Chapter 1

15 1 0
                                    


Ace's POV

"Hello?", sagot ko sa phone ko. Humikab ako at nag-unat. Na-istorbo ang tulog ko nang may tumawag.

"Anak?", napabangon ako nang marinig ko ang boses ni Mommy.

"Mom? It's just five o'clock in the morning.", padabog na sabi ko.

"Did I woke you up? I'm sorry, son. I have to tell you something that's why I call this early.", malungkot ang tono niya.

"It's okay. Ano ba 'yon?", malumanay na ang boses ko. Ayokong magtampo sa 'kin si mommy.

"You'll going to live here in San Antonio.", excited na sabi niya. Nagtaka naman ako. Okay naman ako dito kay daddy. Mas pinili ko ditong tumira noong naghiwalay sila dahil nandito ang mga kaibigan ko at... ang taong mahal ko.

"Huh? But why?", takang tanong ko. Ayokong umalis dito. Nandito ang mga alaala ko kasama si Heart. Ayokong malayo sa lugar na 'to.

"Beacause I think, you'll be fine here."

"But I'm fine here, mom."

"Yes I know. But how can you forget her kung nandyan ka pa? I mean, you need to forget her. You can't forget your memories together but please? I want you to enjoy your life, son. I'm your mother. And I don't want to see my son suffering everytime na makikita niya ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya. Please, son?", nararamdaman kong pa-iyak na siya. Ano bang gagawin ko? Kailangan ko ba talaga siyang kalimutan? Para saan? Siya lang naman ang mahal ko. Siya lang ang mamahalin ko habang buhay. "Anak? Please? Yung mga kaibigan mo... They told me that your not focusing on your study. Also in basketball. You want to be an international player, right?", tama siya. Hindi ako makapagfocus. Dahil halos lahat ng nakikita ko sa paligid, siya ang naaalala ko. Kahit mahigit isang taon na ang nakakalipas, masakit pa rin. Hindi ko pa rin kaya.

Bakit nga ba hindi ko subukan? Gusto niyang makita akong masaya. Gusto niyang makita akong tuparin ang mga pangarap ko. Pero hindi niya na makikita.

"All right, mom. I'll just take a bath and then I'll go there."

"Talaga, anak? Okay then. Maghahanda ako ng paborito mong pagkain. Ingat, son! I love you!"

"I love you too, mom. Bye.", pagkatapos ay binaba ko na ang phone ko at dumiretso sa banyo.

Pagkatapos ko maligo ay tinawagan ko agad ang driver ko. 17 years old pa lang ako kaya bawal pa ako magmaneho kahit kaya ko na.

Maya-maya pa ay dumating na siya at agad kaming umalis. Habang nasa biyahe ay naisipan kong matulog. Dalawang oras pa naman bago makarating don.

****

"Ace? Ace! Nandito na tayo.", nagising ako nang yugyugin ako ni Mang Kardo.

"Hmm?", napamulat ako ng mata at tumingin sa paligid---

"Sooooon! You're here! Halika na daliiii!", sigaw ni mommy na naka-open arms pa na parang sasalubungin ako ng yakap.

Lumabas na ako ng kotse at pinagmasdan ang bahay. Halos wala namang pinagbago.

Pumasok na kami sa loob at nakita ko ang half sister ko na busy sa paglalaro ng manika.

"Leigh, say hi to your kuya.", utos ni mommy sa kanya kaya naman napalingon siya sa gawi ko.

"Hi kuya!", nakangiti niyang pagbati pero agad namang nawala at naglaro ulit.

"Hello, lil' princess!", nasabi ko na lang at saka ginulo ang buhok niya. Dahil d'on ay napatingin siya sa'kin ng masama.

"Aaarrggh! Look at my hair!", this kid. Five years old pa lang pero parang teenager na. She remind me of Heart.

I sighed. How can I forget her? Hindi ko maiwasang isipin siya sa lahat ng oras.

"Halika na, anak. Kumain ka na at siguradong pagod ka galing sa biyahe.", pagyaya sakin ni mommy. "Mamaya pala ay ipapakilala kita sa kaibigan ko. Coach siya ng basketball team sa school na papasukan mo. Irerecommend kita.", nakangiting wika niya.

"Mom, it's okay. Gusto kong paghirapan ang pagpasok sa team nila.", nakangiti ko namang tugon.

"O siya, kumain ka na."

Naupo na ako at nagsandok ng pagkain. Pagkatapos ay pumasok agad ako sa kwarto ko.

Mukhang pinaghandaan talaga ni mommy ang pagdating ko. Napakaayos ng kwarto ko at may mga bagong gamit.

Humiga ako sa kama.

Kaya ko ba siyang kalimutan? Makakatulong ba talaga ang pagpunta ko dito? Paano ko ba sisimulan ang paglimot sa kanya?

Napakadaming tanong ang nasa isip ko pero hindi ko masagot. Sa kakaisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako...

Author's Note:

Nag-aaccept po ako ng correction at advice. Please support me! Kamsahamnida! Saranghaeyoooo~

Sana'y Ako Na LangWhere stories live. Discover now