Special Chapter

1.3K 43 3
                                    

Thank you sa lahat ng nagbasa nito. Dapat ito yung gagawin kong Epilogue kaso nung mga panahon na isinusulat ko yun, yung POV pa din ni Juvia ang nasa isip ko. Thank you so much sa lahat ng tumangkilik. Akala ko ako lang ang nagbabasa nito. Marami pa pala. Salamat ng marami. Nung narinig ko ang kantang 'to, naalala ko sila. HAHAHA

Song used: Faster by Matt Nathanson

Gray’s POV

“You may now kiss your wife.” Sabi ng pari sa’kin. Sa wakas! I’ve been waiting for this line since the ceremony started. I just want to kiss my wife and make her happy.

Naalala ko pa kung paano kami unang nagkita. Nagkita kami sa club ng Fairy Tail noong college days pa lang. Maganda siya. Gusto ko ang mga mata niya, ang asul niyang buhok, at ang kanyang labi. Shit. Unang pagkikita pa lang namin, labi agad ang nakita ko. What the heck is happening to me?! Pero agad kong binalewala ang pagtitig ko sa kanya dahil kailangan ko nang tumugtog. At isa pa itong si Natsu na nanggugulo sa’kin.

Habang nag-aayos kami ng equipment ng gitara ko ay siniko ako ni Loke. Napa-kunot ako ng noo. Ano naman kayang kabalbalan ang sasabihin ng ugok na ‘to?

“Ganda nung Juvia ‘no?” Tinataas taas niya pa ang kilay niya habang tinatanong iyon sa’kin. Tss. Ano naman ngayon?

Hindi ko sinagot si Loke at inaayos ko na lang ang gitara ko. Nang nag-perform na kami ay hindi ko naiwasang hindi mapatingin sa kanya. Damn. Bakit bigla akong kinabahan? I am never nevous when I sing. Pero bakit nang nakita ko siyang nakatitig at tutok na tutok sa panonood ay bigla na lang akong namawis at ninerbyos. Damn it. Kaya pumikit na lang ako habang kumakanta.

Pagkatapos noon ay member na pala siya ng club. Hindi ko alam. Panay ang sunod niya sa’kin. Panay ang tawag ng ‘Gray-sama’. What’s so special about me? Hindi naman ako santo para tawagin niya pa ng Gray-sama. What’s wrong with this woman?

Palagi siyang nandoon sa mga gigs at kahit pagsali namin sa mga battle of the bands. Walang humpay ang suporta niya sa’min. Hindi ko alam kung bakit kada sinisigaw niya ang pangalan ng banda namin ay napapangiti ako. Hindi ko alam kung bakit pa siya nagpapakahirap na isigaw ang mga pangalan namin kung kasali naman siya sa club namin. I mean, lahat ng club members ay sinusuportahan kami pero si Juvia, there’s something about the way she cheers us. The way she cheers me. And I don’t know why is she giving me that kind satisfaction.

 “Juvia, tigil mo nga yang kakapaypay mo. Okay ako.” Sabi ko kay Juvia. Hindi kasi siya mapakali sa kakapaypay sa’kin. Okay na naman ako. Kanina pa siya todo asikaso sa’kin. I like it but it’s too much.

 “Ah, okay lang Gray-sama. I’ll do this. Pinagpapawisan ka na eh.” There! He called me Gray-sama again. When will she stop that?

“A-ano ba Juvia?!” Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa’kin. Kitang kita ko ang cleavage niya. Oh shit! Napapkikit ako. Napatayo akong bigla at nasigawan ko siya.

Idiot, Gray! Nakita ko siyang yumuko at mukhang napahiya nang dahil sa’kin. Shit.

 “J-Juvia, s-sorry.” Sabi ko sa kanya. Napalingon ako sa kila Natsu na nakatingin sa’kin ng masama.

“I just want to help.” Narinig kong sabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Damn. Why does she have to wear that kind of clothes? At sakto pang napatingin ako sa kanyang dibdib. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

“Kaya ko naman punasan ang pawis ko. You don’t need to do that.” Sabi ko sa kanya.

“Okay. Aalis na ba ko? Wala na ba kayong kailangan?” Tanong niya ulit. She had already done everything. Halos magmukha na akong santo sa lahat ng pinaggagawa niya.

Not His Fangirl Anymore (GrUvia FanFic)Where stories live. Discover now