Smells Like Jealousy

5 0 0
                                    


 


Pag-uwi ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto para humiga at tska inopen ang aking cellphone.

"Makapag-fb nga muna."

Pagka-open ko ng fb ko ay sobrang dami na ng notif ko. Specially my friend request.

Geordeth.....

Sherla.....

Jezel.....

Annalyn.....

Anderson.....

Blake Christ Zach Sandoval

"Sus, eto namang butiki na to stalker."

Blake Christ Zach Sandoval send you a friend request. (Confirm or Decline)

"Confirm ko na nga kawawa naman. Hahaha. Teka meron pang isa. Kilala ko to ah. Si...."

Gilbert Xcedric Costales send you a friend request. (Confirm or Decline)

"Magkaibigan talaga tong dalawang to. Confirm ko na rin nga."

Pagkatapos nun ay binaba ko na yung cellphone ko sa lamesa ko at tska natulog.

Kinaumagahan,

I did my daily routine again bago bumaba sa sala.

"Dad?"

"O Lace kain ka na. Wala pa si Daddy. Na-delay yung flight niya. Baka bukas pa siya darating.", sabi sakin ni Kuya Nix habang nagpi-prepare ng breakfast.

After I eat ay nagpaalam nako kay Kuya tska lumabas para mag-abang ng trycle. Tuwing wala kasi si Daddy di na kami nagkokotse ni Kuya kasi may single motor naman siya e 9:00 pa naman pasok niya kasi wala silang pasok. Seminar nga lang. E 8:00 pasok ko kaya nauna nako.

"Lace!"

"O Zach? Bakit?"

"Sabay na tayo."

"Di may kotse ka."

"Ah oo. Pero kinuha ni Daddy e. Hinatid niya kapatid ko."

"Okay."

Beep beep!

May kotseng huminto sa tapat namin Zach, pagbukas ng bintana ay nakita namin si Xced. (Inshort for Xcedric)

"Sakay na kayo pare. Male-late narin tayo."

"Hindi na pare. Mag-aabang nalang kami ng trycle."

"Hindi okay lang. Tska walang masyadong dumadaan na vehicles dito o."

"Hindi na Xcedric. Okay lang talaga. Ahm, ayun! Para po manong!", sabat ko nalang sa kanilang dalawa.

"O kita mo nga pare. Sige kita nalang tayo sa school."

"Sige."

At tuluyan na kaming sumakay sa trycle ni Zach.

Xcedric POV.

Maaga ako ngayong bumangon. Tsaka plano ko ring sunduin si Lace. O nagtataka siguro kayo kung bakit kilala ko si Lace. Ka business partner kasi ng mga magulang ko ang Daddy ni Lace. May time na may party ang lahat ng magkaka-partner sa business. Naganap yun sa Hongkong last 2012.

Flashback...

"Hi Mr. Acosta.", bati ni Dad kay Mr. Acosta.

"Hello Mr. Costales. Nice place huh. By the way, I want you to meet my daughter. Jilliancriz Candallace Acosta."

"Wow, beautiful lady. You look like your Mom.", pagkasabi yun ni Dad ay napayuko nalang si Lace. I don't know why.

"Hindi ah. Sakin kaya nagmana ang princess ko."

"Hahahaha okay okay. I want you to meet also my son. Gilbert Xcedric Costales."

"Hello iho. Siguro ikaw na ang susunod sa yapak ni Daddy mo para ipagpatuloy ang kumpanyang naitayo niya."

"Soon Tito.", then I smiled at him at tumitig uli ako kay Lace.

She looks so pretty to her light pink dress. She looks like an angel. I think, I'm inlove with this girl already. Kahit kakakita ko palang sa kanya. Maybe?

End of the flashback...

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso nako sa kotse kasi susunduin ko pa si Lace.

Nang makarating ako sa village nila, ay nakita kong magkasama sila Zach at Lace.

"Naunahan ako ah.", bulong ko sa sarili ko.

Beep beep!, busina ko sa kanilang dalawa.

"Sakay na kayo pare. Male-late narin tayo.", yaya ko sa kanilang dalawa. Actually si Lace lang sana pero baka mahalata ni Zach na may gusto ako kay Lace.

"Hindi na pare. Mag-aabang nalang kami ng trycle."

"Hindi okay lang. Tska walang masyadong dumadaan na vehicles dito o.", kulit ko parin sa kanila.

"Hindi na Xcedric. Okay lang talaga. Ahm, ayun! Para po manong!", Lace naman, ako dapat maghahatid sayo e.

"O kita mo nga pare. Sige kita nalang tayo sa school."

"Sige.", nakakainis! Kaya pagka-sakay nila ng trycle ay pinatakbo ko nalang ng mabilis yung kotse ko.

Zach POV.

Paalis nako ng bahay nang makita ko si Lace na nag-aabang ng trycle. Baka wala si Daddy niya kaya wala siyang kasabay.

"Lace!", tawag ko sa kanya

"O Zach? Bakit?"

"Sabay na tayo."

"Di may kotse ka."

"Ah oo. Pero kinuha ni Daddy e. Hinatid niya kapatid ko."

"Okay."

Beep beep!

May kotseng huminto sa tapat namin ni Lace. Si Xcedric ata to ah. Bakit nagawi to dito?

"Sakay na kayo pare. Male-late narin tayo."

"Hindi na pare. Mag-aabang nalang kami ng trycle.", tanggi ko sa kanya

"Hindi okay lang. Tska walang masyadong dumadaan na vehicles dito o."

"Hindi na Xcedric. Okay lang talaga. Ahm, ayun! Para po manong!", naku buti nalang tumanggi rin si Lace.

"O kita mo nga pare. Sige kita nalang tayo sa school."

"Sige.", pag-kasabi niya nito ay kita ko sa kanyang mukha ang SELOS?

Bakit? May gusto kaya si Xcedric si Lace? Pero kung ganun nga, hindi pwede! Ahm, I mean, kilala ko na si Xcedric. Fuckboy siya. Lahat ng nagiging girlfriend niya, ay iiwan lang rin niya kung pinagsawaan na niya. At ayaw kong mangyari yun kay Lace. Kahit di ko pa kilala kung sino yung Kean na yun, alam kong sobrang pasakit ang nagawa niya kay Lace. At ayaw kong mangyari sa kanya yun uli. Hindi ko hahayaan yun. Di ko papabayaan si Lace.


 


************

Mistake Of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon