Special: Iisang Bubong

142 2 0
                                    

A/N: Tutal, hindi pa ako makapag-update ng ayos sa iba kong stories dahil may pagka-OC ako at gusto ko munang i-edit sa Word pero hindi pa tapos ipagawa ang laptop ko ay gagawan ko nalang muna ito ng special chapter. Hahaha! Pasesnya na kung may mga mali kasi sa iPad ko lang ginawa 'to.

Anyway~ Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng bumabasa nitong story na ito. Nagulat ako na umabot ito sa 2000 reads kaya super thank you talaga! Ang babaw ko 'no? Hahaha! Kaya gagawa nalang ako ng special para sa inyo. Yay!~ *sabog confetti*

P.S. May bonus ako para sa followers. Makikita ninyo naman kung ano yun. Pa-thank you ko na rin. :))

~~~~~~~~~\(0^•^0)/ ~~~~~~~~~~

"Tine," tawag ni Nathan sa kasintahan na kasalukuyang naghahanda para sa unang araw ng internship nito sa ospital ng unibersidad. Kinabukasan na kasi ito magsisimula.

Isinilid ni Celestine ang huling gamit na kailangan niya sa bag at hinarap ang nobyo. Mahigit isang taon na niya itong kasintahan ngunit hindi pa rin siya makapaniwalang sila na. "Bakit?" Naupo siya sa tabi nito.

"Naalala mo yung usapan natin more than a year ago?"

"Alin dun? Ang dami mo kasing demand," panunukso naman ng dalaga. Agad naman niyang nakuha ang resultang gusto niya. Ang sumimangot si Nathan. Natutuwa siya sa bilis ng pagbabago ng mga ekspresyon nito sa mukha.

Kukurotin sana ng binata ng marahan ang tagiliran ni Celestine ngunit nakaiwas naman agad ang dalaga, "Nung birthday ni Adrian."

Natigilan naman si Celestine at naaalala nanaman ang ginawa nila ni Nathan nang gabing yun. Hindi na kasi naulit yung nangyari pagkatapos nun. Ramdam niya ang unti-unting pag-init ng pisngi niya. "O- Oo, bakit?"

Nagtaka naman si Nathan kung bakit nauutal ang dalaga pero na-gets niya agad ang iniisip nito. Marahan niyang kinurot ang namumulang pisngi ng nobya, "It's not what you're thinking."

"Bakit?! Wala naman akong sinasabi ah!" Depensa ng dalaga.

Napatawa ng malakas si Nathan, "Why do you sound so defensive? Ikaw ha. May HD ka sakin."

"Anong HD?"

"Hidden desire."

"San mo naman natutunan yan? Kung anu-ano napupulot mong salita diyan sa trabaho mo," hinampas niya ang braso ng binata.

Tinawanan lang niya ang kasintahan at ibinalik ang usapan, "Gusto ko sanang malaman kung kailan mo balak lumipat sa condo? Limang buwan na ang nakalipas pagkatapos ng first anniversary natin. You said I should wait for at least a year. Sana naman pwede na. I also talked to my parents about it bago ko i-open sa'yo ulit ito. They were actually surprised na hindi pa tayo magkasama sa condo. Akala nila ay lumipat ka na nung unang nagpaalam ako."

Napakamot ng ulo si Celestine. Sa tagal na kasi nilang napagusapan ang tungkol dun ay nakalimutan na niya. Naging busy siya sa pag-aaral dahil na rin sa mine-maintain niyang grades para sa scholarship niya. "Nate, sorry ha? Ang totoo niyan, nawala na sa isip ko ang tungkol doon."

Nalungkot naman ang binata, "Ayos lang. Alam ko namang naka-focus ka sa aral."

"Pasensya ka na talaga."

"Does this mean hindi ka pa rin lilipat?"

"Nate, hindi ko pa kasi nakakausap si Sister Anne tungkol sa pagtira sa iisang bubong na kasama ka. Gusto ko sanang humingi ng permiso mula sa kanya. Hindi kasi ako mapapanatag. Ayoko namang isang araw nalang ay mabalitaan niyang live-in na tayo. Naiintindihan mo naman 'di ba?"

After Happily Ever After (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon