Short Story: Christmas Party

638 13 3
                                    

A/N: Sinasabi ko lang po. Sa nga kakilala kong readers! Walang malisya ha! Galing lang ito sa isip ko. Inuulit ko, GALING SA ISIP!

-------
Alishia's POV
Ready na akong pumasok sa school para sa christmas party namin.

Hindi ako excited pero hindi din kinakabahan.

Naglakad lang ako papunta sa sakayan ng tricycle at sumakay na papunta sa school

Pagkarating ko ng school nakasabay ko ang kaibigan kong si Angela papasok

Pagkarating namin sa room, agad akong binati ng mga kaklase ko, pero hindi sa paraang iniisip niyo. Tinawag nila ako sa pangalan ng principal namin dahil parang daw akong yung principal namin kapag nag-dress

Nagtawanan kaming mga magbestfriend at binati ang isa't-isa.

Kilala akong bilang maligalig at makulit pero seryoso pagdating sa seryosong sitwasyon. Madalas din akong mataray at maldita

Nang umupo na ako sa upuan katabi ang iba kong mga kaibigan, tumahimik muna ako

May malakas kaming speaker na pinapatugtog. Pinapakinggan ko ang music ng biglang bumukas ng malakas ang pinto

Balak ba nilang sirain ang pinto?!

Nakita ko ang kinabubuwisitan ko na biglang sumayaw pagkapasok ng room

Mukhang tanga  -_-

Bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti

Umiwas na lang ako ng tingin at kinausap ang kaibigan ko

Medyo matagal ko na rin hindi nakita at nakausap ang baliw na yun. Di ko nga alam kung bakit bumigat yung pakiramdam ko nung nakita ko siya

Ah.. baka nabwibwiset lang talaga ako sa pagmumukha niya

Nagsimula na ang program. Nag perform yung bwiset na unggoy at yung crush ko.

Habang nagpeperform sila, biglang bumigat nanaman ang pakiramdam ko

Tumingin na lang ako sa ibang direksyon at sa di ko inaasahang pagkakataon, tumulo ang luha ko

Yumuko na lang ako bago pa may makakita sa akin

Ano bang nangyayari sakin?!!

"Sige tama na. Tigil na" sabi ng unggoy

Pagkaangat ko ng ulo ko, nahuli kong sumulyap sa akin ang unggoy at umupo na sa upuan niya

Nagsayawan na silang lahat sa dance floor at ako lang ang natira sa table namin

Pinapanood kung paano kasaya ang mga kaibigan kong sumasayaw sa dance floor

Ilang sandali naramdaman kong may umupo sa kabilang upuan

Di siya umimik at hindi din ako umimik

Nag iba na ang lahat...

Kung dati puro asaran at barahan ang gawa namin, wala ng imik

Nakakapanibago

I hate to say this but... namiss ko yung dating ganon.

Umalis na siya sa upuan at hindi ko na inalalam kung saan siya pumunta

Yumuko ako sa lamesa

Bakit ganito ang nararandaman ko?

Diba siya ang pinakabwiset na taong kilala ko?

Tsaka hindi naman siya ang crush ko.

Bakit ganito? Nahihirapan na ako

Tumulo nanaman ang luha ko... pumunta ako ng Christmas Party para magsaya

Pero bakit mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko?

Naglakad ako para kumuha sana ng pagkain..

Pero naisip ko sana hindi ko na lang ginawa..

Naguguluhan ako kung bakit nasasaktan ako sa nakita ko

Siya lang naman ah.. ang pinaka bwiset na taong kilala ko... na may kasamang iba...

Mahal ko ba siya? Pero iba ang gusto ko ah.

Sobra na akong naguguluhan kaya lumabas ako para magpahangin at magisip-isip

Sa tingin ko matagal ko na siyang mahal pero nagbubulag-bulagan ako at pinipilit ang sarili ko na iba ang gusto ko..

Pumasok na ako sa loob at mas lalo akong nasaktan sa nakita ko..

Masaya silang nagsasayaw sa dance floor...

Masaya silang nagsasayaw na tila wala ng tututol sa pagmamahalan nila..

Tama, pagmamahalan. Girlfriend niya ang kasama niya.

Ang mas ikinasakit pa ng puso ko ay ang paghalik ng taong mahal ko sa taong mahal niya..

Ang taong mahal ko na pinaka bwiset na unggoy na kilala ko...






12/20/16

Mga Hugot At Patama ni Aling KitayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon