Chapter-17

13.5K 355 107
                                    

Blue

"Devil are you coming with us ba kapag chineck namin yung venue kung saan gaganapin yung engagement party ni kuya?" Agad na sabi ni Kate pagkasagot ko pa lang ng tawag niya. Saglit akong napaisip bago sumagot.

"Kailan ba 'yan?" gusto ko rin kasing magrelax sa tahimik na lugar, hindi puro inom na lang ang ginagawa ko kapag naiistress ako sa school o sa kung sino mang tao.

"We're leaving tomorrow night sabi ni mama. 'Di ko rin alam kung bakit.. you know her, pabigla-bigla" I imagine how she rolled her eyes while saying that kaya napangiti ako at napailing pa. Kahit bata pa kasi si Kate ay mas mature pa siya mag-isip sa 'kin, she knows how to cook at a very young age and mas gusto niyang pinapakialaman ang business ng pamilya at kung anu-ano pa kahit highschool pa lang siya, unlike me na kung anong maisip ay gagawin ko na lang.

"Hmm sige sama ako basta gawan mo 'ko ng cookies, yung ginawa mo last Sunday" baby talk ko sa kanya, minsan lang ako gumanito sa kanya kaya pag di siya pumayag ay aawayin at bibwisitin ko siya buong weekend.

"Devil sino ba ang mas matanda sa 'tin? Parang ako na ginagawa mong ate" himutok niya.

Natawa naman ako sa reaksyon niya, siguro nakapout na yung lips niya by now. "Kinacareer mo naman eh, gawan mo na lang ako kundi sisirain ko weekend mo" I heard her sigh then a smile drew along my lips, I won. No one can say no to me.

"Kakainis ka! Gagawan kita mamaya" she said in defeat. I ended the call and imagine how crumpled her face right now habang naglalakad papunta kay Stella.

Nang malapit na ako sa kanya ay nagdahan-dahan akong maglakad, she seems pre-occupied by something but that was replaced by a sweet smile nang makita niya ako. "May problema ka ba?" agad na tanong ko matapos humalik sa pisngi niya. Umiling siya bilang sagot, I can sense that she's lying but I just shrugged the thought off. I don't wanna ruin the moment dahil yayayain ko pa siyang kumain sa labas. "Phone mo pala" abot ko sa kanya. Kanina kasi ay napulot ko yun sa upuan ng athlete's canteen after basketball practice namin, since yung wallpaper eh yung mukha niya ay tinawagan ko agad yung mutual friend namin para iconfirm kung kay Stella yung phone na hawak ko and nung maconfirm nga ay pinasabi kong magkita nalang kami sa labas ng school para makuha ni Stella.

"Natutuwa naman ako kasi of all people ikaw pa nakapulot ng phone ko. Thank you" nangingiti naman akong napakamot sa batok ko, ang saya niya kasi.

"Soulmate mo kasi ako" biro ko sa kanya saka kumindat. Her smile slowly faded along her lips bago tumingin sa ibang direksyon.

As expected, she clenched my hand multiple times bago ulit tumingin sa 'kin. "Ellise naman" ngumiti ako sa kanya and held her hand na kanina lang ay pumipisil sa kamay ko. Sabi ko nga ayaw kong sirain ang moment.

"Masyado ka namang seryoso eh kakabati lang natin dahil sa pang-aaway mo" kunwari'y nagtatampong sabi ko. Gago kasing Steve yun eh, napakagreen minded. Akalain ba namang may nangyari sa 'min ni Stella. How I wish mayroon nga.

"Ikaw naman kasi kung anu-anong sinasabi mo" seryoso pa rin siya pero nakabawi na sa pagkainis sa 'kin. Ayaw na ayaw niya kasing pumipick-up line ako sa kanya dahil nga magkaibigan kami at kaibigan lang ang turing niya sa 'kin. Ang sakit 'di ba? pero kahit ganun ay okay lang dahil nakakasama ko naman siya paminsan minsan at nakikita ko pang okay siya.

"Sus dati naman kapag sinasabi ko 'yun kinikilig ka nga eh" pang-aasar ko pa.

Napairap muna siya sa 'kin, halatang naiinis nanaman sa kakulitan ko. "Dati 'yun, nung patay na patay pa 'ko sa 'yo"

"Aray naman, easyhan mo rin. Nakakasakit ka ng damdamin eh" ang sakit sa puso, 'di niya talaga kayang magdahan-dahan sa 'kin minsan eh.

"Alam mo kasi madami namang iba dyan--"

Loving The Cold Blue (GxG)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora