3. All or Nothing by Aaaoii

81 8 17
                                    

Title: All or Nothing
Song Theme: All or Nothing by O-Town
Written by: Aaaoii

"Hey. I'm going to Canada." I said. Waiting for her to response over the phone.
"R-really? Iiwan mo na talaga ako?" I can clearly hear her voice almost broke. Halatang pinipigilan lang ang pag-iyak. Bigla namang kumirot ang puso ko. I know she's hurt right now.

"Yung sinabi ko sa'yo, pinag-isipan mo na ba?" She stays silent for a minute. And by that time, I already know what her answer is.
Natawa ako sa sarili ko. For how many times I asked her, it's always the same answer. But now, I'm still hoping to get a different answer. But I guess, I failed. Sa ginagawa kong to, parang tinuturtore ko lang ang sarili ko. It really hurts.

"Crystal.." Kasabay ng pagpikit ko ay tumulo rin ang luha ko. Masakit na nakikita syang nasasaktan pero mas masakit pala itong katangahan ko. I pity her. Honestly, I don't want to leave her because I know I am the only one stays by her side when she's at her worst. Everyone despised her. Her own brothers hated her. She's broken.

"Tyler, iiwan mo rin ba ako gaya ng pang-iiwan nila sa akin? Sobrang sakit na kasi eh. Hindi ko na kakayanin ang mawala ka pa." Kinuyom ko ang kamao ko habang pinipigilan ang luha kong ayaw tumigil sa pagtulo.

"Ikaw lang ang unang taong umintindi sa akin. Ikaw lang ang tumanggap sa ugali kong hindi ma-explain. Ayokong mawala ka, Tyler. Gusto kong manatili ka sa tabi ko pero hindi sa paraang gusto mo. Tyler, mahal kita bilang kaibigan. Please stay.." Umiiyak na sabi nya.

Para namang pinipiga ang puso ko sa sinabi nya. Kaibigan? All this time, kaibigan lang pala? I stayed by her side for two years pero KAIBIGAN lang?! Putcha! Ang sakit.

Sa loob ng dalawang taon, ako lang pala ang nagmahal sa aming dalawa. Ako lang pala ang nagmukhang tanga. Kaya pala sa tuwing tinatanong ko sya, iniiwasan nya ito. Akala ko hindi pa sya ready magmahal ulit.

"Crystal.. Sa tingin mo kaya ko pang manatili sa tabi mo kung masasaktan lang naman ako? Oo magiging maayos ka, pero ako? Hindi mo ba naisip ang bagay na iyan? Kahit kailan ba naisip mo man lang ako?" Umiiyak lang sya sa kabilang linya.

Ganun din ako. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Sobrang sakit na at gusto ko itong ilabas lahat ngayon dahil ayokong magdala ng hinanakit pagpunta ko roon sa Canada.
"Dalawang taon akong nanatili sa tabi mo, Crystal. Last year pa sana ako dapat pupuntang Canada pero ayaw kong iwan ka. Dahil mahal kita at ayaw kong masaktan ka sa pag-alis ko. Pinili kita kaysa sa pamilya ko. P-pero ngayon, sobrang sakit na kasi.." I paused for seconds. Hindi na kasi ako makahinga sa sunud-sunod na hikbing pinakawalan ko.

"Sa sobrang sakit na ng nararamdaman ko ay namamanhid na ang puso ko. Lalo na nang malaman kong, sa loob ng mahabang panahon ay kaibigan lang pala ang turing mo sa akin.." dugtong ko.

"Tyler, I'm sorry. I don't know.."
"Umasa ako Crystal. Umaasa ako sa'yo, pero habang ginagawa ko iyon ay umaasa ka pa rin pala kay Luke." Lalo syang umiyak sa sinabi ko. Confirmed. She still love her ex-boyfriend.

"Hindi ko kayang iwan ka pero kailangan kong palayain ka. Gusto mo nga akong manatili sa'yo pero iba naman ang lalaking gusto mo. Sobrang sakit, Crystal. Sobrang sakit, parang dinudurog ang puso ko."

"I'm sorry, Tyler. Kung pwede ko lang sanang diktahan ang puso kong sana ikaw nalang ang mahalin nya ay di ko magawa. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung pinaasa kita. Sorry sa lahat-lahat Tyler. Sana mapatawad mo pa ako. Alam kong ang tanga-tanga ko kung bakit si Luke pa ang minahal ko.
Si Luke na niloko at pinaglaruan lang ako. Si Luke na sinaktan at iniwan lang ako. I'm really sorry, Tyler. Siguro nga hindi na kita dapat pigilan pa kasi sa loob ng dalawang taon, ako lang ang iniisip mo lage. Sorry kung hindi kita naisip. Sorry kung naging selfish ako. Hindi ako magsasawang humingi ng sorry sa'yo kasi sobra-sobra ang sakit na dala ko sa'yo. Sana lang ay mag-iingat ka roon at sana ay mahanap mo na ang babaeng magpapasaya at pasasayahin mo. Mahal kita Tyler."

RMBS BC Ft. ONE SHOT STORIES COMPILATIONWhere stories live. Discover now