(Note: Bago po ako magsimula, use your wide imagination for this story kasi kaylangang kaylangan po iyon. Lalo na sa mga brutal na parts para damang dama nyo po. Salamat.)
Isa
Anonymous POV
Nagtatakang naglalakad si Cham sa isang di pamilyar na pasilyo, ang mga ilaw dito ay pundi na at ang lugar ay mukhang abandunado na dahil sa itsura nito. Habang sya'y naglalakad sya'y pinagpapawisan ng malamig, nagpatuloy lang sya sa kanyang paglalakad at talagang alerto sya sa paligid dahil pakiramdam nya ay kanina pa may sumusunod sakanya.
Sa kanyang pahlalakad nakarating sya sa isang lugar na may mga tapatang pinto, at pagkatapat nya sa unang tapatang pinto ay nakaramdam sya ng takot at lalong lumaki ang takot nya ng ang pinto sa may gawing kanan nya ay nagbukas, inilingon nya ang ulo nya sa may bukas na pinto at sinilip kung anong meron sa loob ngunit di nya maaninag kung anong meron dahil ang ilaw sa loob ay papatay patay.
Parang may kung anong merong naguudyok sakanya na pumasok duon sa loob at alamin kung anong meron, di nya alam kung bakit pero ang mga paa nya ay nagsimula ng maglakad papasok sa loob. Kaba at takot ang nararamdaman nya habang naglalakad sya papasok ngunit binalewala nya ito, naisara nya bigla ang kanyang mata pagkapasok sa kwartong iyon dahil ang ilaw sa loob ay papatay-patay, nagtuloy-tuloy lang sya sa pagpasok sa loob kahit na tinatayuan na sya ng balahibo dahil sa takot na nararamdaman nya.
Nagpatuloy lang sya sa kanyang paglalakad hanggang sa may maaninag syang isang bagay na isang tao pala, nakasubsob ang mukha nito sa lamesa habang nakaupo sa isang upuan, ang ilaw sa may tapat nito ay pagewang gewang.
Inobserbahan nya ang taong nasa harap nya ngayon, sakanyang pag oobserba nasabi nyang isa itong babae dahil sa haba ng buhok nito at pangangatawan, may napansin rin syang kung anong likido na umaagos mula sa pinagsubsuban nito, hindi na lamang nya ito pinansin.
Dumako sya sa kabilang dulo ng lamesa at inilapag ang mga kamay dito, ipinagpatuloy nya lang ang pagoobserba rito at may bigla syang naalalang isang tao, bumilis bigla ang tibok ng kanyang puso at lalong pinagpawisan ng malamig, ginamit sya ang kanyang kamay upang punasan ang kayang mga pawis sa noo, naalala nya rin ang kanyang mga kaibigan na kanyang kasama bago sya mapunta sa lugar na iyon, naibalik lang sa realidad si Cham ng biglang gumalaw ang taong nasa kabilang dulo ng lamesa, inabangan nya talaga ang pag angat ng ulo nito dahil nacucurious sya kung sino ba ito.
Unti unting inaangat ng taong nasa kabilang dulo ng lamesa ang ulo nito kasabay din ng paunti unting pagtigil ng ilaw na kanina'y pagewang gewang. Tuluyan ng naiangat ng taong nasa lamesa ang ulo nito ngunit hindi pa rin makita ni Cham ang itsura nito dahil ang mga buhok nito ay nakaharang sakanyang mukha.
Dahil nga sa sobrang pag aasam ni Cham na makita ang mukha ng taong nasa harapan nito ay naglakas loob na syang tanggalin ang mga nakaharang na buhok sa mukha nito at di nya inasahan ang nakita nya.
Ang mukha ng taong nasa harapan nya ay tapyas ang mukha, tanggal ang ilong, ang mga mata nito'y parang dinukot at ang bibig nito ay wala na sa ayos, ang mga dugo nito ay wala umaagos sa katawan nito, napatakip ng bibig si Cham sa kanyang nakita at pakiramdam nya ang babaliktad ang kayang sikmura.
Di inaasahan ni Cham ang sumunod na nangyare, biglang hinawakan ng taong nasa harapan nya ang kanyang mga kamay at humihingi ito ng tulong sakanya, kahit di gumagalaw ang bibig nito ay pakiramdam nya ay nagsasalita ito dahil naririnig nya talaga ang paghingi ng tulong nito.
Pilit nyang tinatanggal ang kamaya nitong nakahawak sakanya ngunit mahigpit ang pagkakahawak, unti unti rin syang hinihigit nito palapit hanggang sa mgmagkatapat na ang kanilamg mga mukha at unti nalang ang distansya. Nanlaki ang mata ni Cham ng mapagtanto nyang ang taong kaninang nasa isip nya ay ang taong nasa harapan nya ngayon.
"Ro--se?" nabubulol na sabi ni Cham sa taong nasa harapan nya ngayon, tumago lamang ito sakanya.
Napasigaw at napaluha si Cham dahil sa nalaman nya, hindi nya makayangang makita ang kaibigan sa ganung kondisyon kaya ipinikit na lamang nya ang kanyang mga mata. Pagmulat nya may wala na ang pagkakahawak nito sakanya at ang ito'y nakaupo na lamang sa upuan at wala ng buhay.
Napatakbo na lamag si Cham palabas ng kwartong iyon habang umiiyak, isinara ng malaks ang pinto at napasandal dito, di pa rin sya makapaniwala sa kanyanb nakita kaya patuloy pa rin sya sa pagiyak.
Inilapag nya ang kanyang kamay sa sahig at may nakapa syang kung ano, pag angat nya dito, isa pala itong susi, ibinulsa nya ito at isinubsob ang mukha sa pagitan ng mga hita.
-End-
YOU ARE READING
The Alter
Mystery / ThrillerThis story was just a product of my dream and one of the creepiest and weirdest dream I've ever had. I'll change the name of the characters except me because I am one of the characters and the protagonist. Thank You.