Chapter 17: Engagement part two

8.7K 141 4
                                    

Sorry sa paghihintay, but here now. We're close to finally!

.
.
.

"What?" tanong ng dalaga na naguhulohan parin. Kunot noo parin ito pero hindi iyon nakabawas sa kanyang angking ganda.

" Sabi ko, kong papayag ka na muling makasama ako? With our son and my daughter also, ayaw mo na ba talaga sa akin? Iyong totoo? Sige ka magalit ang mga readers sa iyo, ikaw din?" Pangu-ngunsensya pa nito kay Diana.

"Puwedi ba Linton, tapos na tayo. As done. And about Migi...hindi ko naman aalisin sayo ang karapatan mo sa kanya bilang ama niya. I'm not selfish." Na sinabayan ng tayo. She crossed her arms. Umiral na naman ang pagiging pakipot niya. Hindi niya hahayaan na basta lang ito magsaya. So unfair.

Hinayaan muna siya ng binata alam na kasi nito ang ugali niya. Pag sinabing wala ang totoo niyan ay meron. That's how Diana Hakouz stubborn.

"Okay, but-"

"Just stop." She cut him. Hindi parin siya tumitingin sa kausap. Ayaw niyang mabasa nito ang damdamin niya. Malakas p naman ang pakiramdam nito.

Hindi umimik si Linton. Pinagmasdan lang niya ang nakatalikod na si Diana. Then smiled.

Biglang napalingon ang dalaga matapos marinig ang malayos na musika. Kong hindi siya nagkakamali paborito nilang dalawa ang awit na iyon. Dahan-dahan lang ang paglingon niya sa gawi ni Linton.

"Shall we?" sabay lahad sa kamay for dance. Mas lalong na appreciate ng dalaga ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. His perfect magnet smile na mahirap ayawan. Tila gayuma na mahirap panlabanan. Noon at ngayon alam na alam ni Linton Mauroe kong paano palambutin ang puso niya, her pusong mamon. Hindi niya maunawaan kong bakit hanggang ngayon ang lakas parin ng hatak ng atraksyon niya sa dating katipan. Wala man lang siyang madamang pagbabago sa dating pag-ibig niya para sa lalaki. Iyong bang parang kanina lang na kunyari nag-mall lang ito at bumalik kaagad.

Loyal ba talaga siya pagdating dito? I don't know why? Putcha plastik ka! Sigaw ng utak niya.

"Huh?" kunyari na tanong niya kahit ang totoo niyan gusto nang magtatalon sa subrang kilig. Pati ang dagundong ng puso niya'y lalong lumalakas. Para bagang may mga millions of fireflies doon na nagrarambulan. Mahirap pigilin kagaya parin ng dati.


"Sayaw tayo, puwedi?" muling paalala ng binata sa kanya. Saglit siyang napatanga at nakatitig lang sa preskong presko nitong mukha. Ang nangingislap nitong mga mata na alam niya para lang sa kanya.

"Okay then, shall we." Sabay abot sa kamay nito. Mahirap na baka magbago pa ang isip. At isa pa subrang lamig  kaya no choice kundi kumapit sa maiinit nitong mga bisig. Pabigla siyang hinapit nito sa bewang. Marahas, walang ingat pero nagustuhan ng katawang lupa niya. Nainis man siya kono pero nagpa-ubaya narin siya sa huli. Marahan silang umindak habang nakakapit ang dalawang braso niya sa batok nito. Sa bewang naman niya ang mga kamay ng binata. Magkahinang ang mga mata nila na kahit tikom man ang bawat labi nila'y kusang naguusap ang kanilang mga pusong uhaw sa pagtatagpong muli. Isang matatawag na pag-ibig na wagas. And there lips inch away from each other. Mahirap supilin ang damdaming humiyaw.

"Hey, stop staring...I'm already melted." He teasing her.

Namula tuloy siya sa tinuran nito." Baka tadyakan kita dyan eh." Bulong niya saka bumaba ang mga mata. Ayaw na niyang magsalita ang habog na ito baka nga tutohanin na niya ang banta.

Pumalibot sa mas mahigpit na paraan ang kamay nito sa bewang niya. Hindi na tuloy siya makahinga. At lalo lamang nadagdagan ang kabog ng puso niya matapos hagkan ni Linton ang ibabaw ng ulo niya. Parang nais niyang maiyak ng hindi maunawaan kong bakit. Basta masaya siya. Subra!

SIXTEEN YEAR OLD MISTRESS(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon