Chapter 08 : Going The Distance

7.6K 151 3
                                    

Lumipas ang taon pero walang kasal na naganap. Pero umaasa parin ang dalaga na pakakasalan din siya ng katipan balang araw. 

Mahal nila ang isat-isa at iyon ang mas mahalaga sa ngayon. Ang mga magagandang nangyari sa loob ng limang  taon nilang pagsasama ang nagpapatibay sa kanilang relasyon kahit wala pa silang anak.

Dahil ayaw pa ng binata na mabuntis siya hangga't hindi pa siya nakakapagtapos ng pag-aaral. Walang minuto o sigundo na hindi sila masaya. Hindi man perpekto ang simula nang kanilang naging relasyon matatawag niyang 'love for the reason.'

Pero ang lahat may katapusan...

"Hon, bakit ang tagal naman?" paglalambing pa niya sa nobyo. Habang nakaunan sa dibdib nito. Nasa may bed silang dalawa.

Hinahaplos naman ng binata ang malambot niyang buhok. Saka siya iniharap at tinitigan ang mga mata.

"Hon, listen to me okay? Pupunta ako doon para sa future natin at sa  magiging mga baby natin."

" Pero matagal parin ang isang buwan," na lalo pang yumakap dito. Mabigat ang loob niya sa pag-alis nito pakiramdam niya mawawala sa kanya ang lalaki ng tuloyan.

" Gusto ko na dito ka sa graduation ko. Para sa'yo ito eh. Your my inspiration sa pagkamit ng magagandang grades and recognition sa school. You made me more strong! Pero hon," napahikbi na siya.

"Maging ako man ay labis ang lungkot na wala ako sa pagtatapos mo. Pero may something pagbalik ko, kaya huwag ka nang umiyak. Mahal na mahal kita at iyon ang mas mahalaga, okay?" At niyakap  siya ng nobyo ng mahigpit at hinagkan pa ang noo niya. Pero lalo lamang lumakas ang iyak niya.

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

Halos ayaw ng bumitiw ng dalaga sa nobyo. Pakiramdam niya hindi na sila muling magkikita pa nito. Mahigpit siyang nakayakap dito habang lumuluha. Unang pagkakataon na lalayo ito sa kanya. Unang pagkakataon din na mangungolila siya dito ng subra. Mula ng magsama sila hindi na siya sanay matulog na hindi ito katabi. Sanay na siya sa init ng yakap nito.

"Tahan na hon, please I have to go." Si Linton na na pilit binabaklas ang mga kamay ng nobya. Na mahigpit na nakahawak sa kanya. Maging siya umiiyak narin. Pero kailangan na niyang pumasok dahil tinawag na ang pangalan niya bilang huling pasahero na hindi pa nakaka-pasok sa loob ng air crapt.

" Pero hon, ayaw kong umalis ka!" Anya. Luhaan parin ito sa mga sandaling iyon. Hindi alintana na pinagtitinginan na sila ng mga tao doon.

" I'm sorry, I love you hon bye," na halos tumakbo na at hindi na nagabalang lumingon dahil alam niyang hindi siya makakaalis kapag ginawa niya iyon. He hate to see her cry.

Napaluhod naman ang dalaga sa sementadong sahig. Hindi niya maipaliwanag kong bakit ganun na lamang siya ka-emotional samantalang papunta lamang ito ng US for the company.

Malungkot na bumalik sa town house nila ang dalaga. Mabuti nalang at dumating si Annie Rose Open na kaibigan niya. Dinalhan siya nito ng masarap na pagkain. Na subra naman niyang nagustohan.

" Huwag kang dramatic sis, teka alam na ba niyang buntis ka na ng isang buwan?"

"Nope, hindi ko muna sinabi. Pagbalik nalang niya para mas masaya."

" Kong sa bagay, mas mainam na may surpresa ka pagbalik niya.

" Oo nga, sana nga."

"Maiba ako, graduation muna pala in a couple of week?"

" Oo, punta ka huh? Ikaw lang ang inaasahan ko doon. Alam muna."

Ngumiti lang si Annie Rose sa kanya at kumain ng fruit salad na gawa niya.

SIXTEEN YEAR OLD MISTRESS(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon