FFS - Twenty Five

725 41 2
                                    

Pagpasensyahan n'yo na po ako dito sa UD na 'to. Na-fail ko ang dulo. Haha.

Twenty Five

Beh

"Pitchi, wag malikot." saway ko sa kanya. Tumitig ito sa akin bago kumahol. Lumapit ito sa pinto na tila may gustong puntahan. Nandito kami ngayon sa kwarto ko.

"Pitchi, gabi na. Let's sleep na, okay?" malambing kong sabi bago yumakap sa unan ko. Kumahol lang uli siya at tinuloy ang pag paroroon't paririto niya sa pinto.

"Pitchi, please?"

Kahol lang ang isinagot nito. Pinikit ko ang mata ko. Nagulat ako nang tumalon siya at kama at dinilaan ang braso ko. Napangiti ako.

"Sleep na tayo?" kumahol 'to at maayos na humiga sa tabi ko. "Good night, Pitchi."

NAGISING ako nang dahil sa tapik ng kung sino. Kunot ang noong nagdilat ako nang mata at kinapa ang tabi ko. Nasaan na si Pitchi?

"Buti naman gising ka na."

Nanlaki ang mata ko nang mabosesan ko ang boses na iyon. Umayos ako nang upo bago tumalikod sa kanya. Kinapa ko ang sulok ng mata ko, ang gilid ng labi ko. Pinasadahan ko rin ng kamay ko ang buhok ko.

"You look beautiful." biglang sabi nito. Para akong nasamid sa sarili kong laway. Mahigpit akong kumapit sa kumot ko bago ako humarap sa kanya.

"Paano ka nakapasok?" tanong ko. Inangat nito ang susing sa tingin ko'y galing sa information. Pwede bang ibigay nila ang susi sa kung sino sino lang?

Sasabihin ko kay Papa na pagsabihin ang mga empleyado niya na dapat maging maingat sa mga ganitong bagay.

"Anong kailangan mo?"

"Tahol kasi ng tahol si Pitchi. Nagtaka ako dahil doon kaya hiniram ko ang susi sa baba para mabuksan ang kwarto mo. Pagpasok ko dito, tulog ka pa, ako muna nag-alaga kay Pitchi."

"You don't have to." sabi ko. Umiwas ako anng tingin bago inayos ang higaan ko. Sumilip ako sa kanya at nakita kong lumunok siya bago umiwas ng tingin.

"Hindi ka parin sanay?" pang-aasar na tanong ko. Tumitig muna siya bago umiling. Lumapit ito sa maliit na lamesang nandito. Tinitigan ko ang tray na nakapatong doon.

Almusal. Biglang kumulo ang tyan ko.

"Eat. Anong oras na oh." sabi niya. Tumitig ako sa kanya.

"It's November 1 today, won't you visit the cemetery?"

"Wala akong bibisitahin doon." sabi niya. Bumuntong hininga ako bago lumapit doon. Parehas lang naman kami na walang bibisitahin e.

"Hindi ganoon kadami ang tao sa labas. Use this day to swim, ako na bahala kay Pitchi."

Ngumuso ako bago tinitigan ang laman ng tray. Ang isang plato ay may kanin, hotdog at sunny side up egg. Nakita ko rin ang isang baso ng tubig sa tabi.

"Salamat." sabi ko bago ako kumain. Panay ang sulyap ko sa kanya dahil ramdam ko ang titig niya. Kumukunot lamang ang noo ko pag ganoon.

"Anong problema?" tanong ko.

"Nothing." nakangiting sabi niya. Binuhat nito si Pitchi at nilaro ang aking alaga. Pinaningkitan ko siya nang mata bago ko binalik sa tray ang walang lamang plato at baso.

Kumuha ako nang damit na pamalit at agad na pumasok sa banyo. Naligo at nagbihis pagtapos. Nagsuot ako nang two piece swim suit, nag-short ako dahil ayoko nang kitang-kita ang katawan ko.

Falling For Secret. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon