VII 1/2

46 5 1
                                    

"Pumapayag ka ba?" 

Nasa Library kami ngayon at magkausap si Arch at si Gray. Nasa harap ko siya pero nakapikit ako dahil kapag dumilat ako baka hindi ko na naman malaman ang mga susunod na mangyari at mawalan na naman ako ng malay. Ayoko na no! baka mamaya singilin na ako ng clinic dahil sa araw-araw kong pagpunta dun XD Sinabi ni Arch ang plano niya kay Gray para malinaw daw ang lahat. 

"Are you sure about this?" haaay napaka englishero naman talaga nitong perez na to eh! nakaka-nosebleed kaya!

"Yeah, I just wanna help." sagot naman sa kanya ni Arch. Isa pa to may pa-english english pa. Hello, nasa Pilipinas kaya tayo!

"Fine, I'll say yes." naghintay muna kami ng sandali bago siya nagsalita. Akala ko hindi siya papayag eh para sa kanya din naman ito. Nakooo kung di ko lang kasalanan lahat edi hindi ko gagawin to.

--

"Pumayag na siya." 

Dinala niya ako sa isang room na parang matagal ng hindi ginagamit. Pagpasok namin, may dalawang lalaking naka-upo at isang lalaking nakatayo sa tabi ng bintana.

"Hi! Pwede ka bang maging girlfriend? ^___^" lumapit sa akin yung lalaking nakatayo kanina sa tabi ng bintana habang kumakaway. Waaaa grabe nakakagulat siya!

"Hoy tigilan mo nga si jeydi!" sabi ni arch sabay bato ng panyo sa mukha nung lalaki. Pamilyar siya eh. Ah! siya yung isa sa bagong transferees hindi ko nga lang matandaan ang pangalan niya.

"Anong pangalan mo? Ako nga pala ang future husband mo ^__^" sabi niya ulit sakin ng hindi pinapansin si arch at iniabot ang kamay niya. hahaha ang kulit nitong isang to kaso mukhang babaero! at sanay na sanay sa mga babae.

"Hoy Chrome ang dami mong alam para kang google!" sabi naman nung isang lalaking naka-upo. 

"Heh! kaya nga Chrome ang pangalan ko eh! Google Chrome kuha mo?" nilingon niya ang lalaking nakaupo at sinigawan ito. Napangiti naman ako sa kakornihan nitong isang to.

"Ah, Jem nga pala." tapos ini-abot ko din ang kamay ko sa kanya at nag-shake hands kami.

"Wow, alam mo bang yan ang pangalan ng babaeng pakakasalan ko balang araw? Siguro ikaw na nga yun." sagot niya naman sa akin na kunwari ay may seryosong mukha at hindi padin binibitawan ang kamay ko.

"Wag kang makinig diyan baka masira lang din ang ulo mo." sabi naman ni arch at tinaggal ang kamay ni Chrome sa akin.

Lumapit kami dun sa dalawang nakaupong lalaki. Uy, magkamukha sila! hahaha sila nga pala yung kambal kanina. Pinaupo muna ako ni arch, sabi niya sandali lang daw at may nakalimutan siyang gawin. Binilin niya din sa kambal na kapag may ginawa daw sakin si chrome eh bugbugin na daw agad. grabee kawawang chrome XD

"Hi, I'm Demon nice to meet you!" sabi niya habang kumakaway kaya kinawayan ko din siya. Mukha siyang gwapong badboy pero mukha lang pala dahil may pagkacute kasi ang isang ito.

"Saint." matabang na sabi nung kakambal niya. Tss, wala man lang hi o hello? ang sungit naman nito! 

"Wag ka nang magtaka, magkabaligtad talaga ang ugali nila kaso pati pangalan yata nagkabaligtad din. Buti pa ako pinanganak na gwapo ^__^" sabat naman ni Chrome.

"Gwapo ka lang pero mas gwapo ako!" sagot ni Demon.

"heh! ikaw nabusted na ako hindi pa :P" sagot ulit ni chrome.

"Ako ang nililigawan" pambawi naman ni Demon.

"Hinahabol naman ako" pambawi naman ni Chrome.

"mga sira ulo -_-" bigla namang nagsalita yung Saint. Wow akala ko napipi na siya eh.

Habang wala pa si arch, kinuwentuhan nila ako tungkol sa kanila. Sumakit na nga ang tiyan ko at halos maubusan na ako ng hininga dahil sa kakatawa kasi sobrang kulit nila lalo na si Demon at Chrome, pero yung si Saint parang forever ganito -_- yung mukha niya.

Sabi nila, galing sila sa France at doon sila nag-aaral pero nakakasawa na daw buhay nila doon, masyado raw boring kaya naisipan nilang bumalik sa Pilipinas at sabi pa ni Chrome nakakasawa na din daw ang mga chics dun kaya gusto nilang humanap ng mga bago. Ang adik talaga eh, manchichics nalang dito pa XD

"Ano, sino na sa inyo ang gustong maging boyfriend niya?" tanong ni arch pagbalik niya na ikinagulat ko naman.

"Ha? B-boyfriend ko?!" tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi talaga ma-gets.

"Diba sabi mo payag ka na? ayan, isa sa kanila ang magiging boyfriend mo. Bakit gusto mo ba ako?" sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. 

"Hindi ah asa!"

"Ako nalang para pangtotohanan na!" proud na proud na sagot ni Chrome habang nakataas ang kanang kamay niya.

"Ako nalang kaysa kay Chrome! Baka kung ano pang gawin niyan kay Jem!" ngayon si Demon naman ang nagtaas ng kamay.

"Teka lang, di ba dapat ako ang pipili?" bakit kasi sila ang magdedecide? diba dapat ako? 

"Hindi pwede." matigas na sagot ni arch. 

"At bakit naman?" tanong ko habang nakataas ang kanang kilay.

"Walang thrill!" ano to laro? movie? kailangan may thrill?!

"Tsk!"

"Ah! Alam ko na kung pano makakapili!" parang may lightbulb na nag 'ting!' at lumitaw sa gilid ng ulo niya.

"Pano?" sabay sabay naming tanong nina Chrome at Demon.

"Edi... bato-bato pick! Diba ang talino ko talaga!" tsss napakagandang idea -_-

"grabe ang genius mo! i love you na papa arch! tss" pangaasar ni chrome kay arch sabiy irap nito.

Ginawa nga nila ang sinabi ni Arch. Naunang nag-laban si Chrome at Demon pero natalo si Chrome dahil nag-papel siya at si Demon naman gunting.

"Bwahaha pano ba yan? :P" pangaasar ni Demon kay Chrome.

Sumunod naman si Saint at Demon. Akala ko nga hindi kasali si Saint eh pero pinilit siya ni Arch. Kung sino daw ang manalo sa dalawa siya ang magiging kunwari-kunwariang boyfriend ko na ipapakilala ko daw kay Mr. Principal para tigilan niya na ang pag-aakalang may relasyon kami ni Gray. Si Saint hindi man lang tumutingin kay Demon at basta nalang ibinagsak ang palad niya samantalang si Demon naman ay mukhang determinadong manalo. Ibinagsak na nila ng sabay ang mga palad nila, at O_______O

bato x papel

Si Saint ang panalo. 

xx

My Cause of DeathWhere stories live. Discover now