Part II

3 0 0
                                    

Tangina Gwen late ka na! Naaamoy ko na simoy ng make up duty. Jusko jusko. Pera na naman ito.

Naisipan kong tawagan si Alicia para alamin kung late na ba talaga ako.

"Alicia!!!!!"

"Uy bakit Gwen?"

"Tangina malalate ako!"

"Okay lang. Wala pa ang mga Prof."

"Salamat. Nasa bahay pako."

"Bilisan mo, maghahanap pa tayo ng buntis."

Pwede bang kusa nang lumapit ang mga buntis sa amin? Kung hindi lang dahil sa Nursing Care Plan hindi ako magpapakahirap na maggala sa buong community. Nangangayayat na kaya ako duhhh.

Halos naka one hour na ang byahe, traffic pa rito.

Naglalakad ako papasok ng campus na nakaearphones nang...

Some boys take a beautiful girl and hide her away from the rest of the world. 🎶

"Hoy abnormal."

Nagulat ako nang may biglang sumundot sa bewang ko.

Tinanggal ko bigla ang suot kong earphones

"Wala ka talagang magawa Chris!"

"Paharang harang ka kasi sa daan."

Nanginginit na ang dugo ko. Kung alam niya kung gaano ako kabwiset sa mukha niya.

"Bakit ba ang taray mo sa'kin? Kilalanin mo naman muna ako."

"Kilala kita."

"Oh? Ee ba't ka ganyan."

"Ang itim kasi ng budhi mo kasing itim ng tuhod mo."

Pagkatapos kong sabihin 'yon, sinuot kong muli ang earphones ko at naglakad papasok ng building namin. Hindi na ako tumingin sa dinadaan ko kaya nadapa ako sa may hagdan.

Kakainis!

"Oh! Sabi ko na. Abnormal ka talaga. Hahahaha"

Pinulot niya lahat ng dala ko at...

"Ano ba 'yan!" Sigaw ng professor ko.

Nauntog ako sa pwet ng prof ko. May narinig akong nagtatawanan. Hala mga forth year.

"Ms. Reyes, ano bang ginagawa mo diyan." Tanong ng prof ko habang halatang medyo bwiset.

"Ah eh... Ma'am..."

Ano ba kasing sasabihin ko?

"Ma'am Chavez, sorry natalisod kasi siya sa paa ko." Singit ni Chris.

Ano may utang na loob pa ako sa'yo?

"Ohhh kayo na namang dalawa ang nagkakasakitan? Sinabi ko na dibang huwag kayong magsama?"

"Ma'am, nakasalubong ko nga lang 'to." Sagot ko.

"Oh siya sige at tumakbo na kayo, maiiwan kayo ng service papunta sa community."

Halos mag-unahan na kami ni Chris papunta sa service. Pawis na pawis na ako but still looks fabulous tapos ang panget niya pa rin.

"Leche Chris ang panget mo talaga."

"Kala mo naman ikinaganda mo 'yan. Isa lang naman maganda sa'yo. Ay hindi pala maganda, cute lang."

"Ay may cute?  Ano yon?" *sarcastic tone*

"'Yang mga taba mo, mukhang baby."

"At least meron!"

Nakatingin sa'kin si Chris, hindi niya napansin na may mababangga na siya.

"Putangina!" Sigaw ni Chris

Ay ang lutong. Wooo sarap! Ganda ng pagkakabangga ee magkapatong na nalaglag. Slowmo pa sila sa eyesight ko. Pahingi pong popcorn, ang saya tingnan.

"Hi Fafa Chris."

Wow habulin... ng bakla. Hashtag Espadahan 101.

Dali daling tumayo si Chris.

"Umayos ka aa."

"Ang hard mo naman Chris." Hinawakan ng bakla ang dibdib ni Chris.

"'Wag mo nga akong hawakan!"

Omygahd, this is so great kahit na malate ako di ko to palalagpasin. Woooooo

Umalis na ang bakla. Ang sad.

"Hi Fafa Chris." Ginagaya ko 'yong bakla.

"Alam mo, bagay sa'yo 'yan."

"Eto ba? Ang tigas mo." Hinawakan ko rin ang dibdib niya na parang nang-se-seduce.

Para siyang naging estatwa. Hahahha

Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko,  naramdaman kong medyo dumikit ang labi niya sa auricle ko at bumulong.

"Mukha kang bakla"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 26, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm So Lucky I'm Not In Love With My Best Friend (Baka Nga)Where stories live. Discover now