CHAPTER 15

2.2M 45.6K 23K
                                    

CHAPTER 15

"WELCOME home, 'Tay," nakangiting sabi ni Lysander sa ama niya na ikinatingin ni Jergen sa lalaki na parang naputulan ito ng ulo. "Kumusta ang pakiramdam n'yo?" nakangiti pa rin nitong tanong.

Inungusan ito ng kanyang ama. "Puwede ba, Lysander, kung makatatay ka sa 'kin parang close tayo. Itakin kita diyan, eh."

"Ernesto!" Pinandilatan ng kanyang ina ang kanyang ama. "Maging mabait ka sa manugang mo."

Ngingisi-ngisi naman si Lysander. "Narinig mo 'yon, 'Tay? Sabi ni Nanay maging mabait ka sa 'kin."

Pinukol ng masamang tingin ng kanyang ama si Lysander. "Huwag mo akong inising bata ka, baka atakehin na naman ako, talagang maiitak kita kapag nagkataon."

Ngumiti lang si Lysander, saka inakbayan siya. "Tara, baby, mag-honeymoon na tayo sa kuwarto."

Agad na sumama ang mukha ng kanyang ama na ikinangiti niya. Oo nga at mag-asawa na "kuno" sila ni Lysander pero mukhang against pa rin ang kanyang ama sa kanila.

"Ikaw talagang bata ka." Dinuro ng ama niya si Lysander. "Huwag mo akong inisin, iitakin talaga kita. Hindi ako nagbibiro."

Lysander grinned at her father. "Opo, 'Tay."

Napailing-iling na lang si Jergen nang sumama na naman ang mukha ng ama niya.

Wala na talagang pag-asa ang dalawang 'to.

"Huwag mo nang dagdagan pa ang problema kong bata ka," sabi ng ama niya, saka umayos ng upo sa mahabang sofa. Napailing-iling ito na parang may mabigat itong dinadalang problema. "Mukhang babalik na naman ako nito sa ospital."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit, 'Tay? Ano'ng problema?"

"Wala 'to." Huminga ito nang malalim. "Pinuntahan lang ako ng pesteng Carlito na 'yon. Dinagdagan na naman ang problema ko. Hindi por que lumampas na ako sa pinag-usapan naming buwan ng pagtubos ay puwede na niyang gawin 'yon. At talagang tinaasan pa ang presyo ng pantubos."

Lalong lumalim ang kunot ng noo niya. "Si Manong Carlito? Iyong ama ni Carlos?"

Nang mabanggit niya ang pangalan ni Carlos, naramdaman niyang nanigas sa kinatatayuan si Lysander at humigpit ang pagkakaakbay nito sa kanya.

Napabaling siya sa lalaki. "Okay ka lang?"

Madilim ang mukha nito. "I'm fine."

Hindi siya naniniwala na okay ito. Nagpapanggap na naman itong okay. Halata naman sa mukha nito na parang may hindi magandang iniisip.

"Naku, anak, huwag mo nang isipin 'yon," sabi ng kanyang ina.

"Hindi," sabi ng ama niya, saka tumingin sa kanya. "Dapat mo itong pag-isipan, anak." Huminga ito nang malalim. "Nagpunta si Carlito sa ospital. Sabi niya galing daw si Carlos dito sa bahay kaya nalaman nilang nasa ospital ako dahil nasabi raw ni Justine. Pinuntahan niya ako para sabihin ang gusto niyang kapalit sa lupa na isinangla natin nang magkasakit ako noon. 'Di ba may due date iyon kung hanggang kailan lang dapat tubusin?" Napailing-iling ito. "Pumalpak ako, anak. Hindi kumasya ang pera natin para matubos iyong palayan na isinangla kay Carlito noon kaya ngayon, iba na ang gusto niya. Kaya dapat mo 'tong pag-isipan kasi ikaw naman ang may-ari ng palayang 'yon, pera mo ang ipinambili no'n."

"Ano naman ang gusto ng Carlito na 'yon?" Si Lysander ang nagtanong.

Huminga nang malalim ang ama niya. "Hindi niya sinabi lahat, iyong tataasan lang ang presyo sa pagtubos ang sinabi niya. Pupunta raw sila rito ng anak niyang si Carlos mamaya para kausapin tayo tungkol sa dagdag pa niyang kagustuhan."

POSSESSIVE 14: Lysander CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon