba yung lalaking naka hood ng itim?" tumango ako habang sinusundan yung nakaturo nyang daliri.


"sya ang new student"


"eh sino yung tatlo pang mga lalaki?"


"yung dalawang yun" sinundan ko muli yung tinuturo nya


"sila yung guards nya then yung isa pang lalaking naka polo ng puti ay student dito sa school natin"


Nagtatango nalang ako at umalis sa mga nagkakagulong mga babae dito. Dumaan ako doon sa isa pang entrance ng school, kahit malayo yun papunta sa room ko pinagtiisan ko na kesa naman sa makisingit ako doon sa mga nalolokang estudyante.


"Beshhy!" hinila nya ang kamay ko.


May Maine Park

-Si May Maine Park ang nag iisa kong bestfriend. 21 years old narin sya, just like me pero mas matanda sya sa'kin ng one moth kasi May ang birthday nya at ako naman ay June. May pagka-kalog si May Maine, pagkaisip bata at weird. Kasi kung magsuot ba naman sya ng mga damit sobrang luluwag, para bang pang xl yung mga outfit na lagi nyang sinusuot, pang elepante kung baga. Pero kahit ganoon sya, mahal na mahal ko naman sya.


"bakit?" tanong ko sa kanya.

"nakita mo ba si Hakuryu?"


"ha? sinong Hakuryu?"


"alam mo beshhy, maganda ka, matalino, mayaman, famous pero minsan ang tanga mo din eh"


I blink my eyes too much "eh hindi ko naman kasi talaga kilala yung si Hakuryu na sinasabi mo"


"yung lalaking pinagkakaguluhan sa labas!"


"yung new student?"


"yan!" pinalo nya ako "oo! yun na nga, natumpak mo"


I rolled my eyes "ang pogi nya besshy" dagdag pa nya.


"pogi?"


"oo" habang nakatawa.


Naalala ko tuloy yung dalawang lalaking nakatabi ko kagabi sa club. Kaso nga lang yung isa doon napaka bastos, tsk may balak ba naman akong halikan!


"beshy! ok ka lang?" habang kinakaway ang kamay nya sa mukha ko.


"oo naman"


"sure ka ha" naglakad kami papunta sa room "Beshhy alam mo ba na tanggap na ako sa fandom ng jologs?"


"haha" napatawa ako bigla.


"oh, anong nakakatawa?"


"kasi yung sinabi mo"


"yung jologs?"


I burst out laughing so hard that I hit my stomach.


Lumabas ako ng cr na natatawa parin pero pinipigilan ko na kasi nananakit yung tiyan ko.


"bakit jologs? sino bang idol nyo doon"


"si Hakuryu"


"prfft"tatawa nanaman ako pero tinakpan na nya ang bibig ko "huwag ka nang tumawa, ok?"


Mabilis akong tumango sa kanya hanggang sa makapasok na kami sa room.

My Worst Enemy is my Fiance'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon