Mahal ko O Mahal ako: Short Spoken Word Poetry

716 16 3
                                    

Kung papipiliin ako..

Mahal ko o Mahal ako..

Mas pipiliin ko pa rin ang taong mahal ko..

Kahit na may mahal na din siyang iba..

Kasi ayokong mag maang-maangan na kasama ko ang taong mahal ako pero ang nasa isip ko ay ang taong mahal ko..

Minsan namang sumagi sa aking isip na subukang mahalin ang taong mahal ako..

Subukan. Para kahit papaano hindi ako magiisip na paano kung siya na lang pala ang pinili ko?

Naiisip din kaya ito ng taong mahal ko?

Wala kaming pinagkaiba ng taong mahal ako..

Ayokong matulad sa akin ang taong mahal ko na umaasang sana mahalin din ako ng taong mahal ko..

Kaya papalayain ko na lang siya sa kadena ng pag-ibig na bumabalot ng hinanakit..

Papalayain ko na lang din ang taong mahal ko..

Dahil baka nahihirapan na din siya sa sitwasyon..

Kung papipiliin siya na kung mahal niya o mahal siya..

Ako na ang magpaparaya..

Papalayain ko na ang sarili ko sa kadena ng pag-ibig na bumabalot ng hinanakit...

Dahil kahit papano karapat-dapat din akong maging masaya..

At maging malaya..

Sa sitwasyon kung saan..

Mamimili ka kung

Mahal mo o mahal ka...

Mga Hugot At Patama ni Aling KitayWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu