Chapter 2

19 1 0
                                    

Ace's POV

"Ace!", napamulat ako ng mata nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Heart?", napabangon ako at nakita ko si Heart sa gilid ng kama.

"Ayoko maging dahilan para hindi mo matupad ang mga pangarap mo. Kaya sana magfocus ka na lang sa pangarap mo at kalimutan mo na ako.", malungkot na saad niya.

"H-heart.", maluha-luha kong pagbanggit sa pangalan niya.

Gusto ko siyang yakapin sa mga oras na ito. Gusto ko siyang hawakan. Nang hahawakan ko na sana ang mukha niya ay bigla siyang nawala.

"H-heart?! Heart!", tawag ko sa kanya. Nang hindi ko siya makita ay pinagpatuloy ko ang pagtawag sa kanya.

"Hear--", napabangon ako at nakita ko si mommy sa gilid ng kama na alalang-alala ang mukha.

"Anak, okay ka lang ba? Kanina mo pa binabanggit ang pangalan ni Heart.", hinawakan niya ang mga pisngi ko at saka ako niyakap. "I will help you to forget her, anak. But you have to help yourself, too.", wika niya at tuluyan na akong naiyak.

"Thank you, mom.", umalis na sa pagkakayakap si mommy at humarap sa'kin.

"You're always welcome.", nakangiting tugon niya. "O siya! Gigisingin sana kita para mananghalian eh. Tara na sa baba. Nakahanda na ang pagkain at ikaw na lang ang hinihintay.", tumayo na siya at naglakad palabas ng kwarto.

Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya. Pagbaba namin ay naka-upo na si Leigh sa pwesto niya. Umupo naman ako sa tabi niya at nginitian siya kaya napangiti rin siya.

"Kuya, dito ka na titira?", tanong ni Leigh.

"Yes, lil' princess.", nakangiti kong sagot.

"So you will be my playmate?", she asked again at nakita kong nagningning ang mga mata niya na para bang tuwang-tuwa.

"Sure.", nakangiti pa ring sagot ko at saka ginulo ang buhok niya.

"Aarrgghh! Kuya?! I hate messy hair!", pagdadabog niya at tinarayan ako.

"Haha! Sorry.", natatawa kong sabi.

"Tama na 'yan. Let's eat.", napatingin ako kay mommy nang magsalita siya. "Lead the prayer, Ace."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit ako?"

"Because you're the eldest man here.", sabat ni Leigh.

"Okay okay.", nasabi ko na lang at nagpray na.

Tahimik lang kami habang kumakain. Pagkatapos kumain ay naisipan kong umakyat ulit sa kwarto para ayusin ang mga gamit ko.

"Kuya, let's play!", pagtawag sa'kin ni Leigh.

"Can I play with you later? Kuya is going to fix some things in his room.", I said.

"Okay. Make it faster, okay?"

I nodded and smiled. Pagkatapos n'on ay umakyat kaagad ako sa kwarto.

Madami akong inayos kaya hindi ko namalayang gabi na pala. Sa sobrang pagod ay nahiga ako sa kama at nakatulog agad.

Nagising ako ay umaga na. Agad akong pumunta ng banyo at nagshower. Pagkatapos ko maligo at magbihis ay bumaba ako sa sala. Naabutan ko doon si Leigh na nakasimangot.

"Good morning, lil' princess.", pagbati ko sa kanya at umupo sa tabi niya.

"I hate you!", nagulat ako nang bigla siyang sumigaw at patakbong umakyat papunta sa kwarto niya.

"Baki--", naalala ko pala yung sinabi ko sa kanya kahapon. Nakalimutan kong nakikipaglaro pala siya sa'kin.

Agad ko siyang sinundan. Nakabukas ang pinto ng kwarto niya kaya sinilip ko kung ano ang ginagawa niya. Nang hindi ko siya makita ay unti-unti akong pumasok. Nakita ko siyang nakahiga sa kama at nakatalukbong ng kumot.

"Leigh? Are you mad at me?", I asked.

"Isn't it obvious?!", she shouted habang nakatalukbong pa rin.

"I'm sorry, lil' princess. Napagod lang si kuya kahapon kasi marami siyang inayos sa kwarto. Kaya ayon, nakalimutan ko. Will you forgive me? I'll promise na maglalaro tayo maghapon, okay?", paliwanag ko.

Tinanggal niya naman ang pagkakatalukbong ng kumot at bumangon.

"Promise?", paninigurado niya.

"Promise!", I said at itinaas ang kanang kamay.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Apr 22, 2017 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Sana'y Ako Na LangDove le storie prendono vita. Scoprilo ora