Pangalawa

713 6 0
                                    

PANGALAWA

Sa pagikot ng mundo
Maraming pwedeng magbago
Katulad na lang ng pagkabago ng buhay ko
Pagkabago ng buhay ko dahil sa pagdating mo
Hindi ko inaasahan
Ni hindi ko man lang nga napaghandaan
Kaya nga itong puso ko nahulog sayo ng hindi man lang namamalayan
Yung dating panaginip ko lamang ngayon nagkatotoo
Sa bawat araw na magkasama tayo
Walang pagsidlan ang tuwa sa puso ko
Sa bawat sandaling hawak mo ang mga kamay ko
Pakiramdam ko nasa ibang dimensyon tayo ng mundo
Yun bang tayong dalawa lang
Yung walang Siya kundi ikaw at Ako lang
Pero kasabay ng tuwa ay ang pag usig sakin ng konsensya
Yung mga maliliit na tinig na bumubulong saking tenga
Na pilit kong ipinagsasawalang bahala
Dahil sa tuwing kasama kita
Nakakalimutan ko yung rasyonal kong pag iisip
Nakakalimutan ko yung pagkakaiba ng tama at mali
Ng dapat at hindi
Sa tuwing yakap at hawak mo ang mga kamay ko
Pakiramdam ko akin ka lang talaga
Nakakalimutan kong merong "Siya"
Nakakalimutan kong merong "Kayo"
At parang merong "Tayo"
Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ba pinasok ko to
Natanggalan na ata ako ng turnilyo sa ulo
O baka nababaliw na ako
Alam na alam ko naman kasi na sa dulo nito
Ako nanaman ang talo
Pero sumugal pa din ako
Nagpadala pa rin ako
Nagpatangay sa mga init ng yakap at halik mo
Muli, nagkamali nanaman ako
Akala ko noon tapos na kong maging tanga
Mali pala
May mas itatanga pa pala ako
Wala eh yung puso ko hindi na ata natuto
Gustong gusto niya atang laging nasasaktan
At laging naiiwang luhaan
Masokista nga talaga siguro ako
Nakakainis naman kasi si Kupido
Papanain na lang din ako
Hndi pa dun sa taong pwedeng maging akin ng buo
Minsan napapaisip tuloy ako
Mali nga bang minahal kita?
Mali nga bang pinili kong maging masaya?
Siguro nga sa paningin ng lahat mali
Maling nagmahal ako ng taong alam kong may kahati
Kaso wala eh hindi ko napigilan
Hindi ko rin inaasahan
Napaglaruan nanaman ako ng tadhana
Ayaw niya ata talaga ako maging tunay na masaya
Pero di bale ganun naman talaga diba?
Sabi mo nga, magulo talaga ang buhay ng tao
Dahil kahit alam na nating mali, ginagawa pa din
Dahil yun ang nagpapasaya satin
At aaminin ko mali man pero masaya ako ngayon
Di ko man alam kung hanggang saan ako dadalhin ng pagkakataon
Okay na muna ako dito
Kahit patago at di pwedeng malamang ng kahit sino
Kahit pangalawa lang sa puso mo
Okay na ko
Kahit masakit titiisin hanggat kaya ko
At kapag hindi ko na kaya
Ako na mismo ang lalayo sayo
At sa mundong madilim man pero masaya nating binuo
Sino ba kasing babaeng gustong maging pangalawa lang sa taong mahal nila?
Wala naman diba?
Kaso wala eh ikaw ang minahal ko
At nagmahal lang naman ako
Bakit ba kasi may nga taong pinagtatagpo
Kung hindi naman pwedeng maging kayo?
Minsan napakadamot talaga ng mundo
Dahil kung saan ka pa masaya
Yun pa ang ipagkakait sayo ng tadhana
Kung pwede lang sana, sa atin na lang ang mundo
Yung makukuha natin lahat ng gusto
Yung walang hahadlang na kahit sino
Kaso alam naman nating hindi pwede
Isang bagay na napaka imposible
Kaya't sana sa muling pag-ikot ng mundo
Maging una naman ako sa puso mo
O kahit hindi na sayo
Kahit na lang sa ibang tao
Deserved ko pa rin naman mahalin ng buo diba?
Yung ako lang talaga, walang kahating iba
Yung hindi lang option
Kundi prayoridad naman ngayon
Kaya't sana pag nagmahal ako sa susunod na pagkakataon
Ang tadhana, sa akin naman umayon.

***********
Bakit nga ba tumataya pa tayo sa mga bagay na alam naman din nating sa huli tayo din ang talo? Ganun ba tayo katanga? O ganun tayo sobrang magmahal? 😩

Huhu Sid and Aya pinaiyak niyo ko ayan tuloy ang epekto 😭

HUGOT TULAWhere stories live. Discover now