Prologue

19 2 0
                                    

Magkahawak ang kamay nina Ace at Heart habang nakatitig sila sa isa't isa. Kakaiba ang ngiti nila at mararamdaman mo ang pagmamahal. Pagmamahal na parang walang katapusan. Pagmamahal na hindi matutumbasan ng kahit ano o kahit sino.

"Lalaban ako. Sabay ulit nating ice-celebrate ang birthday mo. May mga pangarap pa ako. Gusto kong makitang kumulubot ang balat mo. Gusto ko pang makita ang mga apo at anak natin.", sabi ni Heart habang pinipisil ang kamay ni Ace na nakahawak sa kanya.

Hindi alam ni Ace kung ano ang mararamdaman niya. Bigla na lang may luhang tumulo sa mga mata niya. Pilit siyang nagpapakatatag. Pangarap niya rin 'yon. Ang bumuo ng pamilya kasama siya.

"Kailangan mong lumaban.", sabi niya. Ngumiti naman si Heart. Ngiting kontento na. Ngiting pagod na.

Hindi niya alam na ang ngiting 'yon ay ang huling ngiting masisilayan niya mula kay Heart.

*toot-- toooot--*

Unti-unting pumikit si Heart.

"Tutulugan mo---"

*toooooooot-- toooooooot--*

"H-heart?! H-heart?!", panggigising niya. Nang hindi sumagot ay niyugyog niya na ito. "Heart gising! Heart!--- Doc?! Doc!", nataranta siya bigla. Lumapit naman ang dalawang nurse at isang doktor.

"Doc! The patient's not breathing!"

"What?! Prepare the defibrillator!"

"Yes, doc!"

"Intubation!"

"Charge to 200 joules!"

"Clear!"

Tarantang-taranta na si Ace. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Napahilamos na lang siya sa mukha niya. Tumingin ulit siya kay Heart pero wala na talaga.

"Anak?!", napalingon siya nang marinig niya ang boses ng mommy ni Heart.

"Tita...",

"Death decleration. 11:50pm. December 29, 2014.", pagdedeklara ng doktor.

Ten minutes before my birthday.

"A-anak?! Anak! Huhuhu! Heart! Gumising ka! Huhuhu!", iyak ni Mrs. Perez habang nakahawak sa kamay ng anak niya.

"T-tita...", tawag ni Ace sa kanya kaya't napalingon siya.

"A-ace?", niyakap niya si Ace at humagulgol. "Ace, wala na siya. W-wala na ang anak ko. Huhuhu!", sabi niya.

"Magpapahinga na po siya, tita. Sigurado akong pagod na siya.", nasabi na lamang niya at saka umiyak. "Nakakabakla tingnan pero... kailangan natin tanggapin, tita...", pagkasabi n'on ay pinaupo niya na si Mrs. Perez.

"You're the mother, ma'am?", tanong ng doktor.

"Y-yes.", tumayo si Mrs. Perez para makausap ng maayos ang doktor.

Naiwan si Ace at tumingin ulit sa bangkay ni Heart.

"Hinding-hindi kita makakalimutan. Hinding-hindi..."

Author's Note:

Try ko lang haha. First story ko po ito kaya sana suportahan niyo. Kamsahamnida!

Sana'y Ako Na LangWhere stories live. Discover now