Untitled Part 72

4 1 0
                                    

Chapter 72:

Magaapat na araw na pala ako dito and bukas na ako makakalabas.

Binalita din sakin na umalis na si Kevin sa bahay. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon hindi parin sya bumibisita dito.

Napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas.

Nagliwanag ang mukha ko akala ko Hindi nya nako pupuntahan e.

"Kevin!" Buong saya kong sabi habang nakangiti ng malawak. Napayuko naman sya. Nagtaka ako kaya tinitigan ko ang mukha nya. And napagtanto ko na hindi pala sya si Kevin.

Unting unting nawala ang ngiti sa labi ko

"Ahhm Kyle ikaw pala he he." Sabi ko at napakamot sa batok ko.

Inangat nya naman yung ulo nya tyaka ngumiti but knowing him alam kong peke yun. Hindi nlang ako nagtanong pa.

"Ahh Eto pala. Kain ka muna. Kailangan mong kumain ng marami para naman maging malakas kana ulit" sabi nya at sinimulan ng ayusin ang mga dala nyang pagkaen.

Hindi ko alam pero kahit si Kyle na ang nasa harapan ko ngayon ay si Kevin parin ang hinahanap ko.

"Huy Gaile! Ano kaba?! Kumain kana nga! Makatitig ka sa mukha ko e" suway nya sakin ng natatawa. Napangiti naman ako dahil dun dahil Hindi na peke ang tawa nya.

Kinuha ko na ang pagkaen at sinimulan itong kainin.

"Salamat nga pala Kyle." Sabi ko ng nakayuko.

Naalala ko kasi na sya pala yung nagligtas sakin and napagtanto ko nga yung sinbi nya.

Sya ang nandon pero iba ang hinahanap ko.

Siguro nga wala na talaga syang pakielam sakin. Sino ba naman ako diba?

"Okay lang. Ano kaba! Basta ikaw!" Sabi nya ng nakangiti at ginulo ang buhok ko. Hayyss

"Yung totoo? Si John ka ba?!" Iritang sagot ko habang inaayos yung buhok kong nagulo. Pero tinawanan lang ako ng sira.

"Ooopss! Narinig ko ang pangalan ko hah!" Sabi ni John na kapapasok lang kasunod si Kyla.

Nakatingin parin ako sa pintuang nakabukas umaasa na mayroon pang darating.

Napangiti ako ng may kamay na hunawak sa pinto pero nawala din agad ito ng makita kong si Auntie pala yun.

Wag ka ng umasa Gaile. Hindi na sya dadating. Hindi na sya dadating

Falling InloveWhere stories live. Discover now