WHEN IT ALL ENDS Book Order Reminders

2.2K 31 9
                                    

WHEN IT ALL ENDS book order reminders:

- Once na maisend na po ninyo yung ORDER FORM (ipopost ko 'to sa November 26, 2016, 10:30AM) at ang LITRATO NG PAYMENT (ipopost ko 'to sa November 26, 2016, 10:30AM ang PAYMENT DETAILS) hindi na po pwede magbago ng kahit anong detalye sa order form. Kung ano po yung sinend ninyo sa akin, yun lang ang tatanggapin ko. Hindi na po ako tatanggap ng mga magpapalit ng address or pangalan ng tatanggap or number ng tatanggap.

- Ang ilalagay na impormasyon sa ipopost kong ORDER FORM ay yung detalye lang ng tatanggap ng package. Ngayon palang po magdecide ka na kung sino ang tatanggap or kukuha ng package kapag nagstart na ang padala.

- Sabay imemessage ang ORDER FORM at PICTURE NG PAYMENT. Hindi pwede na magkahiwalay sila. Yung imemessage po sana na PICTURE NG PAYMENT ay malinaw po at hindi blurred. Pakitago din po ang mga resibo dahil kapag nagkaproblema sa pagclaim ng payment mo, pwede mo pa ulit ako mamessage ng mas maayos na picture.

- Hindi po pwede magpapalit ng details once naimessage na sa akin ang order form sa NOVEMBER 26, 2016 hanggang DECEMBER 2, 2016. Wala nang chance para magbago ng details. Kung ano po ang minessage mo na order form, un na po ung gagamitin namin sa shipping details mo ng book.

- ISANG HARDBOUND BOOK ang When It All Ends. Magkasama po sa book ang Season 1 na nakapost sa Wattpad at ang Season 2.

- ONE PAYMENT lang po ang When It All Ends. Hindi po ako tumatanggap ng installment.

- January 2017-February 2017 ang expected month ng pagdedeliver ng WHEN IT ALL ENDS. Pinaedit ko na po kay Ate Eydee yung nakapost sa Wattpad pero ganyan po ang expected month of delivery ng books.

- Tulad sa JTB Bundle, hindi po sinasabi kung sino ang makakatanggap ng FIRST 20 sa freebies. Kung sino ang pinakaunang nagmessage ng may maayos na order form at buong payment hanggang sa umabot ng 20 books, sila ang may freebies.

- Sa mga magpapa-door to door shipping, ngayon palang po, alamin na po ninyo ung kumpletong address ng bahay ninyo.

- Sa mga magpapa-LBC PICK-UP, ang kailangan ko po ay LBC BRANCH, LBC BRANCH CODE at LBC ADDRESS ng LBC na pagkukuhaan ninyo ng package. Kung hindi po ninyo iyan mabibigay, hindi ko po tatanggapin na LBC PICK-UP ang package ninyo.

- Yung mga nagpaLBC pick-up sa JTB Bundle na binalik lang sa amin, BANNED na daw po kayo sa LBC pick-up. Hindi na po pinapayagan ni Ate Eydee na magpa-pick up pa po kayo dahil nahahassle lang ang parehong party. Door to door nalang po ang pwede po sa inyo. Ulitin ko, yung mga bumalik lang na package. Pakibasa pong mabuti.

- Sa LOCAL SHIPPING, ABest or Erim-LBC ang gagamitin. Pick-up at door to door.

- Sa INTERNATIONAL SHIPPING, magpopost po ako ng prices within this week, pakihintay nalang po. PhilPost/LBC/Singapore Post ang possible po na gamitin na pangshipping.

- Pwede pong magpadala ng payment sa LBC, CEBUANA LHUILLER, WESTERN UNION AT BPI ISLANDS. Hindi po ako tatanggap ng ibang remittance center kundi yan lang pong apat. Kung hindi po kayo jan nagpadala ng payment, hindi po macclaim ang payment ninyo. Wala po kayong matatanggap na libro. Sa Cebuana, LBC, Western Union at BPI ISLANDS lang po pwede magpadala ng payment.

- Kung first timer po sa pagpapadala ng payment, pwede po magpaturo sa staff or crew ng apat na nilagay kong mga payment option. Libre lang po magtanong sa kanila.

- Sa INTERNATIONAL PAYERS, I advice you po na sa WESTERN UNION, WORLD REMIT, XOOM or any online payment center na pwede po maclaim sa LBC, Western Union or Cebuana. Dinidiscourage ko po kayo na magsend sa BPI account ni Ate Eydee dahil kailangan po namin ng resibo ng total amount po na pinadala ninyo.

- Hindi po pwede magpadala sa PALAWAN PERA PADALA kahit na pwede maclaim sa LBC. Hindi po sa lahat ng oras open ang linya ng Palawan sa LBC. Hindi rin po safe na magclaim sa mga pawnshop na accredited ng Palawan dahil walang guard. Kapag hindi naclaim ang bayad ninyo, wala kayong libro.

- Lahat po ng libro ay may sign. Si Ate Eydee po mismo ang pipirma ng mga books bago po ipadala. Kung may makaligtaan man pong isign na book, pwede pong magawan ng paraan, pagusapan nalang po sa PM.

- Sa FB account na to (Eydee Aldea Sandoval) oorder ng WHEN IT ALL ENDS na libro. Wala pong ibang magaasikaso ng mga orders na libro kundi ang FB account po na iyon. Inuulit ko po, hindi dito sa wattpad account na namin isesend ang order form at proof of payment kundi sa FB account ni Eydee Aldea Sandoval.

- WALA PONG BATCH 2 ANG WHEN IT ALL ENDS BOOK. =)

PS. Yung BOOK BOX, sa group po iuupload ni Ate Eydee or ng admin. Pahintay nalang po na ma-upload nila. Magjoin nalang po kayo: www.facebook.com/groups/beeyotchreaders (Pwede niyo pong makita ang link ng FB group sa description ng wattpad account na ito)

**EDIT: Kung BPI Islands po ang magiging choice of payment, hindi po pwede ang online transfer or ATM payment. Ang tatanggapin ko lang po na picture ng resibo sa BPI ay yung mula sa teller.

Pabasa po muna ng buo. Salamat :)

- Admin Eydee Aldea Sandoval

*************
Kung may mga katanungan po kayong wala pa dito ay pwede niyo pong i-comment, pero mas madali pong masagot kung sa twitter (@beeyotchadmins) or facebook (Eydee Aldea Sandoval) kayo magtatanong.

Yung link po ng FB group at ng admin account kung saan pwedeng umorder ng book ay nasa description box po ng wattpad account na ito.

Beeyotch's Self-Published Books FAQsWhere stories live. Discover now