1.Si Ava - Ang babaeng mataba

268 4 0
                                    

"E ano naman kung mataba ako?Madami kaming pambili ng pagkain!Tse!"

1.Si Ava - Ang babaeng mataba
Bata palang ako talagang kakaiba na ako sa mga kaibigan ko.Bukod sa kapansin-pansin kong Ganda (oh well) ay kapansin-pansin din ang huggable kong body.
Madalas akong inaasar ng mga kalaro ko dahil sa katabaan ko.Kung minsan binubully din nila ako dahil sa bagal kong tumakbo.Malamang!Kayo kaya ang may six pack tabs sa katawan,ewan ko nalang!
Nagpatuloy ang pagiging "huggable" ko hanggang highschool -dito madalas akong asarin ng mga kaklase ko.Madalas daw kasi akong nagmamantika at para daw akong letson- at umabot na din hanggang college.Ewan ko ba,forever na ata kami ng mga bilbil ko!
OFW ang tatay ko at ang nanay ko naman ay isang housewife.Madami kaming pambili ng pagkain at masarap magluto ang nanay ko kaya hindi na ako nagtataka.
Pero kung minsan,iniisip ko kung advantage nga ba na masarap magluto si nanay at madami kaming makakain lagi sa bahay.Dumating kasi ako sa punto noon na gustong gusto ko na magpapayat.Sinimulan ko sa pagd-diet pero tuwing iniisip ko na hindi na ako kakain ay saka naman magluluto ng paborito kong ulam si Nanay.Idagdag pa ang Lola ko na nagagalit kapag iniisip nyang "ginugutom" ko ang sarili ko.
Sa ngayon hindi ko na kasama sa bahay ang parents ko.May trabaho na ako at sariling condo. Oh diba?Sino nagsabing hindi kakayanin maging successful ng mga matataba?
Ngunit.Subalit.Datapwat.
Kung inaakala ko na makakapagdiet na ako ay maling mali ako.Nagkaroon ako ng kasambahay,si Tonya.At napakasarap din nya magluto 😭
Sa totoo lang,suko na din ako sa pangangarap na papayat pa ako.Sabi ko nga,forever na ata kami ng mga bilbil ko.
At isa pa,naniniwala kasi ako Sa kasabihan na ....
There's always a room for extra rice and dessert.Chos!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Diary ng Babaeng MatabaWhere stories live. Discover now