chapter fourty8: Pool Party

514 15 0
                                    






"Hoy Loka ano ok ka na ba??!" Bungad kagad sa akin ni Sofia pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng Pad ko.




"Ahmm kanina ok na ok pa ako pero ngayon? Hindi na! Tsk anong ginagawa niyo dito?!" Badtrip na tanong ko arghhhh kakatulog ko lang ng alas kwatro ee tapos gigisingin nila ako ng Alas sais ng umaga??! Ano to two hours sleep mga men!!


Sabi nga nila magbiro ka na sa lasing wag lang sa prinsesang dalawang oras lang ang tulog? Teka yun nga ba yun?? Ahh basta wag mangistorbo sa tulog ganon?? Ayy ang gulo na.



" hoy kami na nga tong gumising ng maaga para mabisita ka kaw pa tong hanash!!!! pwede pakain muna gutom na ako e!" Sagot naman ni Clair na dere deretsong pumasok sa kitchen And as usual wala siyang nakita haha.

"Ano ba naman to beb ang ganda nga ng Pad mo wala ka namang pagkain pulubi ka pa din!" Clair.
umupo nalang siya sa isa sa mga upuam at uminom ng tubig! Yan daanin m nalang sa pag-inom hahaha


"Sorry naman!paorder ka nalang!" Sabi ko lang at humiga na uli sa sofa. Ang lakas ng loob kong magpa-order kasi alam ko naman hindi ako magbabayad ! Sila haha!!

"Wow bebs Libre mo??game Mich tawag ka na!!" Sabi ni Fia kaya agad kong sinagot ito

"Hindi mas mayaman kayo sa akin friend kayo nalang!" Sagot ko kaya binato na naman ako ni Clair nong CD na pinapanood ko kagabi!!


Arghh naalala ko na naman kung bakit hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.


FLASHBACK



         "Haha yan ang yabang kasi ni Kevin. Wala naman talagang queen ang jellyfish e haha" tawa lang ako ng tawa habang pinapanood ang episode ng spongebob na nakilala ni spongebob yung idol niyang si Kevin the Jellyfisher


        "Hindi ka pa ba nagsasawa dyan? Halos tatlong oras ka na nanonood niyan eh!" Tanong ni Mccoy na halatang inaantok na talaga. Sinilip ko siya bago ako tumayo at proud na sinabing.



"Haha syempre hindi spongebob yan eh haha joke dont worry last na yan!" Umayos na uli ako ng upo at hinintay na matapos ang last episode ng CD na nabili ko lang sa palengke sa tabi-tabi.

Pirata lang binili ko mura lang siya mga Ten Pesos lang   tapos kumpleto pa

eh kapag sa oddesy 10 episodes 300 pesos na diba mas sulit??

Pero wag niyo po ako tularan bawal mamirata ngayon.


At dahil nga natapos ko na yung buong cd ay balak ko na sana ligpitin ito. Tinutulungan na nga ako ni Mccoy ng may biglang lumabas na Rated SPG clip doon sa CD??




"Ahh eehhh" agad kong hinanap yung remote pero minamalas ka nga naman at hindi ko ito makita.


Tumulong na si Mccoy at halos mag-untog kami kaya napahinto kami sa gitna ng couch.


"Awwch ang sakit" nauntog lang naman ako sa matigas na ulo ni Mccoy




"Ahh more more" sabay ng reklamo ko ay ang eksenang iyon sa CD kaya agad kaming napabalikwas ng tayo at naghanap uli.


Ang akward naman iba na yung naririnig namin .


Nagulat ako ng bigla nalang nawala yung tunog pagtingin ko sa TV ay blanko na ito.


"Yan wala na hehe ligpit ko na to " hinila nalang ni Mccoy yung plug ng DVD player at umalis na papuntang kusina.

Jusko ano ba naman yun!! Shit hindi na ako bibili ng CD na Pirata! Never again men!! Never and never!!

End of Flashback


At dahil nga sa rated SPG moment na yun ay hindi ako nakatulog ng maayos. Arghhhh


     "Wow may narinig ata akong deliver ng food?? Haha no need girls may dala na kami!!" Nagulat naman ako ng bigla nalang pumasok si Ryle na may dala pang tatlong box ng Pizza at 2 buckets ng chicken joy!! Wow naman ang Sarap.


Pero Teka?? "ANO NAMANG GINAGAWA NIYO DITO??" Napatayo ako bigla ng sunod sunod pang pumasok ang hashtags

.

Dahil sa bagong gising lang ako ay halos pantulog lang ang suot ko kaya agad akong binalot ni Mccoy ng kumot at niyakap. Yun nga lang may binulong din siya sa akin.


"Mag-ayos ka na kung ayaw mong matuloy ang movie kagabi" bulong nito na kinagulat ko. Arghhh baliw to ahh


"Hoy bawal Yan!! Tsk Layo!!" Sabi naman ni Michelle at sinamahan na ako sa kwarto para magpalit. Mukhang narinig niya yata ang binulong ni Mccoy!! Ayyy naku ka naman talaga Mccoy oh!!!.

Mabilis nalang akong nagpalit ng makapal na Tshirt at short na halos hanggang tuhod bago bumalik sa grupo.

Walang pasok ngayon kaya baka whole day tambay tong mga toh dito tsk.

"So guys anong balak niyo at pumunta kayo dito??" Tanong ko sa kanila na busy sa pag-aayos ng kanilang mga gamit.

"Haha Pool Party Elisse Pool Party!!" Sigaw ni Jon kaya nagulat naman ako sa kanila.

So kaya sila may dalang pagkain at liquior ay para dito. Infairness pinaghandaan nila ahh.

"Tama tama! Yes excited na ako! Tara na guys punta na tayo sa pool area!!" Sabi ni Ryle at nauna pang lumabas sa pad ko.

Malamang ay pumunta na yun sa Pad ni Mccoy dahil don lang naman merong Pool dito ehh.

"Pasensyahan niyo na yun girls kabababa lang ng bundok haha" sabi ni Kuya Luke kaya nagtawanan naman kami atska pinauna na maman ang boys!

"Ang daya hindi naman tayo Prepare sa Pool Party na ito wala tuloy tayong damit!!" Sabi ni Clair  may ilang damit naman sila sa Pad ko pero puro pang-gala lang ang mga yun ehh!!

--------------------------------

Im inLove with My Secretary (McLisse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon