V

61 4 2
                                    

Hello sa'yo :) thank you sa pagsuporta sa mga stories ko xoxo

--

Unti-unti akong dumilat. Ano pa nga ba? Eh di naulit na naman yung palaging nangyayari. Hindi ko nga lang matandaan kung paano,saan at kailan. Puti ang inaasahan kong makita pagdilat ko pero.. Nasaan na nga ba ako?! Jusmiyo sana naman hindi ako nakidnap o na hostage huhu gusto ko pa pong mabuhay!

"Finally." nakadinig ako ng boses. Boses ng lalaki O_O

"Hey hey! don't look at me baka mahimatay ka na naman." pagpipigil niya sa paglingon ko. Pati siya ata na-immune na sa mangyayari.

"N-nasaan ba t-tayo?" jusmiyo bakit kasama ko itong lalaking ito?

"In my room." HA?! ANODAW?! Pakiulit nga at nabingi yata ako.

"H-ha??"

"You passed out as usual.Tss." Oo nga p-pero,,

kwarto? kami? dalawa? O_O

"Stop thinking dirty. You're not my type. Tss. Flatchested." Aba walanghiya may boobs naman ako kahit papano!

"A-alis na ako. Salamat." tumayo na agad ako sa kama. Hindi ko na kinakaya ang mga pangyayari at para akong nasusuffocate dito! Wooh ang ganda ganda ng kwarto wala yatang aircon?

"Why are you thanking me?" tanong niya pagkatayo ko at hanggang ngayon ay nakatalikod padin ako sa kanya.

"Sa pagbuhat? Siguro, oo tama sa pagbuhat."

"Tss. Sa tingin mo may choice ako?" grabe ansama niya -_-

"Pasensya naman ha. Eh di sana di mo nalang ako binuhat tss. " tapos nilagpasan ko nalang siya at naglakad papunta sa may pinto.

"Why?" tanong niya bago ko pa pihitin ang door knob. Tintukoy niya sa tanong niya ay yung parating nangyayari at ramdam ko ngayon ang pagkaseryoso niya.

"H-hindi ko rin alam." Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya. Sa totoo lang hindi ko rin alam ang sagot. Bakit nga ba? Hindi ko talaga alam.

Ang weird diba? Yung mahimatay ka sa harap ng isang tao ng walang dahilan. Wala nga ba talagang dahilan? Hindi ko talaga alam. Kahit ilagay niyo pa ang utak ko sa squeezer at pigain ito ng todo-todo,kahit paupuin niyo pa ako sa lie detector test at kahit worth one million pa ang tanong na yan isa lang ang isasagot ko, hindi-ko-alam.

"Hoy Jem saan ka na naman galing ha?ano na naman bang pi-"

"Si Perez, Si Lucas Gray Perez." bigla nalang lumabas sa bibig ko na nakapagpahinto sa panenermon ni rhea.

"Waaaaa anong ginawa sayo ni perez?! Ni rape ka ba niya? Oh my god jem nasaan yung hinayupak na yun at ipaparape ko rin! Hoy jeremina! Aray!" binatukan ko siya ng ubod ng lakas. Anong utak kaya meron tong babaeng to?

"Hahahaha joke lang! Asa namang rape-in ka nun! Baka ikaw pa nga ang gumahasa dun eh! Aray Jem masakit na ah!"

"Masakit pala eh!bakit ayaw mong tumigil jan?!" sigaw ko naman sa kanya.

"Osige peace na ^_^V. Eh ano ba talagang ginawa nyo ni Perez ha?"

"We made love." sabi ko ng may seryosong look sa mukha. Hahahaha putspa si rhea namutla!

"Hoy hahahaha joke lang hahaha langhiya rhea namutla ka hahaha" grabe priceless yung reaksyon niya haha di ako makahinga sa kakatawa!

"Jokes are half meant so ibig sabihin muntik niyo na nga yung gawin." Ano daw? Wait lang ha nag lag yung utak ko.

"Hahahaha ikaw naman ang namutla ngayon hahahaha ay wait mali namula pala hahaha!" ngayon siya naman ang hindi makahinga sa pagtawa. Ituluyan ko na kaya to? wag labs ko padin naman siya kahit papano XD

"Ang adik mo talaga! Tara na nga!" haaay talo na nanaman ako sa babaeng to. Nasa dugo na kasi yata niya ang asarin ako.

Nagsimula na yung party. Lumabas si tita Rina sa gitna ng stage at halatang nagulat siya sa mga nangyayari pero kita parin sa mukha niya ang saya. Nakakatuwa silang tignan. Nandun din si Rhea at Ate Ram at mukhang masayang masaya din sila.

"Haaay mama alam mo kung nandito ka siguro ginawa din sayo ito ni papa kaso nga nga lang ma, di namin afford ni papa na bilhan ka ng resort eh. Pero ma, miss na miss na talaga kita." feel na feel ko ang page-emote ng biglang may sumulpot na epal sa tabi ko. psh. panira -_-

"Masaya bang kausapin ang sarili? Mukhang enjoy ka ah!" nilingon ko siya at tama nga ako, parang may nakasulat na capital E.P.A.L sa mukha niya.

"Tsk. Ikaw na naman?! Hindi nga kita kilala eh bakit ang kulit ng lahi mo?!"

"Nagpakilala na kaya ako sayo kanina! Makakalimutin ka na talaga jeydi." Eto na naman tong lalaking to. Si Church? ano nga ba ulit yun? Ay mali Arch pala.

"Ewan ko sayo! Tska Jem ang pangalan ko hindi Jeydi -_-"

"Ganun na din yun. Nga pala, sinabi na sakin ni lolo kung paano ka niya nakilala."

"Oh? anong sabi niya?"

"Akala ko ba hindi mo ako kilala?" sinamaan ko siya ng tingin.

"Hahaha joke lang. Sabi niya nanay ka daw ng magiging anak ng pinsan ko."

"HA? AKO?NANAY? tska Ikaw? Pinsan? Sino?" sunod dunod kong tanong sa kanya.

"Wait lang ha pwedeng isa-isa?"

"Tsk. Ano nga kasi?"

"Okay chill. Ang akala kasi ni lolo magkakaanak kayo ng pinsan ko kaya ayun yung kawawa kong pinsan kinukulit ni lolo sa ipapangalan sa baby niyo hahaha"

"Hoy hinde ah! Hindi yun totoo!Jusmiyo napakabata ko pa para sa mga ganung bagay no! Sino ba kasing pinsan mo?"

"Si Gray,hindi mo ba siya kilala?"

"Kilala pero hindi kami close nun no! Asa!" 

Paano ko ba mapapaniwala si Mr. principal na hindi talaga? Bakit ba kasi yun kaagad ang inisip niya? Bakit dun pa sa lalaking yun? Bakit? Uwaaaa! 

"Gusto mo tulungan kita?" Nagulat naman ako ng biglang magsalita si Arch. Haay naalala ko din sa wakas ang pangalan niya. Isa pa ito eh, mind reader din ba siya?

 xx

My Cause of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon