Kabanata 30

2K 44 0
                                    

Kabanata 30

Magkasama kami ni vhin, magkahawak kamay habang naglalakad sa kung saan. Pilit kong siyang tinatanong kung saan kami pupunta pero ni hindi manlang siya lumilingon sa akin. Kaya wala akong nagawa kundi ang itikom nalang ang bibig ko para hindi na muling makagawa pa ng ingay.

Patuloy parin kami sa paglalakad at mas lalong humihigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay. Nanataili namang wala akong imik hanggang sa bigla nalamang siyang tumigil kaya nauntog ako sa kaniyang likod.

Nagsimulang kumabog ng mabilis ang dibdib ko sa hindi maipalawanag na dahilan. Hinawakan ko ito gamit ang kaliwa kong kamay. Pilit pinapatigil pero mas lalong bumibilis. Sa sobrang bilis, unti-unti kong nararamdaman ang pagsakit  nito, ang hininga ko na hindi ko mahabol.

Nagsimula akong kabahan nang nanatili parin siyang nakatalikod sa akin. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin nang lumuwag ito. Pilit kong hinabol ang kamay niya pero tila parang pinagkait iyon sa akin.

“Please remember how much I love you. Don’t you ever forget it ok?”

Napalunok ako ng marinig ko ang boses niya. Nanginginig ang labi ko habang ibinubuka ito, gusto kong magsalita, gusto kong magtanong, gusto kong sumagot pero hindi ko magawa, parang may pumipigil. Tumulo ang luha ko nang hindi ko namamalayan. Kasabay ng pagharap niya sa akin. Ang kakaibang pakiramdam na ilang beses kong nararanasan sa tuwing malapit ako sa kaniya.

Sa kabila ng pagluha ko na hindi ko mapigilan, ay ang pagngiti ko sa kaniya habang hinahawakan ang kamay niya. Pero unti-unting naglaho ang kislap sa aking mata ng makitang hindi siya ngumiti pabalik sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa paa niya ng makitang umaatras siya palayo sa akin.

“S-san ka pupunta? Vhin?” umiling lang siya at pinagpatuloy ang pag-atras. Hanggang sa tuluyan na siyang makalayo sa akin. Gusto kong igalaw ang paa ko para habulin siya pero parang nakadikit koi to at nang yumuko ako ay nakitang kong unti-unting nilalamong ng putik ang paa ko.

Ibinalik ko ang tingin kay vhin ay nanlaki ang mata ko ng malungkot siyang ngumiti sa akin at kasabay nun ay ang paghagip sa kaniya ng isang sasakyan.

“Ahh!” ramdam ko ang lambot ng higaang kinaroroonan ko. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang puting kisame ng kwarto at ang mga bagay na nakatusok sa akin. Doon ay nakita ko ang nag-aalalang mukha nina papa, manang at fer. May mga sinasabi sila pero hindi ko naman maintindihan. Sa paglabo ng mata ko ay doon ko nakita ang pagpasok ng doctor at iba pang taong hindi ko kilala.

Pag-uusap ng kung sino ang siyang naging dahilan ng paggising ko. Huminga ako ng malalim bago tuluyang iminulat ko ang aking mata.

"Fer! Call the nurse right away my daughter is already awake!" Tinulungan ako ni papa na makaupo at makasandal sa hospital bed.
Katabi niya si manang na halata ring nag-aalala sa paggising ko. Lumingon ako kay papa at nagsalita.

"Pa, where's v-vhin?" Huli ko ang pag-iwas ng kaniyang tingin sa akin. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa kamay habang nakayuko at umiiling.

No. This can't be. Hindi pwede to. Sana'y hindi totoo ang nasa isip ko.

Umiiling narin ako sa harap niya habang tumutulo ang luha sa aking pisngi.

"A-ano pong nangyari sa kaniya pa? Ayos lang ba siya? Nasan siya? Pa gusto ko siyang makita" pagmamakaawa ko sa kaniya.

Magsasalita na sana siya ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Pumasok ang sa tingin ko'y isang doktor at dalawang nurse na nasa likuran niya.

Lumapit sila sa akin at bahagyang tinignan ang kalagayan ko. Nang sa sila'y matapos na saka nila binalingan si papa.

Celine✔️Where stories live. Discover now