5. One Last Time by LIL_SIMPLE9

144 9 2
                                    

ONE LAST TIME
Song theme: One last time by Ariana Grande
Written by: Lil_Simple9

-

"Terrence... Please.. Give me a chance. Bumalik ka na sa'kin. Mahal na mahal kita."

"Pwede ba Tiffany! Lubayan mo na ako! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na may mahal na akong iba? At malapit na kaming magpakasal."

"No! Alam ko.. Alam kong mahal mo pa rin ako. Ramdam ko yun. Please, Terrence."

"Hindi mo ba naiintindihan na hindi na kita mahal?! May mahal na akong iba!"

"Hindi! Mahal po pa rin ako! T-Terrence mahal m-mo pa rin a-ako. Alam ko yun. Please.. Bumalik ka na sa'kin. Pleas----."

"Pucha! Bakit ba parang mas marunong ka pa kesa sa nararamdaman ko?! F*ck! Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Umalis ka na. At huwag ka nang magpapakita pa muli." at pinatakbo niya ng mabilis ang motor niya palayo.

B-Bakit? Bakit naging ganito?

Napaupo ako sa sahig habang umiiyak. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga dumaan.

Terrence.. Mahal na mahal kita. Ang akala ko mas magiging maayos kung lalayo ako sa'yo. Pero bakit? Bakit hindi mo ako hinintay.

Naramdaman kong may yumakap sa'kin mula sa likod.

"Bes. Tama na. Umuwi na tayo. Halika na."

Si Jana. Ang bestfriend ko. Ang nag-iisa kong kaibigan. Pero...

Ang sakit lang isipin na siya na ngayon ang mahal ng lalaking mahal na mahal ko. Ang sakit sakit.

Hindi ko namalayan na hila-hila niya na ako.

"Saan mo'ko dadalhin? Iwan mo na ako. Gusto kong mapag-isa." sabi ko habang pilit kong inaalis yung kamay ko sa pagkakahawak niya. Pero mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa'kin.

Dinala niya ako sa kotse niya. At pinasok niya ako dun.

Habang nasa biyahe, walang nagsasalita. Walang umiimik. Hindi ko rin magawang makapagsalita kasi napakaseryoso ng mukha niya. Kilala ko siya. Kapag seryoso ang mukha niya ayaw niya ng maingay.

Huminto ang sasakyan. Tumingin ako sa labas ng kotse. At nakita kong nasa bar nila kami.

Magsasalita sana ako pero pagtingin ko sa pwesto niya, wala na siya. Bumalik ang tingin ko sa labas at nakita ko siyang papasok na sa loob ng bar nila.

Dali dali naman akong lumabas at sinundan siya. Pagpasok ko, tinanong ko yung isang bouncer kung nasaan si Jana. Sinabi niya naman na pumunta nalang daw ako papunta sa VIP room. Pinapasok naman agad ako kasi kilala na ata nila ako.

Pagpasok ko, andun si Jana. Nakaupo na siya. At nakita kong punong puno ng alak ang mesa.

"Baki----"

"Umupo ka na dito." pagputol niya sa sinasabi ko.

"Ano ba! Huwag na nga tayong maglokohan! Bakit? Bakit mo'ko dinala dito? Dahil ba kay Terrence?" seryosong tanong ko sa kanya.

Imbes na sagutin niya ako, tumayo siya at hinila ako patungo sa upuan. At umupo siya sa tabi ko.

"Jana! Wala akong oras para makipaglokohan sayo, ha? Uuwi n---"

"Chill ka nga muna. Ang init ng ulo mo eh! Eh kanina iiyak iyak ka sa tabi ng kalsada tapos ngayon masyadong maiinit ulo mo! Bipolar lang, Tiffany?" sabi niya at tinungga yung isang bote ng alak.

RMBS BC Ft. ONE SHOT STORIES COMPILATIONWhere stories live. Discover now