Part I

16 0 0
                                    

"Pagod na pagod na ako," 'yan ang sinabi niya sa akin bago niya ako tuluyang iwan.

Saturday morning...

*nagriring ang cellphone ko*

"Gwen! Ang ingay ng phone mo! Patayin mo na 'yan!" Sigaw ng kapatid ko sa kabilang kwarto.

Wala ako sa mood gumalaw. Nakakatamad. Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto. Ang ganda pala ng kulay ng kwarto ko.

"Gwen!" Sigaw ulit ni ate.

Dali dali ko nang kinuha ang cellphone ko. Ang ganda kaya ng tugtog, kanta ng Alesana.

"Hello, 'wag ka mag good morning. Walang maganda sa umaga lalo na't iniwan nako ni Hans."

"Good morning PwetBuddy!!!!! Seven months na nakalipas bakit di ka pa rin nakakamove on?" Sigaw ng bestfriend ko sa kabilang linya.

"Ang ingay mo! Nakamove on nako. Charot."

"Engot. Alam kong hindi. Hayaan mo marami naman 'yong libag."

"Kapal. Kala mo siya wala."

"Ang puti ko oh. Halata mo namang wala masyado."

"Edi okay. Ano bang meron at nambubulabog ka?"

"Samahan mo'ko. Huhu"

"Saan?"

"Sa mall. Bibili akong regalo para sa Christmas party namin."

"Ay ganun? May utang ka pa ngang regalo sa'kin nung debut ko!"

"Saka na 'yon! Wala akong pera. Nalaglag P2500 ko sa Tagaytay kahapon."

"Nagpunta ka ng Tagaytay kahapon? Ang layo layo ng na ng nararating mo! Iba ka na!"

"Sumama lang ako sa kalandian mo."

"Kalandian? Kanina? Kay Zacharie?"

"Oo. Hahaha saya nga ee ang daming chicks."

"Ew. Sige na matutulog pa ako."

Tuluyan ko na siyang pinatayan. Alam ko na rin naman na susunduin niya ako rito.

"Gwen!" Sigaw ni Mama.

"Ano po ba!?" Sagot ko.

"Nandito si Jeremy!"

"Leche Ma! Pakisabi lumayas muna siya."

Si Jeremy nga pala yung bestfriend ko and yes lalaki siya. Bestfriend ko na siya since first year high school and Aeronotics Engineering ang course niya. Ako naman Nursing. Siempre magkaiba na kami ng school pero lagi pa rin kaming magkatext at magkachat and wala kaming something duhhhh!!!

Bumangon ako pero sa hindi inaasahang pangyayari...

"Gwen!" Sigaw ni Jeremy sabay bukas ng pinto.

"Ay putangina!" Sigaw ko.

Fuck. Wala akong bra.

"Fuck you lumabas ka!" Sabay takip ng kumot sa dibdib

"Ano ba 'yan Gwen wala ka namang boobs, tinatago mo pa 'yan."

Ang kapal ng mukha nito aa.

"Hoy FYI bumili na'ko ng tunay na bra hindi na baby bra."

"Alam mo sa lahat ng babae ikaw lang 'yong walang nakuha."

"Anong walang nakuha?"

"Wala kang pwet, wala ka pang dede, paano ka na?"

"Alam mo ang gwapo mo."

I'm So Lucky I'm Not In Love With My Best Friend (Baka Nga)Where stories live. Discover now