Chapter Twenty: Lost

747 20 2
                                    

                 Hindi ko nagawang mahanap si Ser Marc ngayon dito sa Office baka pumunta na naman sa kanila sa Tondo yun.

       Wala na tuloy akong nagawa kung hindi pumunta nalang sa  Pad ko at aasikasuhin ko nalang ang mga requirements ko para bukas!!

Yes sa wakas may pasok na ako sa Lunes! Ilang araw at buwan din akong nagtrabaho dito. At baka sa susunod na araw na yung last ???

      Medjo nalungkot ako sa isiping yun? Pano kung umalis nga ako?? Baka mawala na sa akin ang condo ko?at si Ser?? Sino na magiging secretary niya?! Malamang sa malamang baka humanap yun?

Pero nangako naman sa akin si Mr.Clint na siya na din bahala sa tuition ko.

    Ang unfair nga lang dahil di na ako makakapag trabaho? Arghhh asar naman ohh.

Basta inayos ko nalang muna ung mga reg Form ko at pupunta na din akong divisoria !! mas mura kaya gamit don hehe.

Pagkalabas ko ng Pad ko ay pumunta ako sa Lungga ni Kuya Albert sa kaniya nalang ako magpapaalam.

"Knock knock !! Kuya Al!" Kumatok na ako kahit may doorbell naman hehe

"Oh hija bakit??" Bungad nito sa akin na medjo sarado lang yung pinto hmm ano meron??

"Aii kuya papaalam lang po ako! Alis lang po ako saglit hehe!" Sabi ko saglit na pinasok ni kuya Albert yung ulo niya sa loob bago ako kinausap uli.

"Saan naman ang punta mo??" Tanong pa nito. Bakit kaya ayaw lumabas ni kuya A? Para makapagusap kami ng maayos ang hirap niyang kausap kapag pabalik balik yung ulo niya sa loob.

     "Hehe jan lang po sa Divi kuya tapos dadaan na din po ako ng xerox hub. Papaxerox ko lang po to oh hehe!!" Sabi ko sabay pakita ng mga requirements ko

"Ahh sige ing..."

"Teka samahan na kita!!" Nagulat nalang ako ng lumabas yung ulo ni Ser Marc sa ilalim ng mga braso ni kuya Albert na nakaharang sa Pinto.

   Haha ang liit kasi kaya sa ilalim lang kayang lumusot.haha joke maliit lang din po ako bagay kami.!!chos Joke lang uli !!

At dahil kunyaring tampo pa ako sa kaniya!!hindi ko siya pasasamahin!!

  Hmmp kanina pa ako hanap ng hanap nandyan lang pala siya!!

     Shunga ko din e di ko naisip na nandiyan lang siya.hay

"Wag na po Ser! Sige kuya Albert mauna na po ako!!" Sabi ko at tumakbo na paalis papunta sa elevator!! Kaso sabi ko nga maliit lang biyas ko kaya ayon naunahan niya pa din ako huhuhu

            " sabi ko sasama ako. Amo mo pa din ako and thats an order!" Hinila niya pa ako Pero hindi naman yung hila na masakit ! Tama lang.

"Ok Boss sabi mo po ee" amo! Tsk dapat may kadugtong na Pasaway! PASAWAY NA AMO!

Hindi ko nga lang pwede sabihin yun diba nga beast mode yan sa akin.baka lalo ma weslak beauty ko kapag nagkasagutan uli kami.

       Simula ng pumasok kami hanggang nakababa ay hindi ako umiimik sa kaniya. Kahit nakikita ko na sa salamin ng elevator na nakatingin siya sa akin. Hmm bahala siya jan.

"So--y k----a!" Yun lang ang sinabi niya kaso di ko masiyado marinig dahil sa ingay ng kotse na mabilis magpatakbo ! Jusko kala mo naman mauubusan ng daan!!

"Ahh yes po" sagot ko hehe baka kase naguutos siya hindi ko pa naman naintindihan.

"Anong Yes po?? Sabi ko....." hindi niya na nadugtungan yung sinasabi niya dahil biglang bumaba yung babae na sakay nong kotseng hapit sa daan!!

"Hello babes!!" Hinagkan pa nito si Ser ng makalapit siya! Teka sino nga uli to??makayakap e!sarap sabunutan tsk!

"Tsk anong ginagawa mo dito??" Masunget na tanong ni Ser Marc.

Pilit kong inaalala kung saan ko ba ito nakita hanggang sa maalala ko ang nagyari nong isang gabi!

Wait siya yung nasa Party si Miss Samantha Villareal? Yung girlfriend ni Ser Marc.

Opssiee so kailangan ko ng lumayas???

    "Baby Marc naman. You forget na ba?? We have date today remember??" Sabi ni Sam at kumapit pa kay Ser Marc na parang isang tarsier na nakakapit sa puno nito.

     Teka ano daw date?? Duh kami kaya may date sa Divisoria nga lang hmmp! Mas masarap mag date sa Divi noh! Atleast yung food doon makakain yung sa resto niya hindi naman pwe!!

"Tsk nalimutan ko,pwede ba bukas nalang may lakad pa ako!!Elisse tara na" hila pa nito. Nagpaakay naman ako.

Kaso hinihila din siya ni ate Girl.

"No today ang date natin. Ahmm diba miss papayag ka naman??"tanong nito na nakangiti pero sheyt ang plastik!! Jusko sarap dalhin sa recycle beam.

"Ahh ok lang. Sige po Ser mauna na ako!" Tumakbo nalang ako sa Jeep na unang nasakyan ko!

Arghh bweset na babae yun ohh
Panira ng date!!

    Sa sobrang pagiisip ko ay hindi ko napansin kung saan na ba ako nakarating basta pagka Para ko sa Jeep ay sumakay nalang ako agad  para makalayo sa dalawa at dahil ako lang ang pasahero dito ay hindi ko na alam kung saan na kami nakarating .

"Akala ko pa naman may Quality time na kami haha baliw ka na Elisse!!"

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay  hindi ko na napansin kung saan ako nakarating. Hindi ko nga din alam kung anu ba yung dinadaanan namin??.

Basta nalang ako pinababa ni Manong driver ,Last Destination na daw yun huhu T.T

"Saan na ba talaga ako??" Tanong ko sa aking sarili.

Dahil sa hindi ko naman kayang sagutin ang sarili kong tanong mabuti pa magtanong na lang ako.

May nakita naman akong Lalaki na nagwawalis sa gilid "Kuya ano po bang Lugar to??" Tanong ko with matching kamot ng ulo.

Jusko mukhang type pa ata ako ni Manong,Grabe makatitig Bes eh!!

Ui Elisse ang assuming mo!!

"Andito ka sa Antipolo Ne," sagot ni Kuya .

Jusko ??!!!! Paano naman ako nakarating ng ganto kalayo!!??

"An....Antipolo po kuya??" Huhu Paktay na hindi ko alam kung nasaan ako?? Sheyms ang layo naman ng narating ko?? Huhuh paano ako napunta dito.?

Asaan na ba Talaga ako??? T.T

-----------------

Im inLove with My Secretary (McLisse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon