Tatlo
Anonymous POV
Sa kanyang paglalakad, nakarating sya sa panibagong tapatang pinto at sa muling pagkakataon ang pintong sa may gawing kanan nya ay nagbukas. Kanina habang sya'y naglalakad ay para syang buang dahil sigaw sya ng sigaw at palagibg nagtatakup ng tenga, umuupo sa isang gilid at umiiyak marahil hindi pa rin sya nakakalimot sa mga nangyayare.
Kahit takot na takot sya ay pinasok nya pa rin ang loob ng kwarto, ang pangatlong kwarto na kanyang napasok sa loob ng lugar at pasilyong iyon. Sakanyang pagtahak sa loob ng kwartong iyon ay naarinig sya ng mahinang pag iyak ng isang babae, hinanap nya kung saan nanggagaling ang pag iyak na iyon at sakanyang paghahanap ay nagulat sya ng may biglag humawak sa dalawa nyang kamay. Tinignan nya kung sino to at ikinagulat nya ng makita nyang isa ito sakanyang mga kaibigan.
"Mac? Mac ikaw ba yan? Okay ka lang ba? Asan ba tayo at ano ba ang mga nangyayari?" tanong ni Cham sa kaibigan nyang si Mac
"Tulungan mo! tulungan mo ako...." paulit ulit na sabi ni Mac at sa kada bigkas nya ay lalong himihigpit ang pagkakahawak nya kay Cham.
"Aray ko Mac! Nasasaktan ako! bitawan mo ako..." sabi ni Cham kay Mac ngunit nagpatuloy lang ito sa paghingi ng tulong at talagang humihigpit ang pagkakahawak nito.
Pilit na tinatanggal ni Cham ang pagkakahawak ni Mac sakanya at isang pangyayari ang di inaasahan ni Cham na mangyayare, ang mga kamay ni Mac ay natanggal mula sa kanya at dahil dun ay napatili ng malakas si Cham.
Bumagsak si Mac sa sahig at napuno ng dugo ang sahig, nakita rin ni Cham ang buong katawan ni Mac dahil sa pagkahiga nito, ang mga paa pala nito ay nakahiwalay sa katawan nya at nakalagay sa isang gilid.
Dahil sa gulat ay napaatras na lamang si Cham at muling naluha. nagpanic si Cham ng mga pagkakataong iyon, ang mga kamay ni Mac na nakahawak sa kamay nya ay pilit nyang tinatanggal, di nya napapansin na patuloy pa rin syang umaatras hanggang sa nasandal na sya sa pinto na katapat ng kwartong iyon.
Ng matanggal na nya ang kamay ni Mac, naibato na lamang nya ito at napaupo sa sahig, tanaw na tanaw nya ang kaibigang walang buhay na nakahiga sa sahig na naatitig sakanya.
Sunod sunod na ang luhang pumapatak sakanyang mga mata, isang makinang na bagay ang kanyang nakita malapit sa may pintuan ng kwarto ni Mac, pinulot nya ito at kasabay nun ay ang pagbukas ng pintosa kanyang likod.
YOU ARE READING
The Alter
Mystery / ThrillerThis story was just a product of my dream and one of the creepiest and weirdest dream I've ever had. I'll change the name of the characters except me because I am one of the characters and the protagonist. Thank You.