Untitled Part 76

4 0 0
                                    

Chapter 76:

Narinig ko na ang mga yabag na papalapit sa kwarto ko kaya naman binulsa ko ang sulat na nabasa ko. Yung lalaking humalik sakin ang paniguradong naglapag non doon.


Nakita kong pumasok ang mukhang ayokong makita ngayon. May dala dala syang pagkain at inilapag nya ito sa lamesa. Kaagad akong umiwas sa kanya dahil napakalamig ng mga titig nya. Hindi ako umimik at ganon din sya. Hanggang sa may pumasok na namang isang tao na tila hulog ng langit kahit kailan. Ang napakabait kong kaibigan. Hindi ko alam kung paano ko sya dapat pasalamatan pero ngumiti nalang ako sakanya ng malawak at napatingin naman ang lalaking to sa likod. Napataas ang kilay nya at hinintay na makalapit ang lalaking kakapasok lang.


"Oh tol! Nandito ka pala? Nakakaistorbo ba ko? Haha" natatawang tanong ni John. Opo Si John! Hulog talaga ng langit sakin tong bestfriend ko. Hahaha.


"Hindi naman. Paalis na din naman ako" malamig na sambit sakanya nito at tumalikod para umaalis. Pero bago pa sya makaalis tinawag ko na ang pangalan nya.


"Kevin!"


Madami akong gustong itanong sakanya pero sa dinami dami ng dapat itanong. Ewan ko ba kung bakit ito ang natanong ko.


"Bakit hindi mo ko binisita sa hospital?"


Huminto sya sa paglalakad at saglit na tumahimik. Pagkatapos non sinambit nya ang isang bagay na kailanman ay ayokong marinig mula sakanya.


"Bakit? Para san ba? May kwenta ba ang pagpunta ko don? Is it worth it my time?" Yun ang mga katagang sinambit nya bago magpatuloy na lumakad paalis.


For the nth time! Tumulo na naman ang mga luha ko sa mata. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ang ganitong sakit. Sakit na kailanman Hindi ko ginusto. Pinilit ko namang huwag mahulog sakanya e pero wala parin. Nahulog parin ako. Kaya heto ako ngayon. Parang tangang umiiyak dito sa loob ng clinic. Ang sakit sakit marinig ang mga salitang iyon mula sakanya. Hindi ko akalain na sa pangalawang pagkakataon naulit na naman ang nangyari noon. Pero di tulad noon. Hindi ko kayang magalit. Hindi ko kayang magalit sakanya kahit na ganon ang ginawa at sinabi nya. 


 Napahinto ako ng maramdaman kong may yumakap sa kin at hinaplos ang likod ko. Dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Nakalimutan kong may tao pa palang nandito. Taong may pakielam sakin. Ang taong syang nakasaksi ng nangyare sakin noon at ngayon. At ang taong nagdusa ng dahil sa makasarili kong desisyon.  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling InloveWhere stories live. Discover now