Chapter 6

2.9K 182 7
                                    

Just discovered that Where Will You Go and Whisper by Evanescence are perfect soundtracks for Prisoners of Bastille. 🥹




Chapter 6


"Mabuti at gising ka na," namulatan kong wika ni Jeda.

Dinadampian nito ang mukha ko ng basang bimpo na mukhang basahan.

Pinigilan ko ang kamay nito.

"Pasensya na prinsesa pero ito lang ang meron tayo," wika nito na hindi ko nahimigan ng anumang sarkasmo.

"Alam ko pero—nevermind. Anyway, salamat."

"Walang anuman."

Bumangon ako at nag-unat.

Ouch! Ang sakit ng mga kasu-kasuan ko! Hindi ko alam kung dahil ba sa inabot ko sa canteen o dahil sa sementong higaan ko.

Makaka-survive pa ba ako rito?!

"Ano nga palang nangyari pagkatapos?"

"Dumating ang ilang Seraph at pinigilan ang mga ugok na 'yon. Pero bago 'yon ay may tumulong na sa ating lalaki."

"Si Tyga..." anas ko.

"Kilala mo siya?"

Umiling ako. "Nope. Narinig ko lang bago ako mag-black out."

Kung hindi rin ako nagkakamali. Siya rin 'yong lalaking nakita kong nag-iisa sa lamesa na nasa bandang dulo.

Tumango-tango ito. "Base sa amoy ng dugo niya, isa siyang bampira."

"O? So may ability ka na malaman kung anong uri ang isang nilalang base sa amoy ng dugo nila?"

"Yup! At saka it's a werewolf thing."

Bigla kong naalala ang leeg nito. Muntik na kaseng bumaon dito ang mga spikes mula sa collar nang muntik na itong mag-transform. Lumapit ako at tiningnan ang bahaging 'yon.

"'Yong leeg mo, ayos na?"

"Oo naman." Bigla itong sumimangot at gigil na humawak sa collar. "This collar is bullshit!"

"'Nga pala, kung may ability kang ganoon, then ano ako base sa amoy ng dugo ko?"

Napabuga ito ng hangin. "Ang totoo? Hindi 'ko alam. You smell normal, I mean human pero may something na kakaiba at hindi ko 'yon matukoy."

Of course I'm human at malamang 'yong naamoy niya ay 'yong freak na sumanib sa akin.

"Normal na tao naman talaga ako hanggang sa sumanib sa akin ang demonyong 'yon!" wika ko.

"Really? Pero hindi ka naman mukhang sinapian?"

"Tss. Hindi ko rin alam—"

Wait! Kung naamoy pa ni Jeda ang nilalang na 'yon, ibig sabihin ay nasa loob ko pa ang freak na 'yon!

Nag-concentrate ako at sinubukang kausapin o tawagin ang nilalang na 'yon.

.

.

.

Shit, wala talaga!

"Ayos ka lang?"

"I'm trying to call that freak pero hindi siya sumasagot! Damn! Kasalanan niyang lahat ng mga kamalasang nangyari sa akin pagkatapos ngayon ay hindi niya ako magawang tulungan!"

Kung gagamitin lang nito ang kapangyarihan ay tiyak na makakatakas ako rito sa Bastille!

"Baka nakasara ang kapangyarihan ng kung sinumang nilalang na nasa loob mo."

Prisoners of BastilleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon