Ayoko na

1.6K 18 1
                                    

AYOKO NA

Gusto ko ng huminto
Pero, hindi ko alam kung Papaano
Saan ko ba dapat simulan ito?
Sa paglayo sayo?
Sa pagkalimot sayo?
O sa pagtanggap na hindi talaga maaaring maging tayo?
Kasi nanjan ka lang naman sa tabi ko
Kapag magka-away kayo
Naaalala mo lang naman ako
Kapag kailangan mo 'ko
Tinatawagan mo lang naman ako
Kapag wala s'ya sa tabi mo
Mahal mo lang naman ako
Kapag ako ang kaharap mo
Kayat sabihin mo sa'kin kung Papaano?
Paano ako tatakbong palayo
Kung hawak mo pa din ang puso ko?
Paano kita iiwan
Kung ayaw mo 'kong pakawalan?
Paano?
Paaano na 'ko?
Kung s'ya naman talaga ang mahal mo
At hindi ako?
Sawa na 'ko
Sa paulit ulit na pagsampal sa'kin ng mundo
Na mali itong ginagawa ko
Na dapat ko ng itigil 'to
Pagod na 'ko
Pagod na 'kong intindihin ka
Pagod na 'kong unawain ka
Pagod na 'kong magparaya
Pagod na 'kong maging pangalawa
Oo kaya ko pa
Pero patawad Mahal,
Pagod na kong mahalin ka
Kaya't pakiusap ko sa'yo
Kung s'ya naman talaga ang Mahal mo
Kung hindi mo naman kayang ipaglaban ako
Hayaan mo na 'ko
Hayaan mo na 'kong tumakbo palayo
Palayo sa mundong ginawa lamang para sa inyo
Hayaan mo na 'kong iwan ka
Para tunay na kayong maging masaya
Hayaan mo na 'kong kalimutan ka
At kalimutan na minsa'y nagmahal ako ng maling tao
Dahil pagod na pagod na 'ko
Sawa na 'kong masaktan
Sa paulit ulit na dahilan
Tama na
Ayoko na
Dahil ang gusto ko na..

Iyong ako lang, wala ng kahating iba.

*******
Para sa mga taong sawa ng maging option lang. Para sa inyo to.

HUGOT TULAWhere stories live. Discover now