Chapter 4

3.2K 188 22
                                    

Chapter 4


Hindi ako makatingin sa mga Reese lalo na sa ina ni Ellis matapos basahin ang naging hatol ng council. Humahagulgol ito at naninikluhod sa pagmamakaawa para sa kaligtasan ng buong pamilya. Napakasakit ng nangyari sa kanila—una ay ang pagkamatay ni Ellis tapos ngayon naman ay ang pagpapatapon sa kanila sa Bastille.

Umalis na ako dahil hindi ko na kayang panoorin ang senaryong 'yon. Minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang batas. Bakit pa kailangang ipatapon ang mga Reese sa Bastille? Unang-una ay walang batayan ang inaakusa sa kanila at saka kung totoo man ang paratang sa kanila, wala naman silang ginawang masama o anumang ikapapahamak ng iba. Naging mabuting mamamayan ang ilang henerasyon ng angkan nila.

Dahil ba sa natatakot sila sa posibilidad na kabilang sa ibang nilalang ang mga Reese? Tsk! Hindi batayan ang takot para husgahan ang isang tao!

"Yves!" Huminto ako nang marinig ang pagtawag ni Arviel.

"May gagawin ka ba mamaya? Iinvite sana kita—"

"Maybe next time. Medyo masama ang pakiramdam ko kaya gusto kong magpahinga."

"Ganoon ba. Kumusta na ang kamay mo?"

Napatingin ako sa kanang kamay kong may benda. Na-injured ito nang suntukin ko ang salamin pero magaling na ito ngayon. Gumaling kaagad ito na parang walang nangyari matapos lamang ang ilang oras pero hindi ko pa tinatanggal ang benda dahil tiyak na magtataka sila.

"Masakit pa rin pero medyo okay na," sagot ko. "Anyway, mauna na 'ko," sabi ko pa bago pa man ito makapagsalita.

Then, tinalikuran ko na ito.

***


"She's still a kid, Frederick."

Napahinto ako nang marinig ko ang sinabing 'yon ni Mildred kay Dad. Hindi ko na itinuloy ang balak na paglapit sa mga ito sa halip ay nagkubli sa likod ng isang malaking vase na kasya ang dalawang tao.

"Kaya kailangan natin siyang ihanda at sanayin nang puspusan," sagot ni Dad.

"Yes. Pero natatakot lang ako dahil baka mas pairalin niya ang kanyang emosyon sa mga magiging desisyon niya."

"Don't worry, she'll be fine. Nananalaytay sa dugo niya ang dugo ng isang mabuti at magaling na pinuno."

Akala ko ay tapos na ang pag-uusap ng dalawa dahil tumahimik ang mga ito kaya sumilip ako pero hindi pa pala.

Nakita kong magkayakap ang mga ito.

"Kailan mo ipapaalam kay Yvarra ang tungkol sa atin?"

May affair si Dad at si Mildred?!

No! Hindi pwede!

Matagal nang namayapa si Mommy at walang problema sa akin kung mag-asawa uli si Dad pero hindi kay Mildred!

Ayokong maging kapamilya sila ni Lunaris!

"Soon. Gusto ko muna siyang makabawi. Masyado pang masakit sa kanya ang mga pangyayari."

Gusto ko silang komprontahin pero nagpigil ako.

At bago pa ako makarinig ng kung ano pa mang sasabihin nila ay umalis na ako.

Kuyom ang mga kamao ko habang naglalakad sa pasilyo. Diretso lang ako at wala ni isang pinapansin sa mga bumabati sa akin, tagasilbi man o elite.

Bakit ba puro hindi maganda ang mga nangyayari sa akin nitong mga nakaraan?!

Then, narinig ko na naman ang nakakairitang tawa sa isipan ko.

Hahaha! Masyado akong pinapasaya ng galit mo Yvarra!

Prisoners of BastilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon