~Raine~

~After 5 hours~

~Nasa Pampanga~

Nasa Pampanga na kami ni Arni at nabigla siya sa napansin niya.

"Not bad." Sabi ni Arni.

"Yup, solo natin yung bahay, hanggang sa umalis tayo." Sabi ko.

"Ayoko ng bumalik sa Manila. Dito na lang tayo, forever."

"Sana nga, pero bahala na si God. He can take care of us while we're here."

"Amen!" Napangiti ako sa kanya at hinawakan ko yung kamay niya at pumasok na kami sa loob ng bahay. Isang maliit na bahay, parang bakasyunan lang siya. Mayroong 3 bedroom, 2 bathroom, kitchen and a living room. Bungalow style lang siya.

"There's enough food and supplies for the both of us."

"May signal dito?" Sabi niya.

"Meron naman, sino tatawagan mo?"

"Yung mga secretary ko, sasabihin ko lang na wala muna akong clinic hanggang next month."

"Okie.. Tawagan mo na yung mga secretary mo at magbibihis lang ako ng damit. Ihanda ko na rin yung mga pwede mong gamitin ngayong gabi."

"Sige, thank you." Pumunta na ako sa kwarto at tumingin muna ako ng pwedeng damit ni Arni at may nakita akong damit na nakatago lang dito sa bahay. Kinuha ko na yun at nilagay lang sa kama. Nagpalit na ako ng damit. After kong magpalit, lumabas na ako at nakita kong tinanggal ni Arni yung jacket niya at nakaupo lang siya sa couch, nakapatong yung paa niya sa may tuhod niya at naka wide open yung arms niya sa may couch at tinitignan niya lang yung paligid. At nag-land yung eyes niya sakin at naka-arms crossed lang ako at nakasandal sa gilid ng pinto at nakangiti lang sa kanya.

"Hungry?" Sabi ko.

"Ikaw?"

"Sobra." Agad kaming nagtawanan at tumayo na siya at pumunta na kaming dalawa sa kitchen at tumingin ako sa refrigerator at may konting laman na pang dinner.

"Gusto mo bang mag Bake Mac ako at Buffalo Wing? Pwede na ba yun sa dinner natin or baka(tumingin ako sa relo ko at 2:00 am na) maybe breakfast natin?" Nag shrugged ako ng shoulders at ngumiti lang siya.

"Pwede na yan. Basta kung ano yung makayanan ng food natin. Pero nandyan yung complete ingredients ng food?" Sabi ni Arni habang nagtataka.

"Don't worry, I'll be your chef for today."

"You need help?" Sabi ni Arni.

"Hindi mo ba alam na graduate ako ng Business at Culinary Arts?"

"Galing naman ng baby ko!" Nabigla ako sa sinabi ni Arni.

"Ahh--thanks, baby." Tumingin ako sa kanya at lumapit siya sakin. Hinawakan niya yung pisngi ko at hinalikan niya yung labi ko. Nag-e-exchange lang kami ng kisses ng maalala ko na magluluto pa pala ako. Binreak ko yung kiss.

"Mr. Magdamo, magluluto pa ako ng pagkain nating dalawa. Hindi tayo mabubusog kung puro halik lang ang pinagkakaabalahan natin."

"Well, Ms. Quizon, mabilis akong mabusog sa mga labi mo." Pinalo ko yung dibdib niya at nagtawanan lang kami. Pinakawalan niya naman ako at umupo lang siya sa chair na katabi sa counter at nakikipag-usap lang sakin.

~After kong magluto~

Nasa table na kami at nakain at nag-uusap din.

"Bat nabanggit mo yung word na 'baby' kanina?" Sabi ko.

"I mean it Raine. I love you and you are my only girl." Sinabi niya at napatingin lang ako sa kanya. Bigla niyang hinawakan yung kamay ko at bumabalik na yung feelings ko kay Arni ng buong buong.

Our love story *DISCONTINUEDWhere stories live. Discover now