Chapter 19 : Revelation

43.4K 1K 21
                                    

N o t e : Maikli lamang po ang update ko today. Ayoko muna pong samahan ito ng ibang kaganapan. So, ito muna po para marefresh sa utak ninyo yung katutuhanan sa pagitan ng Aragon at Montero. Enjoy po! Sana ay tuloy tuloy ang pagboto. Maraming Salamat Po!

~~

Tahimik at tanging huni lamang ng mga kuliglig ang maririnig ng gabing iyun. Nakadungaw sa bintana si Bella at nakatingin sa mga bituin.

"Anak..."

"Ma?" Nagulat ito. "Bakit hindi pa kayo natutulog?"

"Hindi kasi ako dalawin ng antok." Ngumiti ito at lumapit sa kanya ng marahan sapagkat napansin niyang mahimbing na ang tulog ng apo kaya't minabuti niyang maging marahan sa paglalakad.

"Lalo lamang kayong hindi makakatulog kung pipilitin ninyo ang sarili nyo na hindi." Ngumiti si Bella sa ina.

"Anak..." Huminga muna ito at muling nagsalita, "nagkita na ba kayo?"

Awtomatikong tumaas ang kilay niya, "yes ma! Sa party kagabi..."

"Nag-usap na ba kayo about kay Nicole?"

"Ma, heto na naman tayo."

"Anak, ayoko namang lumaki si Nicole na walang ama."

"Mama, listen. Hindi na kailangan ni Nicole ng ama. Ako, si Ate at ikaw ay sobra pa. Kaya, Ma! Please! Huwag na nating pag-usapan pa ang bangungot ng nakaraan. Isa pa'y sinabi ko na si Tanner ang ama ng anak ko."

Nagulat si Mariel, "hindi mo dapat ginawa yun, anak."

"Ma, makinig kang mabuti, ito na ang huling paguusap natin tungkol sa anak ko at sa ama nya, hindi na magbabago ang isip ko, Ma. Ayoko ng mabuhay na puno ng takot at kahihiyaan. Kaya, please ma! Bilang ina ko, tama na." Mahina iyun ngunit ang bawat kataga ay may diin.

Hinawakan ni Mariel ang kamay ng anak, "anak, maling mali."

"Ma, bakit parang naging mabait ka kay Nicollo? Na parang pinagtutulukan mo pa akong kausapin sya?" Naguguluhan ito.

"Anak, makinig ka sa akin." Panimula ng kanyang ina, "malaki ang kasalanan ng pamilya natin sa mga Montero."

"Ma, ano bang sinasabi mo? Hindi ba't nabaliw si Ate dahil sa kasalanang hindi naman nito ginawa..."

"Anak..." Mahinang sabi ng ina, "totoong namatay si Angela dahil sa kapabayaan ng Ate mo..." Napayuko ang Ina, "dahil sa mahirap lamang sila'y binili ng Daddy mo ang katutuhanan. Ngunit, nariyan ang mga Montero na handang tulungan si Angela dahil kasintahan ito ni Nicollo."

"Ma, aksidente ang nangyari, yun ang totoo!" Ani Bella na hindi makapaniwala sa mga sinasabi ng Ina.

"Pero anak, hindi aksidente ang pagkakakulong ni Nicollo noong mga panahon na ginipit ng iyong ama ang mga Montero."

"Ano bang sinasabi mo, Mama?"

"Makinig ka..." Tumingin ito ng deretso sa mga mata ng ina, "malaki ang inggit ng Daddy mo sa mga Montero noon, dahil mas kilala sila sa baryong ito dahil sa kagandahan ng Polo kaya'y ninais ni Garry na bilhin ito. Ngunit nauwi sa away ang lahat. Gumawa ng paraan ang Daddy mo upang masira ang Polo sa mga tao at yun ang dahilan kung bakit nakulong si Nicollo noon." Huminga ng malalim si Mariel, "kinausap ni Garry si Nicollo na kung hindi nila iuurong ang kaso laban sa Ate mo ay bibilihin niya ang Polo sa ayaw man nila o sa gusto. Kaya't tumahimik ang kaso sa pagkamatay ni Angela at nabaon sa limot. Ngunit, dala ng inggit ng iyong ama ay kinausap nito ang matandang Don, ang ama ng mga Montero. Hindi naman pumayag ang mga Montero dahil ang Polo lamang ang kinabubuhay nila. Dumating ang araw ng sumugod dito ang anak nitong bunso, si Nicollo. Nag-away sila ng Daddy mo hanggang sa napagbuhatan ni Nicollo ng kamay ang iyong ama't nauwi iyon sa demandaham at makulong ito dahil sa walang pangpiyansa ay isinanla nila ang Polo. Nang matubos nila ang polo at nakalabas si Nicollo sa kulungan ay nasira sa mga tao ang makasaysayang pasyalan." Lumuha ang mga mata ni Mariel habang hindi makapaniwala si Bella sa mga sinasabi nito.

"Ma, bakit ngayon mo lamang ito sinabi sa akin?"

"Dahil wala akong karapatan na suwayin ang iyong ama."

"Mama?"

"Ni minsan ay hindi ako minahal ni Garry, Bella."

"Ma..."

"Nabuntis lamang niya ako nung mga panahong ang kasintahan niya ay si Beatris, ang ina nila Nicollo at Lucas Montero."

"Diyos ko."

"Anak, malaki ang kasalan ko sainyo ng ate mo..." Humagulhol ito sa pag-iyak. "Nang araw na umalis ka'y dumating dito si Nicollo. Nagmamakaawa na gusto kang makausap. Araw araw ay narito sya. Nagbabakasakali na bumalik ka. Sa awa ko'y tinulungan ko siya." Pinahid ang luha, "nang araw na manganak ka ay naroon siya, nakatanaw sa malayo." Doo'y tumulo ang luha ni Bella na kanina pa niyang pinipigil.

"Hindi yan totoo, Mama!"

"Humihingi ako ng tawad anak. Sa lahat ng kasalanan ko at ng iyong ama."

Yumapos si Bella sa ina, "Mama..."

"Hindi pa huli ang lahat. Kausapin mo si Nicollo at ipakilala mo ang anak mo sa kanyang ama."

"Pero, Ma..."

"Yun ang tama anak." Humawak ito sa kamay ng ina bago nagpaalam sa anak na lalabas na ng kanyang silid. Naiwang puno ng katanungan ang isip ni Bella.

Nasa Italy siya ng manganak ako kay Nicole? Pero bakit siya naroroon? Gayong ni minsan ay hindi niya ako minahal. Ika ni Bella sa kanyang isip habang masaganang tumutulo ang luha.

The Trespasser (Completed)Where stories live. Discover now