Hello

4.2K 167 7
                                    

Otor Popoy: Una sa lahat ay nais ko munang magpasalamat kay Author Niel sa pagbibigay sa'kin ng pagkakataon na gawan ng sequel ang kanyang akda, ang "Julian's Gift". Napakalaking pribelehiyo nito para sa'kin lalo na at baguhan pa lamang ako sa mundo ng pagsusulat. Maraming Salamat sa tiwala.

Khalil: Naks! Ang lalim! Parang hinugot sa pusod ng Pacific Ocean yan Otor ah!

Otor Popoy: Masyado ba talaga akong malalim magsalaysay ng kwento?

Khalil: Yung seryosong sagot o yung biruan lang Otor? 😂😂

Jairus: Otor gusto mo tanggalan ko na ng hininga yang si Khalil. Nakakairita na eh.

Otor Popoy: Huwag. Magmamahalan pa kayo.

Jairus & Khalil: ...

Otor Popoy: Haha. Sa mga mambabasa at magbabasa pa lang, lubos din ang aking pasasalamat sa inyo. Kapag umuuwi ako galing sa'king trabaho ay agad kong binabasa ang inyong mga komento at talaga namang walang mapagsidlan ang aking kasiyahan...

Khalil: Para talaga kaming nagbabasa ng history book sa'yo Otor. Nosebleed kami eh!

Otor Popoy: Jai, sige gawin mo na.

Khalil: Joke lang Otor! Halos kakalabas ko lang sa story mawawala agad ako? Magagalit sa'yo fans namin. Sige tuloy mo na yung SONA mo.

Otor Popoy: Alam ko yung iba naninibago sa estilo ko sa pagsusulat. Yung iba gusto, yung iba hindi. Tulad ng sinabi ko, binabasa ko mga komento ninyo at mahalaga ang mga opinyon ninyo para sa'kin. Gusto kong sumagot sa mga tanong niyo pero di ko ginagawa kasi nahihiya talaga ko magpakilala. Haha.

Jairus: Look who's playing as the "shy type".

Otor Popoy: Nakilala niyo na yung mga original characters like Matteo and Julian. Nakilala niyo na rin sila Jairus at si Khalil. Alam ko marami kayong tanong tulad ng kung bakit sila Matty at Juju ang naghahandle ng Battle of the Gifteds makalipas ang mahabang panahon at kung saan ba talaga nanggaling ang kapangyarihan ni Jairus. Wag kayong mag-alala dahil malalaman niyo naman ang mga kasagutan sa mga susunod na kabanata.

Jairus: Hindi ko rin naman alam kung saan ko nakuha 'tong kakayahan ko.

Khalil: Magaling kayong mag-observe mga ka-gifted! Mapanuri, Mapag-matiyag, Mapangahas, Matanglawin!

Otor Popoy: Sa mga susunod na kabanata mas makikilala pa natin sila Jairus at Khalil. Syempre pati na rin sila Matty at Juju! Makikilala niyo na rin ang mga makakalaban nila, ang mga "Cursed" na may salungat na prinsipyo kumpara sa mga "Gifted". Sana ay makuha ko rin ang suporta na binibigay ninyo kay Author Niel at huwag kayong magsawa. Baguhan pa lamang ako at di ko talaga maiiwasan yung tinatawag nilang 'glitches' sa kwento. Pasensya na.

Jairus: Subukan nilang hindi ka suportahan Otor at ako mismo ang magtatanggal sa hininga nila (Evil laugh). 😈

Khalil: Alam mo Jai, you should make your character as lovable as possible. Wag mo silang tinatakot.

Jairus: Why? Lovable naman ako. In-love ka nga sa'kin, remember?

Julian: Tingnan mo sila Matty, ang sweet nila. #TheMoreYouHateTheMoreYouLove

Matteo: Asawa ko, mas sweet naman tayo kesa sa kanila hashtag just saying.

Julian: Ang competitive talaga ng asawa ko. Hahaha.

Matteo: Oo naman. Sa'yo lang naman ako handang magpatalo eh.

Otor Popoy: Tama na muna 'yan! Haha. Sige mga ka-gifted, hanggang dito na lamang! Salamat ulit!

Leo: Meow 😽

Jairus' CurseWhere stories live. Discover now