Chapter 1

4K 100 26
                                    

Chapter 1

Major concert

“Juvia!” narinig ko ang pang-limang beses na sigaw at katok ni Lucy.

“Saglit!” sigaw ko din pabalik. Inayos ko ang dress kong itim at naglipstick na ulit ako ng pula at tumingin sa salamin bago lumabas ng kwarto ko.

Isang nakataas na kilay na Lucy ang sumalubong sakin. Napangiti nalang ako sa kaartehan niya.

“Ang tagal mo. Mala-late na tayo.” Sabi ni Lucy na ngayon ay inaayos ang damit ko. May nakita kasi siyang lukot.

“There will always be a seat for us. Wag ka mag-alala” mahinahon kong sabi habang siya naka-pout pa.

“Oh, okay na ba? Are we ready to go?”tanong ni Lucy.

“Yup. Let’s go” kinuha ko na ang sling bag ko at hinila si Lucy palabas ng bahay ko.

Naghihintay sa baba ang sundo naming. Relax na relax lang ako habang si Lucy ay parang natataranta na dahil medyo trapik ngayong gabi. Natatawa nalang ako sa reaksyon niya.

“Lucy, stop that. Makakarating din naman tayo dun” sabi ko sa kanya. Nasisigawan niya na kasi yung driver kesho ganito ganyan daw. Napailing nalang ako sa mga kinikilos niya.

“Sus, kalmado ka naman kasi masyado. Ngayon ang major concert ni Gray tapos hindi ka excited? Ano bang nangyayari sayo?” nawala yung mga ngiti ko nung sinabing yon ni Lucy. Hindi ko nalang siya sinagot at tumingin nalang sa kalsada.

Nababanas ako kada naririnig ko ang pangalang Gray Fullbuster. Mabuti na rin at hindi na ko kinulit ni Lucy sa concert na yan. At ayun siya, abalang abala sa pagsasabi sa driver na bilisan ang pagmamaneho. Nakarating kami sa Araneta sa tamang oras. Masyadong nagpapanic itong si Lucy. Akala mo namang malalate sa pagsuporta sa boyfriend niyang si Natsu. Sinalubong kami nila Erza, Mira, Levy at Cana sa may entrance. Nakita ko ang seryosong mukha at nakahalukipkip na Erza. Patay malamang mapapagalitan na naman kami nito.

“Late na kayo. Bakit ang tagal niyo?” yan ang sumalubong samin ni Lucy.

“Si Juvia” sabi ni Lucy.

“Traffic” sabi ko. Halatang hindi ako interesado sa concert na ito. Para san pa?

Nahalata ni Erza ang walang kabuhay buhay kong mukha. Kaya ngumiti nalang ako ng peke. Kailan ko ba natutunan ang magpekeng ngiti? Yung kunwari interesado ka tapos hindi naman.

“Osiya, pumasok na tayo” sabi ni Erza. Pumasok na kami sa loob ng Araneta at pumunta sa pinakaunahang seat. VIP seats. Dumating kami sa upuan naming at nakita doon ang ilang member ng club. Club Fairy Tail. Isang bar na ilang taon na ding nakatayo at doon ko sila nakilalang lahat. Pati na rin siya. Nandun din si Master Makarov. Kinawayan namin siya at tumango lang siya.

Ilang minuto, nagsimula ng magdilim. Halos dim lights nalang ang nakikita. Marami na ring naghihiyawang mga fans mula sa likod naming. Naging maingay at nagsisimula na silang magwala. They really did well. Sumikat talaga sila. I know they will have this big future and it’s happening now.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa success na inabot nila. Nagsimula ng umilaw ang stage at nagsilabasan na sila. Halos wala ka ng maririning kundi ang ingay ng hiyawan. Nakita kong si Lucy ay nakikisigaw na din. Tinignan lang ako ni Erza na nagtataka. Nagtataka siguro siya kung bakit hindi ako humihiyaw para suportahan ang banda nila.

“Mavis”

“Mavis”

“Mavis”

Not His Fangirl Anymore (GrUvia FanFic)Where stories live. Discover now