Pagkatapos ng lahat ng nangyari, hinatid kami ni Johnny sa room.
"Charmaine, ginawa ko lang yun kasi ayoko na madamay ka sa gulo"
"Naiintindihan ko." Nginitian ko sya bago pumasok sa room
Mga ilang oras ng nakalipas pinatawag ako ni Ma'am, kailangan ko daw pumunta sa office.
'eksena sa office ni mayora'
"Ms. Gil, maupo ka" naupo ako sa tapat nya
"Bakit nyo po ako pinatawag?"
Nilapit nya ang kanyang upuan sa desk nya at sinamaan ako ng tingin.
"Miss Gil, alam kong galing ka sa masamang kalagayan. Pero para maging fair kailangan kong sabihin sayo ang iyong parusa"
"Parusa?"
"Tama ka, gusto mo ba na ipaalala ko pa sayo ang ginawa mo?"
"Ah, huwag na ho" pilit akong tumawa sa harap niya"naaalala ko naman po yung ginawa ko." kahit hindi.
"Gusto kong maging tutor ka ni Hakuryu Lee"
"ha ha ha, nagbibiro po kayo diba?"
"no"
Nawala yung ngiti ko sa aking labi.
"You may go" pagpapaalis niya sa'kin sa office niya.
Umalis na ako ng office at saktong nagring na ang bell para sa class dismissed.
"Beshhy!"
Dala dala na ni May Maine yung bag ko
"Oh, bakit?"
"Bakit ka pinapunta ni Ma'am sa office nya?"
"Sinabi na kasi nya yung parusa ko"
"Ha?! Ano daw?"
Hinila ko sya at dinala sa tabi ng locker ko.
"Kailangan ko daw maging tutor ni Hakuryu"
"Oh? Eh di ang ganda!" tapos trip pa niyang pumalakpak.
"Anong maganda?"
"Maganda kasi magkakaroon kayo ng time sa isa't isa!" kinikilig niyang tono.
![](https://img.wattpad.com/cover/88575369-288-k129749.jpg)
BINABASA MO ANG
My Worst Enemy is my Fiance'
Teen Fiction"The more you hate the more you love." Charmaine Gil, siya ang dalagang may pagka spoiled brat ang dating, maldita rin in some ways. Mayaman siya since may company na sila ng Daddy niya sa ibang bansa. May pagka spoiled brat siya dahil iisang anak l...