14.

1.1K 35 0
                                    


"Iha anak,pagpasensiyahan mo na si mommy ha!Siguro'y kung hindi ako nagkaganito ay-"

"Mommy it's not your fault.Huwag na huwag ninyong sisisihin ang sarili niyo.Marami po akong naging pagkukulang sa inyo kaya nararapat po akong bumawi."

Hinalikan niya ito sa noo habang nakaupo ito sa weelchair.
Pinigil niya ito sa sasabihin alam niya kasing sisisihin nanaman nito ang sarili.

"Kailangan mo pa tuloy maging pamilyar sa ginagalawan mo ngayon.Kung may aasahan lang sana akong iba hindi sana-"

"Mommy'Its ok.Ok lang po ako,atleast marami akong matutunan sa negosyo ng pamilya na dati ay hindi ko napapansin.Natutuwa nga po ako eh.Dont you worry mom' its ok.Look at me now."
Nakangiti niyang sabi rito.

At napangiti naman niya ito.

Ilang linggo narin kasi na siya ang namamahala sa kanilang Patooties na siya ring negosyo ng tita Luisa.Sosyo kasi ang dalawa sa malaking kumpanya na iyon ng hindi lang mga damit ng bata kundi mga gamit din ng mga bata.Isa iyon sa sister company ng All About Infant ng tita Luisa.

Totoo naman talaga na nalilibang siya sa negosyo na iyon.Doon niya kasi nakikita kung paano gawin ang mga gamit pang bata.Mula sa mga carrier,play pen,mga damit sapatos at iba pa.Nakakatuwa ang pagtimpla ng ibat ibang pangkulay na inihahalo sa lahat ng produkto.Para siyang nasa mundo ng mga macu cute na mga bagay.
Kaya sagana sila noon sa mga gamit at mga laruan noong mga baby pa sila.

Nagpaalam na siya upang pumasok sa opisina.Gusto niyang matawa o di kaya ay manghinayang.Hindi niya inaasahan na sa kabila ng pag ayaw niya rito ay doon parin siya ilalagay.
Hindi niya rin alam kung kailan siya doon.Hindi naman niya matanong ang ama tungkol doon.Dalangin nalang niya ay gumaling na ng tuluyan ang ina bago sumapit ang isang taon.

Pagpasok niya sa trabaho ay patuloy parin siyang inaasistihan ng kanilang production staff at lahat ng mga pinagkakatiwalaan ng kanyang mommy upang mafamiliarized siya sa production at maturuan siya ng kanyang dapat gawin.Sa totoo lang ay madali niyang magamay ang nasabing trabaho.Bukod kasi sa hands on ang trabaho ay mukhang may namana naman siya sa ina.Kung baga,kahit hindi niya napag aralan ang pagpapatakbo ng ganitong business ay parang kusang natututo ang kanyang isip at mga kamay para rito.

Nasa molding siya ng namataan niya ang isang pamilyar na bulto na paparating.
Isang lalaking naka polong black at naka slacks ang papalapit.Executive style ang gupit nito at mukhang bagong paligo lagi.

"I-Ikaw pala Quiel!"
Kahit na hindi niya itinanong rito kung bakit ito naroroon ay kusa itong nagsalita.

"I guess hindi pa nasabi sayo ni tita?"

"Ang alin?"
Nagtataka niyang tanong dito.

" I'm here to help you for tita ."
Maiksing paliwanag nito.

"Ganon ba?"

Tumingin lang ito at hindi siya sinagot.

"Sino ang namamahala sa iniwan mo?"

"Stop worrying.Bago pa ako nagpasya ay inayos ko na ang lahat."

"S-Salamat."
Kimi niyang sabi rito.

"Lets have lunch first."

Nagtataka siyang napatingin sa pambisig na relos.Hindi niya napuna ang bilis ng oras na lumipas.
Hinawakan siya sa braso nito bago pa siya nakapagsalita.

Habang kumakain ay ilang na ilang siya sa mga titig nito.
Lalo pa ng lagyan siya nito ng iba pang ulam na naroon sa pinggan.
Kasabay ng pagkagulat niya ng hawakan siya nito sa malapit sa sulok ng kanyang labi.

SISTER  NOAHWhere stories live. Discover now