2

58.2K 964 6
                                    

KABANATA 2

"Yaa!" Sigaw ni Bella sa kabayo nitong si Victoria.

Tumalon ang kabayo sa isang lampas tuhod na kahoy na nakabalandra doon. Ito ang lugar kung saan siya malimit maginsayo. Dito rin kalimitang dinadala ni Carmella ang mga kaibigan nito mula sa Maynila. May mga pumapasyal rin dito mula sa iba't ibang bayan. Kilala ang lugar na ito sa buong Magdalena. Kaya naman ng marinig niya ang tungkol sa mga Montero na nasa dulong bahagi ng lupain nila ay hindi niya akalaing hindi pala sa kanila ang bahaging iyon.

"You're really good equestrian ever!" Pukaw ni Ynah ng makababa ito sa kabayo.

"You also need to learn, Ynah!" Bawi ni Bella sa kaibigan.

"No, thanks." She rolled her eyes.

Tumawa si Bella, "Why?" Sagot nito, "Is there something wrong? Sasakay ka lang naman sa kabayo ah,"

"Wala naman. Pero ayoko pang mamatay." Bulyaw nito at tumawa ng malakas.

"Bad words, My dear. Wala pa naman akong nababalitaan na namatay dahil sa pagsakay sa kabayo, unless nasa kareka ka at aksidenteng nauntog," Ngumiti si Bella sa kaibigan.

"Kumusta si ate Carmella?" Pagiiba nito sa kaibigan. Nabalitaan rin ni Ynah ang nangyari kay Carmella kaya naman hindi niya maiwasang hindi tanungin ang kalagayan nito.

"She's out of town, vacation. Mas mabuti na iyong wala siya dito para hindi niya maisip si Bruno." Sagot nito habang naglalakad papasok ng veranda.

"That's good to know. Sana naman ay maging mabuti na siya." Masayang tugon ni Ynah.

Si Ynah ay bestfriend ni Bella. Anak ng kasambahay nila na pinag-aral ng mga magulang ni Bella. Bata pa lamang si Bella ng makilala niya si Ynah. Lahat ng kalokohan at mga sekreto ni Bella ay si Ynah lamang ang tanging nakakaalam. Naging mas malapit pa sila dahil hindi nagkakalayo ang kanilang mga edad. Ganoon niya pagkatiwalaan si Ynah. Hindi man sila pareho ng hilig— Si Bella, umiikot ang mundo nito sa iba't ibang uri ng mga kabayo, mga kilalang rancho, at ang business nito sa lungsod, habang si Ynah naman ay nagaaral parin hanggang ngayon para maging isang doctor.

"Anong plano?" Ngumiti si Ynah kay Bella. Nahulaan naman nito agad ang kahulugan ng mga ngiting iyon.

"I'm just thinking kung itutuloy ko pa or what? Busy kasi ako this past few days at nawala sa isip ko iyon," Bumaling ito sa kaibigan ng makaupo sila.

"Mabuti pa nga'y huwag na lamang. Mamaya'y mahuli ka pa! Malilintikan ka sa Daddy mo." Tumawa ito ng malakas.

"No, I know what I'm doing, Ynah. That Montero Ranch... ewan ko ba! Iba ang kutob ko sa Rancho na iyan. You know what I mean. Mas maraming kilalang tao na mula pa sa iba't ibang lugar ang bumibisita sa rancho nila para lang mag-Polo, like 'WOW'!" Bumaling ito sa kaibigan.

"Yeah, nagukat din ako na may Polo Sport sa rancho nila. Pero Bella, walang sino man ang nakakapasok doon. Maliban nalang kung isa kang Montero, o baka kaibigan? Kamag-anak?" Paalala ng kaibigan bago humalukipkip.

"But I'm Aragon." Kinindatan siya nito bago biglang tumayo.

"Yes. Pero minsan huwag mong gamitin yang kakulitan at pagiging pasaway mo. Baka yan ang ikapahamak mo." Sagot naman nito na hindi tumitingin sa dako ni Bella.

The Trespasser (Completed)Where stories live. Discover now