FFS - Four

864 52 0
                                    

It's been a while since I've updated this story. Marami akong plano para dito pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Naeexcite ako sa mga next scenes at hindi ko alam kung paano ako gagawa nang daan para mapuntahan ko iyon.

Enjoy. I want to repay your efforts in reading this. Hope you'll like it.

Four

Friend
Dahil madalas sa isang love story, nagsisimula sa pagkakaibigan.

"Ay, tanga!" napatitig ako kay Mich nang sabihin niya iyon. Kunot ang noo niya habang nasa dibdib ang isang kamay. "Jusmiyo naman, Nadine! Anong ginagawa mo?"

"Ako?" turo ko sa sarili ko. Unti-unti nang pumipikit ang mata ko. "Hindi ako nakatulog kagabi." sabi ko.

"At bakit naman?!" inis na tanong nito.

"Hindi ko alam. Basta nasa kwarto ako magdamag, nakatulala lang. Hindi man lang ako nakaramdam ng antok. Sadyang ngayon ko lang naramdaman ang antok." sabi ko.

"Naku, wag ka nang pumasok, ako na magpapaalam sa'yo sa boutique pati sa bar. Matulog ka ah!"

"Makakapasok pa ako sa bar. Sa boutique lang talaga hindi. Matutulog lang ako ngayong umaga, sinisigurado kong makakatulong ako sa bar mamaya."

"Bahala ka!" inis na sabi nito. Mabilis itong pumasok ng banyo para siguro maligo para makapasok sa trabaho.

Umakyat muli ako sa kwarto ko at mabilis na nahiga sa kama. Pinikit ko ang mata ko at muling bumalik sa utak ko napag-usapan namin ni James.

Hindi ko naman dapat iniisip 'yun e. Pero 'yung mga sinabi niya ang nanatili sa utak ko. Hindi ko alam kung bakit parang hinahati ang puso ko nang dahil doon. Sa lahat ata nang lalaking nakilala ko na sinabihan ko nang totoong pagkatao ko, siya lang ang nagsabi nang mga salitang iyon.

Sobrang iyong tumatak sa akin na napapaisip narin ako sa ginagawa ko. Alam na alam ko kung bakit ako nagpapanggap na bading, kung bakit ako nagtatago sa katauhan ni Secret. Alam na alam ko, pero bakit tuwing naiisip ko ang mga sinabi ni James, nais ko lang gawin ay ipakita ang totoong ako.

Hindi si Secret kundi si Nadine.

Love is a destructive feeling. Kaya siguro hindi ako gaanong minahal ng magulang ko, dahil narin siguro sa depinisyon nito. Kaya siguro ako nandito sa lugar ko ngayon dahil hindi ako mahal ng magulang ko.

Bilang si Secret, ayokong magmahal ng kahit na sino. Ayokong idawit ang taong mamahalin ko sa magulo kong buhay. Gusto kong maging maayos ang lahat bago ko siya papasukin sa puso ko at sa buhay ko.

-

"Table 3, Secret!"

"Opo!" sagot ko. Mabilis akong tumakbo papuntang table 3. "Ano pong order nila." nag-angat ako nang tingin at nabato rin ng magtama ang paningin namin.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Wala man lang bang "Hi?", masama bang nandito ako?"

Umirap ako. "Ano bang order mo?" tanong ko. Ngumiti siya nang malawak bago tinuro ang upuan sa tapat niya.

"Maupo ka muna."

"Nagtatrabaho ako." sabi ko.

"Maupo ka na, hindi magagalit ang boss mo." sabi niya. Tumitig ako sa boss namin naka-thumbs up ito sa gawi namin. Nakita ko kung paano ngumiti si James at nakithumbs up rin.

Ano pa bang magagawa ko? Naupo ako sa tapat niya at tinignan siya.

"Ano ba talagang ipinunta mo rito?" tanong ko.

Falling For Secret. [JaDine]Where stories live. Discover now