TBTH #4

13 0 0
                                    

Pleas do read the author's note below. Thank you :)

🔹🔹🔹

HAZEL

"Hazel, paki-sign nalang nitong memorandum natin. Na-double check ko na 'yan for any errors gaya ng sinabi mo." nag-angat ako ng tingin at naka-ngiting iniabot sa'kin ng assistant manager ko ang isang long folder.

"Thank you, Cath. Balikan mo nalang ito mamaya. Saka pa-check ng email kung may bagong orders ng cupcakes." sabi ko at nilapag ang folder sa table.

"Noted. Anything else? Baka gusto mo ng kape? You looked stressed out." puna niya.

"It's okay. I'm good. Salamat sa concern, Cath."

"Sige. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." she said while smiling.

Tinanguan ko lang siya saka siya umalis sa mini office ko dito sa loob ng store namin.

Napasandal ako sa swivel chair at hinilot ang sentido ko. I feel tired and sleepy at the same time. If only Emerald was here... Nag-file kasi siya ng one week leave dahil aalis sila ng asawa niya patungong ibang bansa. Kung kaya't ang kasama ko lang ngayon ay ang co-owner din ng Rainbow Land na si Catherine, siya 'yong itinalaga kong assistant manager.

I checked my phone kung may email bang pinadala sa'kin si Justin ngayon.

It's been six months without him.

Sa loob ng anim na buwan ay tinupad niya ang pangako niyang tatawagan ako araw-araw at paminsan-minsan ay magka-skype kami. Nagpapadala rin siya ng email dahil hindi na uso sa'min ang pagpapadala ng sulat. It takes weeks or months bago ko pa matanggap 'yon.

Pero nitong nakaraang linggo, d'on nagsimula ang pag-aalala ko sa kanya. Pumalya na siya. Iniintindi ko nalang na baka busy siya sa pagha-handle ng kompanya nila. Naniniwala naman akong trabaho ang pinunta niya d'on at hindi para maghanap ng ibang babae.

Oo, aaminin kong nagpa-panic ako agad at kung ano-ano ng pumapasok sa isipan ko sa tuwing hindi kami nagkakausap. Kesyo nakahanap na siya ng mas maganda pa sa'kin, ganito ganyan. Oo, naiinis ako sa sarili ko dahil nagpapadala naman ako sa delusional thoughts ko.

Miss na miss ko na siya. I still have a year and a half to endure this misery. Kaya heto ako, nagpapaka-lunod sa trabaho upang makalimutan saglit ang pangungulila sa asawa ko.

Biglang umilaw ang phone ko at nakitang may tumatawag.

Roxy calling...

I picked it up and answer.

"Hmm?"

[Papunta ka na ba sa bar?]

Kumunot ang noo ko. "Huh? Anong gagawin ko sa bar? Nasa work ako ngayon."

[Don't tell me nakalimutan mong may lakad tayo ngayon kasama si Jewel.]

Mas lalong kumunot ang noo ko. Wala akong natatandaang may ibang agenda ako ngayon bukod sa pagpasok sa trabaho.

"Really? Wait, let me check my planner. Sa pagkakaalam ko kasi, sa weekend pa 'yong lakad natin." I said saka kinuha ang planner sa drawer at binuklat 'yon.

April 26, Wednesday
*Girl's night out with the gals (7PM SHARP @ S&B Bar)

Nanlaki ang mata ko. Shit! I almost forgot about it. Akala ko talaga sa sabado pa ang bar hopping namin.

"Oh my gosh. I'm so sorry. Muntik ko ng makalimutan. Mabuti nalang at tumawag ka para ipaalala 'yon."

[Ayan! Puro ka kasi trabaho. You should give yourself a rest.]

Torn Between Two HeartsWhere stories live. Discover now