What Happen?

9 0 0
                                    

Pagkaalis ni Jacob ay nagmuni-muni muna ako saglit.

"Tama siya. I think this is the time to forgive and to let go."

Tumayo nako saking kinauupuan at nagtungo kila Macy.

"Uy Lace! Kanina pa kita hinahanap. San kaba galing?"

"Ah nagpalamig lang saglit at nagpahangin narin."

"Ah so ikaw pala yung nakita namin ni Rafael kanina na may kasamang lalake. Uuuyyyy, sino yun hah?"

"Ah, yun si Mr. Tales."

"Mr. Tales?"

"Oo kilala mo siya?"

"Oo. Siya yung guest speaker na makakasama natin in 1 week dito sa retreat."

"Ah. Well good. Napakarami na niyang experience sa buhay. Nakakagaan ng loob nung kausap ko siya."

"O baka mafall ka naman sa kanya. Hahaha."

"Ikaw talaga Macy."

Dumiretso na muna kami sa kubo at umupo.

"Grabe ang ganda dito no.", sabi ko kay Macy habang siya ay naghihiwa ng pakwan.

"Naku, sinabi mo pa. Napakalinis. Lalo na yung dun mismo sa dalampasigan. Wala kang makikita ni isang kalat."

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin ni Macy.

"Ahm Lace," bungad niya.

"Hindi mo ba talaga kayang patawarin si Kean? At hindi mo ba talaga kayang i let go si Zach?"

Hindi ako agad nakaimik sa tanong ni Macy. Napaka seryoso niyang magtanong. Nakakapanibago.

"Hey, are you still there Lace? Okay ka lang?"

"Ahm, you know what Macy, tama ka. Mas lalo ko lang sasaktan ang sarili ko kung hindi ako magpapatawad. I think its time for them to be happy."

Pagkatapos nun ay saktong nagtawag na ang aming adviser para simulan ang opening ceremony.

Nagintroduction lang si Mam pagkatapos ay pinapunta na niya kami sa sari sarili naming assigned room para makapagpahinga. Pero dahil sa sobrang ganda ng tubig sa dagat ay napagpasyahan ko munang lumangoy. Inalis ko ang aking suot pantaas, at ang natira nalang ay sando.

"Oy oy oy Lace san ka pupunta?",tanong sakin ni Macy.

"Magshoshopping bes."

"......"

"Joke lang ito naman. Malamang bes magswi-swimming."

"Teka marunong ka bang lumangoy?", singit naman ni Rafael.

"Oo naman. O sige dyan muna kayo."

Tumakbo ako sa tubig at tska sumisid.

Sisid...

Sisid...

Sisid...

Sisid...

Hanggang sa,

"Aray!! Tu....long!!!!"

✳✳✳

"Marunong ba talagang lumangoy si Lace, Macy?"

"Ewan ko dun Rafael. Yaan mo na. Masyado na siyang stress. She need to enjoy naman."

"Okay babe. Tayo di paba tayo maliligo?"

"Mamaya na babe. Kaw talaga."

"O sige. Teka, kanina pa sumisid si Lace ah. E bat di ko pa nakikita ulo niya?"

Mistake Of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon